Chapter 18 - Protective

5.9K 343 101
                                    

#FFYwp
Chapter 18 - Protective

"Wow." Namamanghang sabi ko paglabas ko sa balcony ng cottage namin ni Tobi.

Inilibot ko ang paningin ko para makita ang kabuuan ng lugar na pinagsstayan namin.

I've been to a lot of beaches, resorts, and hotels, but I've never seen something as beautiful as this.

I closed my eyes as I took deep breaths. Naramdaman ko na may tumabi sa akin pero hindi ako nagmulat ng mata dahil alam ko naman na si Tobi lang iyon. I kept my eyes shut, savoring the calmness of the place.

"The view is breathtaking." Mahinang sabi ni Tobi.

I smiled as I opened my eyes. "Ang ganda, noh. My friends sure do know how to spot a good place." Sabi ko dito.

Sandaling natahimik bago ito nagsalita muli. "Sobra." He said, almost a whisper.

Nilingon ko siya at halos manlambot ang legs ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "Sobrang ganda." He said without breaking the gaze.

I shook my head. "Ikaw tigil-tigilan mo ko, ha. Mga galawan mo talaga." Iling-iling kong sabi.

Siguro kung marupok lang ako katulad ng dati, ay nahulog na ako sa mga paandar ni Tobi. If I had met him before I met Arnold, siguro ay nabaliw ako dito. Sa paraan ba naman ng pananalita nito palagi. At sa mga sweet gestures niya.

But I grew up.

I learned that words are nothing but just words, maybe not all the time but most of the time.

Sasagot pa sana si Tobi ng tawagin kami ng barkada ko. "Addy! Tobi! Let's go." Pagtawag ng barkada ko sa amin mula sa kabilang cottage.

Right, they were all in Rachel's and Paul's cottage, na katabi ng cottage namin, kahit may kanya kanya naman kaming cottage.

Napailing ako. "Magpapalit narin ba ako?" Tanong ko sakanila nang mapansin ko na nakapagpalit na sila Rache, Yna at iba pa ng damit.

They were all wearing their bikinis pero may cover up pa ang mga ito. Probably dahil maglulunch pa muna kami bago ang mga plano nila ngayong araw.

Nasa balcony din sila kaya naman kitang kita namin ang isa't isa. "Yes at bilisan niyo. Mamaya na kayo maglambingan, please. Baka wala tayong abutin sa buffet." Sabi ni Ynah.

Pinamulahan ako ng pisngi nang sabihin niya ang salitang lambingan. I shook my head at pumasok na sa loob ng cottage namin.

"Hindi galawan yun, girlfriend ko. Nagsasabi lang ako ng totoo." Nakangising sabi ni Tobi pagpasok nito.

I rolled my eyes. "Ewan ko sayo. Magbibihis na ko. Ikaw din." Sabi ko.

Paglabas ko ay minataan ako ni Tobi agad. He looked amused at first pero agad na kumunot ang noo nito. "Yan lang isusuot mo?" Nakasimangot na tanong nito.

Nakashorts ito, at nakaplain white shirt. May suot din itong cap or something na color gray, at sunnies.

I looked at myself in the mirror. Nakasuot ako ng one piece na color black, at tinernuhan ko ito ng black cover up dress. "May mali ba sa suot ko?" Pinilig ko ang ulo ko para makita ang iba pang bikini na dala ko.

The one's maroon na medyo purple yung kulay, then I also have a green one, and a red one. Pero lahat iyon ay one piece. Dahil iyon lang ang inaprubahan ni Tobi.

Not that dapat sundin ko siya sa isusuot ko pero ayaw ko na magkaroon pa ng away or gulo dito kaya so I picked those bikinis na hindi revealing. And besides, medyo masarap sa feeling na may pakialam siya sa akin.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon