Chapter 11 - Bed

5.1K 281 64
                                    

#FFYwp
Chapter 11 - Bed

It has been two weeks mula ng magkakilala kami ni Tobi. And since then, mas napalapit pa kami sa isa't isa.

Hindi pa ulit kami nagpanggap na kami since the day na muntik akong bigyan ni Tito Ashton ng condo unit sa Harmony Residences. Pero kahit ganoon ay madalas parin kami magkita.

No, scratch that. Hindi lang basta madalas. Halos araw araw kami nagkikita, dahil araw araw itong pumupunta sa resto ko.

Before 8 AM ay dadating yan sa resto ko na may dalang breakfast tapos sabay kaming kakain bago ito pumunta sa opisina nila. That has been our routine for the past two weeks.

Sa hindi malamang dahilan, parang instant bestfriends kami ni Tobi. Although syempre hindi mawawala yung maya't maya niyang pangaasar at maya't maya nitong panghaharot.

Nakasanayan ko narin yung sweet words at sweet gestures niya as time passes by. Don't get me wrong, hindi dahil nakasanayan ko na okay na ako sa mga ganon niya.

Madalas ay binabara ko parin ang mga ganon niya or sinusungitan ko siya. But nonetheless I have accepted the fact na ganoon lang talaga si Tobi—pafall.

Ngayon ang plano namin ay susunduin niya ako ng alas-singko ng hapon para makapunta kami sa bilihan ng mga furnitures sa condo ko.

Yes, nabili ko na iyong one bedroom unit sa Harmony Residences. Noong isang araw lang nafinalize lahat ng papeles and everything. Kahapon ay pinuntanan namin ni Tobi iyong unit ko para magsukat.

I personally want to decorate my condo unit, but Tobi insisted on helping me. At pag si Tobi ang nagpumilit, parang wala ka nalang choice. Kaya naman ngayon nga ay mag-fufurniture shopping kami.

Aniya ay may meeting lang sila tapos ay pupunta na ito dito para masundo ako.

Busy ako na tumulong sa kusina nang biglang tumili ang sous chef ko. Nilingon ko siya pero naagaw na ng taong nakatayo malapit sa akin ang atensyon ko.

Kaya naman pala tumili ito. Kasi nandito na naman ang crush nito. Sabagay, gwapo at malakas naman talaga ni Tobi. Kaya kahit sino ay talagang nagkakagusto dito.  Kahit sino—maliban sa akin.

"You're early." Sabi ko dito ng makita ko na alas kwatro palang ng hapon.

Ngumisi si Tobi at inabot sa akin ang bouquet na dala niya. "Maaga natapos yung meeting, eh. Busy?" Tanong nito sa akin.

Naghiyawan ang mga tao ko sa kitchen ng abutin ko ang bulaklak. Nitong mga nakaraang araw ay panay ang panunukso sa aming dalawa dito sa restaurant.

Napailing nalang ako. "Medyo. Tara na ba? At para san na naman 'to?" Tanong ko.

He shrugged. "Sige lang, if busy ka pa, I'll wait. And that—is for your office. Wala ka ng bulaklak doon, eh." Nakangiting sabi nito.

"Wow, ah. Supplier na ba kita ng bulaklak ngayon?" Pagbibiro ko dito.

"More like supplier ng pagmamahal." Natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Joke." Pahabol nito pero meron paring mapaglarong ngiti sa labi niya.

Hindi ko na siya sinagot sa sinabi niya. "Tara na nga lang kesa kung ano ano sinasabi mo diyan. Babalik pa rin ako dito, eh." Sabi ko nalang, pag-iiba ng topic.

Naglakad na ko patungo sa office ko pero maya maya ay katabi-katabi ko na ito. "Girlfriend ko." Pagtawag nito sa akin kaya naghagikhikan na naman ang mga tao sa kitchen.

"What?" I asked him, not minding my employees.

Inakbayan ako nito. "Pinapatanong ni Daddy kung kailan daw tayo makakapaglunch dito. Diba, you promised him na maglulunch tayo dito sa resto mo." Anito.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon