Chapter 25 - Happy

4.5K 210 22
                                    

#FFYwp
Chapter 25 - Happy

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. I smiled, I don't know why, but for some unknown reason, I woke up happy today. Like I'm in a good place.

It's like, after all these years, my heart is finally free, and happy.

I turned over to look for Tobi but he's not there anymore. Yes, dito siya natulog sa condo ko. And yes, tabi na naman kami.

It has been almost a month now since I told him that I want to give us a chance, and after that night, we have already spent countless nights here. Wala namang nangyayari na kung ano. Mahihiga lang kami habang nag-uusap tungkol sa kung ano-anong bagay hanggang sa makatulog kaming dalawa.

Ganoon lang every single time.

"Tobi?" Pagtawag ko dito paglabas ko ng kwarto ko.

"Kitchen, girlfriend ko." He said.

Pagdating ko doon ay naabutan ko na parang binagyo ang kusina ko. "What are you doing? Bakit napakagulo dito?" I asked him.

He laughed, nervously. "I wanted to cook something for you, but I guess I'm just not meant to be in the kitchen." Aniya.

I can't help but smile. He looks adorable. "Just—let me do all the cooking, okay?" Natatawang sabi ko.

Sabi niya dati ay wala talaga siyang kaalam-alam sa kusina, pero hindi ko naman lubos akalain na ganito pala siya kawalang alam sa kusina.

Eh, parang may naganap na gyera sa kusina ko. I can see egg shells all over the kitchen sink, mayroon din sa mismong stove, there were flour all over as well.

"I'm guessing you're attempting to make a pancake?" Natatawang sabi ko at nag-umpisa ng linisin ang kalat ni Tobi.

Tumawa ito. "I know, I suck, okay? But I really want to cook something for you. Palagi nalang kasi ikaw yung nagluluto for us." He paused. "By the way, good morning." He told me before he leaned in and kissed the top of my nose.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa ginawa niya. "U—Uhm, good morning." Wala sa sariling sabi ko.

Mas lumakas ang tawa nito. "You're so cute kapag kinikilig ka. Grabe, girlfriend ko, nahiya yung color red sa pula ng pinsgi mo." Banat nito.

Marahan ko siyang sinabuyan ng flour na hawak ko. "Ang kapal mo. Sino kaya satin ang grabe kiligin?" Sabi ko dito at hindi napigilan ang tawa ng sumaboy sa mukha niya ang harinang binato ko.

Ngumisi ito. "Ah, ganon." Pilyong sabi nito.

"Joke lang!" Sabi ko at agad na tumakbo palayo sakanya nang mapagtanto ko ang gagawin nito.

Pero huli na ang lahat dahil naabutan na niya ako at naikulong na niya ako sa bisig niya. Nagpumiglas ako ng maramdaman ko ang kamay nito sa bewang ko. "N—no, no, please." I said while laughing my ass off.

It's so unfair! Alam na alam niya ang kahinaan ko dahil alam niyang malakas ang kiliti ko sa bewang. Eh ako? Wala, dahil wala namang kiliti itong si Tobi.

"S—Stop na. Please." Sabi ko pero wala parin itong tigil.

Ugh! Magic words!

"Tobi ko, stop na." Malakas na sabi ko kaya naman agad itong tumigil.

Napangiti ako. Iyon talaga ang magic words eh, Tobi ko. Tuwing sasabihin ko yun ay automatic na mapapatigil siya sa pangingiliti niya.

Ang gusto niya daw sana ay boyfriend ko ang itawag ko sakanya. But then he changed his mind, sabi niya itawag ko nalang daw iyon sakanya kapag sinagot ko na siya, at kapag totoong kami na.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon