Chapter 27 - Jealous

5.9K 237 87
                                    

#FFYwp
Chapter 27 - Jealous

"Anong oras ka daw dadaanan ni Tobi?" Tanong ni Rachel sa akin.

I checked my phone once again pero walang kahit anong text mula kay Tobi. I shrugged. "Baka hindi pa tapos yung meeting, hindi pa nagtetext, eh." Sabi ko dito.

Nasa mall kami ngayon ni Rachel para makapagbonding naman daw kami. We haven't seen each other for a couple of months since we're both busy with our own careers and lovelife. Abala ito sa kompanya nila at kay Paul, habang ako naman ay naging abala sa restaurant ko—at kay Tobi.

We still communicate often though, halos araw araw parin kami nag-uusap either via text or via chat para mangamusta sa isa't isa, or para magkwento lang ng kung ano-ano. It's just that we're both busy with our lives that we don't get to see each other as often as before.

And that's fine. That is totally fine.

We're both grown-ups, living both our lives to the fullest. Hindi namin kailangan magkita araw araw o linggo linggo para masabi na magkaibigan parin kami.

I guess that's what I love about our friendship. It might not be as high maintenance as other friendships, but we know in our hearts that we're always gonna be there for each other. I think we have reached that point in our friendship where we know that we will always be best friends no matter what.

Enough of the blabbing, I'm kind of worried though. Napagkasunduan kasi namin ni Tobi na after ng meeting niya with Troy and their investors ay susunduin nalang ako nito dito sa mall para kami naman ang makapagdate. Mayroon kasi akong gustong panuorin na kakalabas lang sa sinehan kahapon.

But dapat ay one hour ago pa natapos ang meeting nito. Kung mag-extend man ay ilang minuto lang dapat. Thirty minutes at most, but the fact that I still haven't heard from him yet, makes me want to think that something might've happened in the meeting. Baka may  biglaang malaking problema ito sa kompanya kaya napahaba ng ganito katagal ang meeting nila.

"So what's your plan? Nandyan na daw sa labas si Paul." Ani Rache sa akin.

I sighed. "Ako nalang siguro ang pupunta doon sa office niya. Mag-book nalang ako ng Grab." I told her.

Umiling ito. "Idaan ka nalang namin, you want? It's along the way naman. Mahirap magbook ngayon for sure, rush hour na." Agad na sabi nito sa akin.

Napanguso ako. She's right. "Alright. Nasaan na daw si Paul?" Tanong ko dito.

"Iikot lang. Let's go." Anito at nagpatiunod nalang ako ng higitin ako nito palabas ng mall.

Mabilis ang naging byahe namin patungo sa office ni Tobi. I silently thanked God na walang traffic dahil walang ginawa si Rachel at Paul kundi asarin ako kung kailan ko daw ba sasagutin si Tobi para daw totohanan na.

And the only answer they were able to get was when the time is right.

Pagbaba ko ay agad na nagpaalam sila Rache dahil may lakad parin daw sila. Inayos ko ang suot ko bago ako mag-umpisang maglakad patungo sa lobby ng building nila Tobi nang bigla kong matanaw si Tobi na palabas ng building.

I immediately stopped on my tracks.

He was not alone.

May kasama itong babae. They were laughing their asses off habang palabas sila ng building. "Bubba!" Sigaw ng babae nang guluhin ni Tobi ang buhok nito.

Tumawa si Tobi at inakbayan ang babae. "Since when did you care about your hair, Bubb?" Anito.

I suddenly felt a lump on my throat just by watching them talk, and laugh, because whether I admit it or not, they look cute together. Bagay sila.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon