Chapter 17 - Live Show

5.2K 307 83
                                    

#FFYwp
Chapter 17 - Live Show

"Shit!" Pabulong kong sabi nang makita ko ang oras sa phone ko. "Tobi, wake up! 5:15 na! 5:30 daw sila dadaan dito." Sabi ko at tinulak si Tobi mula sa pagkakayakap sakin.

Fuck, bakit kasi napahaba ang tulog ko at hindi ko narinig ang alam ko?

Right, kasi nga pala masyado akong naging at peace matulog na nakayakap kay Tobi. Sobrang naging mahimbing ang tulog ko kaya ito, ang ending ay late kami pareho nagising.

I shooed my thoughts of last night away. "Mauuna na ko maligo." Sabi ko at akmang papasok na sa banyo ng magsalita si Tobi.

"Ayaw mo bang sabay na tayo?" Namamaos pang sabi nito.

I rolled my eyes. "Asa ka." Sabi ko bago siya iwanan doon.

"Sabay na tayo, girlfriend ko!" Sigaw nito. Narinig ko pa ang malakas nitong tawa hanggang sa loob ng CR ko.

Bwisit.

Nang matapos ako ay nagsuot ako ng bathrobe bago ako lumabas ng CR ko. "Your turn." Sabi ko sakanya.

Ngumisi ito at tumayo mula sa pagkakasandal sa headboard ng kama ko. "Sabi kasi sayo, sabay na tayo. Edi nakatipid sana tayo sa oras, at tubig." Pang-aasar nito.

"Pag-ikaw di tumigil, walang tutuloy sa Palawan." Sinimangutan ko siya.

Anong gusto niya, save water shower together, ganon?

Tumawa ito na tila ba aliw na aliw siya sa reaksyon ko. "I'm just kidding. Or not." Anito bago pumasok ng banyo.

Hindi pa man ako nakakapagsimula magbihis ng magring ang doorbell ko. Shit, ang aga naman nito nila Rachel.

Mabilis kong tinungo ang pinto ko. "Ang aga mo nam—" Napatigil ako sa sasabihin ko ng makita ko kung sino ang kasama ni Rachel.

Shit!

"Anong maaga? 5:30 na. At tsaka ano ba, get dressed, will you?" Bahagya itong tumigil para pumasok sa unit ko. "Susunduin pa natin si Tobi. By the way, hindi siya sumasagot. Di ko alam saan yung bahay nila so ikaw na mag-guide mamaya sa daan." Mahabang sabi pa nito.

Wala akong naintindihan sa sinabi ni Rachel dahil gulat padin ako na makita si Arnold.

Tinalikuran ko si Arnold na nakatitig sa akin. Damn it!

I clenched my jaw. "I'll be quick." Sabi ko nalang bago sila talikuran.

Papasok na ako ng kwarto ko pero agad na lumabas doon si Tobi. "Girlfriend ko?" Pagtawag nito sa akin.

Nakatapis lang ito ng twalya sa kanyang bewang, habang nakabalandra naman ang itaas na parte ng katawan nito.

Napalunok ako ng makita ang iilang takas na patak ng tubig na tumungo sa ilong nito, pababa sa dibdib nito.

Oh, fucking hell.

"Di ko pala nakuha yung damit ko na gagamitin sa—" Napahinto ito ng tumikhim si Arnold. "Hey." Gulat na sabi ni Tobi kay Rachel at Arnold.

Sandali akong nilingon ni Tobi, bago ako nito biglang hilahin at ilagay sa likod niya. "Anong ginagawa mo?" Bulong ko dito pero hindi niya ako sinagot.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko bago ito magsalita ulit. "Sa baba niyo nalang kami hintayin, Rachel. We'll make it quick." Malamig at seryoso na sabi nito.

Sinilip kong pilit si Rachel. Ngumisi ito. Habang kumunot naman ang noo ni Arnold sa tabi nito. "Bilisan niyo, ha? Quickie lang—I mean, make it quick." Natatawang sabi niya at hinila palabas si Arnold.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon