Chapter 6 - Kiss

5.2K 316 48
                                    

#FFYwp
Chapter 6 - Kiss

I've been staring blankly at my computer for God-knows-how-long nang biglang may kumatok sa pinto ng office ko. "Come in." Sabi ko.

Pumasok doon si Vina. "Mam Addy, kailan niyo daw po ituturo yung bagong dish na iseserve natin?" Sabi nito.

Pinilig ko ang ulo ko. "Kiss? What kiss?" Kabadong sabi ko.

Tumawa ito at umiling. "Dish, Mam. Dish po. Hindi kiss." Natatawang sabi nito.

Tumango ako at nag-iwas ng tingin. "Right, dish. Maybe next week." I told her.

Oh please, Addy! Get your fucking shits together, will you?

Last night after Tobi kissed my forehead, he went straight to his car. Leaving me there, dumbfounded. And I have been spacing out since then.

I get that I'm the one who asked for him na makisama sa pagkukunwari namin na boyfriend ko siya sa harap ng mga kaibigan ko. But a forehead kiss. Isn't that too much for a pretend?

Napatingin ako sa phone ko ng magring ito. "Hello, Ynah?" Sagot ko sa phone ko.

"Girl, nasend ko na sa email mo yung flight details para makakuha na si Tobi ng ticket." Anito.

I felt a lump on my throat upon hearing his name. "Yeah, sure. Thanks." Sagot ko nalang.

Nagpaalam nadin siya agad at sinabing tumawag lang siya to inform me. Pagbaba niya ng tawag ay binuksan ko agad ang email ko sa laptop ko at nandoon na nga ang flight details namin.

I sighed. "Ano ba tong gulong pinasok ko?" I told myself.

Nang makuha ko ang details ng flight namin para sa bakasyon naming magkakaibigan ay agad na nag-sink in sakin na next month din pala ang ball sa company nila Daddy.

I was too preoccupied last night with Arnold, Tobi and Tobi's family na hindi ko naalala ang tungkol dito. I scanned through my calendar at napamura nalang ano dahil hindi ko pa pala iyon napapalagay iyon dito.

Although Vina is the restaurant's manager, she's also the one fixing my schedule for me. Tutal ay hindi lang naman siya ang nagmamanage ng business ko dahil hands-on naman ako dito, nagvolunteer ito na siya nalang din ang aaktong secretary ko.

Nag-agree nalang din ako dahil hindi ko naman talaga kailangan ng secretary. I just need someone who'll take care of my schedule and meetings for me. And that's it.

God! I just hope hindi magconflict ang date ng ball sa date ng pag-alis namin. Or, better yet, sana magconflict nalang para hindi ko na kailangan pumunta sa bakasyon namin. I'll have a reason to ditch that trip, and not be with Tobi, nor Arnold and Tricia.

But then, ang tagal na naming pinlano to nila Rachel. Sobrang busy na kasi naming magkakaibigan sa trabaho kaya sabi namin dapat matuloy kahit iyon man lang.

Bahala na, tatawagan ko nalang si Kuya Andrei para malaman yung date ng ball ng DC Corp. If it's meant to be, it will be.

Kung meant to be na makapagbakasyon ako with my friends, then so be it. Kung hindi naman at masaktong tapat ang date ng alis namin sa ball nila Daddy, edi okay lang din.

Ilang rings bago sumagot si Kuya Andrei sa kabilang linya. "Hi Kuya. Busy?" Tanong ko dito. Ayoko naman makaistorbo sa trabaho niya.

All week round din sa kompanya si Kuya. The only day he's not in his office is tuwing Sunday. So from Monday until Saturday ay nasa opisina ito at nagtatrabaho. Talk about being workaholic.

Well, I guess di ko siya masisisi. Siya ang inaasahan nila Daddy na magmamana ng kompanya nila. Kaya naman sinisigurado ni Kuya na walang masasabi ang mga employees ni Daddy na nakuha ni Kuya ang posisyon niya dahil anak siya ng may ari.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon