Chapter 15 - Swimsuit

4.8K 292 46
                                    

#FFYwp
Chapter 15 - Swimsuit

Napatitig ako sa phone ko matapos ibaba ni Tobi ang tawag. Wait, what the hell just happened?

"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" Sabi ni Rache pagbalik nito sa office ko. "Umorder na ko. Same nalang din yung order na sinabi ko kay Vina for you. I'm really hungry. Hindi pa ko naglulunch, eh." Dagdag nitong sabi bago bumalik sa inupuan nito kanina.

I shrugged. "Pupunta daw si Tobi dito. As in, ngayon na." Sabi ko kay Rachel.

Tumawa ito. "Wow. Iba din naman 'tong si Tobi, ano? Kanina may paflowers lang. Tapos nagkausap lang kayo sa phone, pupunta na agad dito?" Aliw na aliw na sabi nito.

"Ewan ko ba doon." Sabi ko dito. Napailing ako. "Teka, bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko. Wala naman kasi kaming usapan na magkikita ngayon.

Nanlaki ang mata nito. "Yes yes, about that. Buti pinaalala mo, I almost forgot. I'm here to talk about Tricia." Sabi nito at umayos ng pagkakaupo.

"Tricia? Anong meron kay Tricia?" I asked her.

Hindi naman kasi magkakilala 'tong si Rachel at Tricia. Actually, sa barkada namin, wala namang personal na nakakakilala sa kanya talaga.

Ang alam ko ay ang mga lalaki naming barkada ang nakasama na nito nang minsang lumabas sila nila Arnold noon. Other than that, kaming mga girls, wala kaming naging connection or any sort of communication dito.

"She called me, last night, asking if tingin ko daw papayag ka na mag-double date kayo. Siya, si Arnold, si Tobi at ikaw. And hiningi niya yung number mo." Pagkukwento nito.

What?

Mapait akong natawa. "Is she delusional? Double date? Really?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

Baliw ba ang babaeng iyon? Ako makikipagdouble date sa kanila ni Arnold? Date talaga? Knowing na ex ako ng boyfriend niya. And not to mention, nakipaghiwalay si Arnold sa akin para sa kanya.

Oh, God. If that's not crazy. I don't know what is.

Tumawa din si Rachel. "See? Sabi na ganyan na ganyan magiging reaksyon mo, eh."

Napailing nalang ako. "I didn't know na may tama pala sa utak ang pinalit sa akin ni Arnold. So, anong sabi mo?" Sabi ko.

"Grabe ang harsh ng may tama sa utak. Bitter?" She laughed. "Di pa nakakamove on? Girl, may Tobi ka na. Pabayaan mo na ang dalawang iyon." Sabi nito sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. "First of all, nakamove on na sabi ako. At tsaka, anong pabayaan ko sila, eh sila nga 'tong ayaw akong tantanan. Una, sinabihan ako ni Arnold na miss niya na raw ako. Tapos itong si Tricia, double date naman daw. Okay lang sila?" Napailing ako.

"Wait—hold on right there. Tama ba yung narinig ko? Sinabihan ka ni Arnold na miss ka na niya? Kailan ito?! And since when did you two started talking again? Alam ba 'to ni Tobi?" Gulat na tanong ni Rachel at bahagya pa akong niyugyog.

I rolled my eyes. "Stop it, ano ba nakakahilo." Sabi ko bago huminga ng malalim. Hindi ko pa nga pala naikwento sa kanya ang tungkol doon. "Hindi kami nag-uusap ulit, okay? Namimili kami ni Tobi sa QC ng furnitures for my unit, tapos nakita niya ako. And then ayon, sabi niya namimiss na niya ako. At oo, alam ni Tobi." Pagkukwento ko dito.

"Oh tapos? Anong sabi mo? At anong sabi ni Tobi?" Excited na tanong ni Rachel.

I shook my head pero bago pa man ako makasagot ay may nagsalita na para sa akin. "Wala." Napatingin kami ni Rachel pareho sa pinto ng office ko ng magsalita si Tobi.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon