Chapter 22 - Ball

5.1K 304 55
                                    

#FFYwp
Chapter 22 - Ball

"Anong oras ka daw susunduin ni Tobi, anak?" Tanong ni Mommy habang inaayusan ako ng make-up artist.

Tinignan ko siya saglit mula sa salamin dahil hindi ko naman siya magawang lingunin. "6:30 daw, Mom. Kayo ba ni Daddy, anong oras po kayo pupunta doon?" Tanong ko dito.

7 o'clock kasi ang start ng party kaya sabi ni Tobi ay 6:30 niya ako dadaanan. May meeting pa daw sila nila Kuya Troy ng 4 kaya naman di siya makakaalis ng maaga.

Patapos na ang pag-aayos sa buhok ni Mommy. Nauna itong ayusan ng make up artist habang ginagawa kanina ng hair stylist ang buhok ko. Ngayon ay nagswitch naman sila, ako naman ang inaayusan ng make up artist at kay Mommy naman ang hair stylist.

"Baka mauna na kami ng Daddy mo. Kailangan naming magwelcome ng employees at guests." Aniya.

I hummed dahil hindi ako makatango, baka masira pa ang make up ko kapag tumango ako. "I see. Si Kuya Andrei po?" Tanong ko nang maalala ko bigla na hindi ko pala natanong kung anong oras ito pupunta.

"Baka magkasabay kayo niyan ni Andrei pagdating doon. Dadaanan niya pa daw ang date niya ng 6:30." Tugon ni Mommy sa tanong ko.

Nang matapos si Mommy ayusan ng buhok ay inassist na siya ng stylist namin na sila Ate Kim at Ate Boop.

Pumalakpak si Ate Den, ang make up artist namin ni Mommy. "Perfect!" Anito ng matapos ang make-up ko.

"Ang ganda mo, girl! Very blooming!" Sabi naman ni JV.

Si Ate Den, JV, Ate Kim at Ate Boop ang glam team namin ni Mommy tuwing may mga events kami na pupuntahan.

I remember sila ang nag-ayos sa akin noong JS Prom ko, noong nag-HS Graduation Ball kami, noong debut ko, at sa taon-taong ball ng DC Corp.

Tumawa si Mommy at lumabas na mula sa closet nito. She's all glammed up for the party. "Aba, syempre naman kanino pa ba magmamana yan?" Natatawang sabi nito at nilapitan kami. "But on a more serious note, blooming nga talaga si Addy. It's because of her new boyfriend. They look so perfect together." Pang-aasar nito sa akin.

"Mom!" Nahihiyang sabi ko.

Nagtawanan silang lahat na nasa loob ng room nila Mommy. "Alright. Alright." Aniya.

Maya maya pa ay pumasok na si Daddy sa kwarto. Literal na napanganga si Daddy ng makita si Mommy. "Wow." Anito.

Napangiti ako.

I really admire my parents' love for each other. Over the years, their love for each other never fades. If anything, it became stronger every single day.

That's the kind of love I aspire to have—well, that's if I will ever fall in love again.

Hinampas ni Mommy si Daddy sa braso. "Wow ka dyan. Akala mo naman ngayon mo lang ako nakita ng naka-ayos." My mom let out a chuckle.

Ipinadausdos ni Daddy ang kamay nito sa bewan ni Mommy. "What? I can't help it. Sobrang ganda ng asawa ko, eh." Aniya kaya naman namula ang pisngi ni Mommy.

Matapos maglambingan ng magulang ko ay nagpaalam nadin sila na aalis na dahil kailangan pa nga daw nila magwelcome ng mga employees at guests sa party.

I looked at myself in the mirror ng maisuot ko na ang gown ko. And all I can say is—wow. Sobrang ganda ng gown na dinesign ni Tita Chloe para sa akin.

It was an off-white beaded, open back, long, flowy gown na sumasayad hanggang sa sahig. The elegant design of the gown matched Ate Den's simple make up, as well as the hair JV pulled off.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon