Chapter 33 - Goodbye

1.4K 70 11
                                    

#FFYwp
Chapter 33 - Goodbye

Ilang araw ang lumipas ngunit hindi parin bumuti ang lagay ni Tito Ashton. Hindi pa ito gumigising mula nang mag-seizure ito last week.

Sinilip ko si Tobi na nasa tabi ng kama ni Tito Ashton. Pansin na pansin kung gaano kaapektado si Tobi sa nangyayari sa Daddy niya. Malalim ang eyebags nito, magulo ang buhok, tumubo narin ang balbas at bigote nito. Malaki narin ang ipinamayat niya sa ilang araw namin dito.

I sighed.

Kitang kita ko kung gaano ito nasasaktan at nahihirapan, pero wala akong magawa para sakanya maliban sa iparamdam sakanya na hindi siya nag-iisa.

Na pwede niya akong iyakan.

Na nandito lang ako, at hindi ako aalis.

"Addy. Iuwi mo na muna si Tobi. He does not look good. Baka mamaya ay siya naman ang maospital kapag bumagsak ang katawan niya." Sabi ni Troy.

I sighed. "I'll try po." Again.

"Bababa muna ako para kausapin ulit yung doktor. Ikaw na bahala kay Tobi." He said.

I nodded.

Sana ay mapapayag ko na ito umuwi ngayon.

Noong isang araw kasi ay pinilit ko na ito umuwi muna para makapagpahinga pero ayaw nito. Aniya ay ayaw niyang iwan si Tito Ashton.

And I get that. I do. But he hasn't been getting enough sleep—let alone, rest. And Troy's right, kung hindi makakapagpahinga si Tobi ay baka maospital narin ito.

Dahan dahan akong pumasok sa ICU. Hinawakan ko ang balikat ni Tobi. "Tangi, let's go home? Kahit ngayong gabi lang." Sabi ko dito.

He shook his head. "I can't, girlfriend ko." Aniya.

I sighed. "Boyfriend ko, you need to rest. Limang araw ka ng hindi umuuwi. Bilang na bilang pa sa daliri yung oras ng tulog mo." Pangungumbinsi ko dito.

"Sunod sunod ang pag-iling na ginawa nito. "I can't. Hindi ko kayang iwanan dito si Daddy." Bumuntong hininga si Tobi.

I hugged him. "I can't leave him, girlfriend ko. I—I can't. Paano kung—" Hindi nito natapos ang sasabihin niya dahil sa mga hikbi nito.

Fuck.

Magsasalita na sana ako nang mapansin ko ang unti-unting pagmulat ni Tito Ashton ng mata. "Tito." Iyon lang ang naibulalas ko sa gulat.

Agad na bumitiw si Tobi mula sa pagkakayakap nito sa akin. "Dad." Anito nang makitang gising na nga si Tito. "Wait, tatawag lang ako ng doktor." Aligagang sabi ni Tobi pero agad din itong pinigilan ni Tito.

"S—Stay here. I want to talk to you." Sabi ni Tito Ashton.

"Tito, mauuna na po muna ako." Sabi ko dito dahil pakiramdam ko ay gusto ni Tito na kausapin si Tobi ng sila lang.

Tinapik ang balikat ni Tobi. "Boyfriend ko, aalis na muna ako para makapag-usap kayo. Dadaan lang ako sagalit sa grocery para makabili ng ibang kailangan dito tapos sa condo para makakuha ng mga damit mo." I told him and kissed the top of his head.

Tumango lang si Tobi pero hindi ako nito nilingon.

Paglabas ko ay narinig ko pang magsalita muli si Tobi. "Dad." Nabasag ang boses nito.

"You must have a lot of questions." Narinig kong sabi ng hinang hinang Tito Ashton.

Ang bigat bigat ng dibdib ko habang naglalakad patungo sa elevator.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Tito Ashton, at kung bakit niya pinigilan si Tobi na tumawag ng doktor. Pero namuo ang kaba sa dibdib ko nang sabihin nitong gusto niyang kausapin si Tobi.

I have a feeling na gumising lang ito para magpaalam kay Tobi.

Shit, no, please.

Tobi can't lose any more family.

Napasandal ako sa pader ng elevator at napahawak sa dibdib ko habang walang tigil ang mga luha ko sa pag-agos sa pisngi ko.

Fuck! Nasasaktan ako para kay Tobi. Nasasaktan ako sa thought na baka mawalan na naman siya ng pamilya. Nasasaktan ako kasi hindi ko alam kung kakayanin niya pag nawala si Tito Ashton.

Pagbukas ng elevator ay tsaka ko lang naalala na naiwan ko pala yung bag ko sa couch sa taas. I was too preoccupied with my thoughts, shit.

Ayaw parin tumigil ng luha ko habang paakyat ako muli para kuhanin ang mga gamit ko.

Shit naman, Addy. Umayos ka, hindi ka pwedeng makita ni Tobi na ganyan.

Inayos ko ang sarili ko saglit sa banyo bago pumunta muli sa ICU. Pagdating ko sa harap ng pinto ng ICU ay muli kong narinig ang boses ni Tito Ashton.

"Now, it's time for me to reunite with the love of my life." Tila hirap na hirap ito sa bawat bigkas niya ng salita.

"Hindi ko pa ata kaya, Dad." Umiiyak na sabi ni Tobi.

"Kaya mo na. Alam kong kaya mo na. And you know, parents are not supposed to outlive their children." Sabi muli ni Tito Ashton.

Sandaling natahimik sa kwarto. "Will you be at peace with Tita Harmony there?" Tanong ni Tobi. Tila hirap na hirap ito sa sinasabi niya.

"I will." Narinig kong sabi ni Tito Ashton.

Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi ko ng malakas.

Nagpapaalam na nga si Tito Ashton. Tangina, ang sakit.

Naglakad ako patungo sa restroom dahil alam kong hindi ko na dapat pakinggan pa ang pag-uusap nila. I want to let them to be able to say their goodbyes ng sila lang.

And besides, it's being too painful for me to handle. And this is not the time to be weak.

No.

Pagpasok ko sa cubicle ay doon ko iniyak lahat. Doon ko nailabas lahat ng hikbing kanina ko pa pinipigilan.

Ang sakit.

Sobrang sakit.

*********

Sorry ng madaming madami if hindi ko ako nakapagupdate for monthssss.

And I know I owe you guys an explanation. Bukod sa sobrang busy ko sa work, feeling ko nawalan ako ng will to write kasi ang dami ko rin talagang iniisip. Ayun, minsan gumagawa ako ng twitter seryes to keep my mind off some things pero hindi ako nakabalik agad sa wattpad kasi mas mabigat to. 😂

Pero promise tatapusin ko na siya. Goal ko yun, matapos before malift yung ECQ by end of this month.

Also, ito na yung part ng isang special chapter sa Not A Fairytale under PHR. Mas detailed lang yun since written siya in Ashton's POV.

Anw, hope you all are okay!

❤️

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon