Chapter 40 - Guilty

1.7K 105 29
                                    

#FFYwp
Chapter 40 - Guilty

Pahawak na sana ako sa pinto ng sasakyan ko nang mahablot ito ni Tobi.

Pagod ko siyang nilingon. Mapungay ang mga mata nito.

"I—" He took deep breaths, probably trying to find the right words to say.

"What? You're sorry? I heard you the first time." Tumango ako bago magpatuloy. "Narinig ko, malinaw na malinaw. The problem is, wala na akong pakialam sa sorry mo. I've heard that thousands of times already over the past year."

Napabitaw ito sa akin sa sinabi ko.

Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko bago magsalita muli. "Sorry, I can't make it tonight. Sorry, I'm busy, call you later. Sorry, I lost track of time. Sorry, ang daming meetings. Sorry, I forgot." Nabasag ang boses ko kasabay ng pagragasa ng bagong batch ng luha ko.

"Kanina ka pa nakauwi?" Tanong ko kay Tobi nang maabutan ko siyang nagcecellphone sa kama pag-uwi ko.

Hindi agad ito sumagot.

"You're drunk." Madiin at malamig na sabi nito pag-upo ko sa kama.

I shook my head. "Nakainom lang." I told him.

"Lunes na lunes nag-inom ka." Aniya.

Nanlabo ang paningin ko sa mga luhang nagbabadyang lumabas. "Pinuntahan kasi ako nila Rachel." Pagpapaliwanag ko kahit wala naman akong dapat ipaliwanag.

"Kasama si Arnold?" Bakas padin ang galit sa boses nito.

I nodded. "Buong bark—"

He immediately cut me off. "Uminom kayo ng wala lang? Tsk. Next time, learn how to say no specially if it's a weekday. Lalo na kung wala namang okasyon." May diin na sabi nito.

Wala lang? Walang okasyon?

Nanuyo ang lalamunan ko kasabay ng pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas. "May okasyon." Mahinang sabi ko.

"What?"

"I—It's my birthday." Nabasag ang boses ko. "They just dropped by to surprise me. Naglabas ako ng wine para sakanila. So they stayed while I was waiting for you." I took deep breaths.

"Buong araw kitang hinintay." Mahinang sabi ko, sapat lang para marinig niya. Pinalis ko ang mga luha ko pero wala silang tigil sa pagbagsak.

Damn it, Addy! Get your fucking shits together will you?

"Tangi, I—" Maamo na ang boses nito.

I shook my head. "You forgot." Pagtapos ko sa sasabihin nito.

"Girlfriend ko." Pagtawag nito sa akin. "I'm sorry, I forgot."

Ngumiti ako. "It's fine. I'm tired, let's sleep."

"Addison Grace." Pagtawag nito sa akin.

I sighed. "Matulog na tayo." Pagod na sabi ko.

Bumalik sa ala-ala ko ang isa sa pinakamasakit na sorry na natanggap ko mula kay Tobi.

I smiled bitterly. "Sa dami ng sorry na natanggap ko mula sayo, kahit minsan wala akong nakitang pagbabago." I spat out.

Umiling siya. "I'll be better. I'll do better. Please. I need you." He pleaded.

He tried to hold my hand once again pero humakbang ako palayo. "That's the problem. When you need me, I'm always there. No questions asked. No second guessing. When you need me, I'll drop everything just to be there for you. Everything."

Tinignan ko siya ng deretso sa mata. "Pero pag kailangan na kita, palagi kang may excuse, palaging hindi pwede, palaging may mas mahalagang kailangan na gawin."

"Isang taon. Tiniis ko lahat. Pero pagod na ako." Seryosong sabi ko dito.

Umiling ako. "So please, just stop. Don't make this harder than it already is." Nagmamakaawang sabi ko.

It's my turn to plead.

"I meant what I said that night. I'm done fighting alone. I'm done. We're done." Sabi ko at akmang aalis na nang pigilan na naman ako ni Tobi.

May kumawalang luha sa mata nito. Nag-iwas ako ng tingin.

I can't be weak. No, not anymore.

"Naguguilty ako." Napahugot ako ng hininga nang mag-umpisa na siyang magsalita.

"I should've known about Dad's condition. Dapat napansin ko, dapat naramdaman ko na may iba—na may sakit na pala siya. Dapat nasa tabi niya ako sa huling mga araw niya, but no, I was happily living my life with you. That's why I felt guilty." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi ko.

This is the actual first time I'm hearing about this.

"Noong una nahihirapan lang ako kada makikita kita, kasi naaalala ko yung mga pagkukulang ko kay Daddy. And then eventually, I felt guilty for treating you that way, too." Huminga ito ng malalim, at tila ba hirap na hirap siya sa bawat salitang binibitawan niya.

"But I was in so much pain, that I—I guess I just stopped caring about anything, about anyone, even you. Nilunod ko ang sarili ko sa trabaho para wala akong oras masaktan at maguilty, sayo, at kay Daddy." Parehong walang tigil ang luha namin.

Ang sakit. Tangina, bakit ang sakit?

"That night, noong binalik mo yung singsing sakin, doon ako para akong binuhusan ng malamig na tubig. Doon ako nagising. I realized I was taking advantage of your love way too much. I realized that I was hurting you way too much." He caressed my face.

Napapikit ako sa ginawa niya.

"But today, I realized that I've been such an asshole to you—you, whom I promised to spend the rest of my life with. You, who loved me even when I'm not worthy of your love. You, who cared so much about my well-being, so much so, that you put it before your own. And for that, I am sorry. I am so sorry, my Tangi."

Hindi ko na napigil ang hikbi ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa noo ko.

Hindi ko magawang magmulat ng mata. I can't.

Sunod kong naramdaman na pinagdikit nito ang noo namin. "I love you. I may be a year late, but I just want you to know that I still love you. Always have. Always will." He whispered.

"And so I am letting you go."

*

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon