Chapter 20 - Wait

5.2K 322 48
                                    

#FFYwp
Chapter 20 - Wait

"Hey." Halos mapatalon ako sa gulat ng may humawak sa balikat ko. "You okay?" Tanong ni Arnold.

Nilingon ko ang pinanggalingan niya. Lahat ng mga kaibigan ko, maging si Tobi ay naroon parin sa may pavilion, kumakain ng breakfast. Wala akong gana kumain kaya naman nagpasya nalang ako pumunta dito sa may beach.

I nodded. "Balik na ako doon." Sabi ko ng mapansin na nagpaplano si Arnold na tabihan ako sa kinauupuan ko.

"Wait." Aniya at hinawakan ang palapulsuhan ko bago pa man ako makalayo.

I looked at him plainly. "What?" Walang gana kong tanong dito.

I've had enough of his bullshit already, kaya imbes na mabwisit ako, imbes na mag-overthink pa ako sa actions niya, ay hahayaan ko nalang siya. Hindi ko nalang siya papansinin.

I won't give him the satisfaction of knowing na iniisip ko parin siya, or na may pakialam parin ako sakanya just because napapaisip ako or affected ako sa mga ginagawa niya.

He hesitated for a while but then tinanong niya rin kung ano ang kanina niya pa planong tanungin.

"I just want to ask if you're okay. You seem distracted, kanina pa. And I know you, ganito ka pag may gumugulo sa isip mo." Anito.

Malamang may gumugulo sa isip ko. My pretend boyfriend just asked me to make this thing, us, real.

But I can't tell him that. No. So I opted for something that would completely shut him up.

I shook my head. "You don't know me. Well atleast, not anymore. People change, Arnold. I changed from the moment we broke up. So no, you don't know me. Not anymore." May diin kong sabi bago ko higitin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Natahimik ito sa sinabi ko kaya naman kinuha ko iyong oportunidad na iyon para talikuran siya.

Pagdating ko sa pavilion ay agad akong sinalubong ni Tobi. "You okay?" Aniya at sandaling nilingon ang pinanggalingan ko bago ako balingan muli ng tingin.

I nodded. Alam kong nakita niya kami ni Arnold, kaya niya natanong kung okay lang ba ako, at nilingon ang pinanggalingan ko.

Napatingin ako sa kamay ko ng hawakan niya iyon. "About last night..." He started.

Napalunok ako.

Kagabi, ng sabihin niya sa akin na totohanin na namin itong pagpapanggap namin ay wala akong naisagot. Saying I was dumbfounded was an understatement.

Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko sa sobrang pagkabigla ko sa sinabi nito.

At nang makarecover na ako sa pagkagulat ay hindi na ako nito binigyan ng chance magsalita pa dahil agad nitong sinabi na maghihintay siya.

"If hindi ka pa handa sumagot, it's okay. Maghihintay ako. I'll wait. Because girlfriend ko, I mean it when I said that I want this to be real. I want us to be real."

Those were his exact words before he pulled me for a hug.

Alam ko hindi pa naman talaga niya sinabi na mahal niya ako, or na nahulog na siya sakin. But the mere fact that he wants us to be real, already says it all.

And I'm not sure how to break it to him that I'm not ready for that. I'm obviously not ready to enter a relationship just yet. Truth is, I don't know if I'll ever be ready to enter a relationship.

Hindi dahil may nararamdaman pa ako kay Arnold, but it's the fact that I am scared to be in a real relationship because my previous relationship fucked me up, big time.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon