Chapter 4 - Girlfriend

4.8K 256 39
                                    

#FFYwp
Chapter 4 - Girlfriend

"Addy's future husband."

Sunod sunod ang paglunok ko sa sinabi ni Tobi. Ano daw? Future husband?

Wow, that escalated quickly.

"Woah, wait. Kailan pa?" Gulat na tanong ni Rache na nakapagpabalik sakin sa realidad.

Peke akong ngumiti at bahagyang tumawa. "Last month. Just keeping things private." I chuckled.

"Tobias Stratford? Oh, my god. Ikaw yung magtatake over as CEO ng Stratford Inc." Amaze na amaze na sabi ng isa pa naming barkada.

He looked at me. And I swear I almost melted, right there and then. "Actually, iniisip ko pa if magtatake over ako for the CEO role. Mukhang kaya pa naman ng pinsan ko ang kompanya. And besides, I want to spend more time with Addy." His voice was husky. And manly. And hot.

Halos wala nga akong naintindihan sa sinabi niya maliban ng mabanggit niya ang pangalan ko.

Shit, what have I gotten myself into.

"So, introduce ko sila isa isa." Pag-iiba ko ng topic. "Here's Rachel, my bestest friend. Paul, Rachel's boyfriend. Ynah. Bianca. Leo. Yumi, Leo's girlfriend. Ed. Arnold. And Tricia, Arnold's girlfriend." I felt a lump on my throat but I ignored it.

Nag-iwas agad ako ng tingin kay Arnold nang saglit na magtama ang paningin namin. I just couldn't look at him straight in the eye. Tatlong taon na ang nakalipas pero ang hirap parin niya tignan sa mata. I just couldn't.

I almost sighed in relief nang umupo na kami at nagumpisa nang umorder ng pagkain. I survived the meet and greet part. But I know the night's not done yet. At alam kong mahaba-haba pa ang kailangan kong isurvive ngayong gabi.

I shivered when Tobi leaned in. "So which one is your ex?" He whispered to my ear.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala." Lie. "Bakit mo naman iniisip na meron akong ex sakanila?" Bulong ko dito.

Nilingon ko ang mga kaibigan ko pero mga kinikilig ang mga loko. Ngumuso ito. "I assume it's Arnold?" Bulong niya ulit.

"Fine. Yes." Pabulong kong sagot. There's no point in lying. Besides, I grabbed him out of nowhere, I atleast owe him the truth as to why I did what I did.

He smirked. "By the way, my family is in the VIP room. I need to go there later. Although sinabi ko nang may emergency and I can't join them for dinner." Aniya.

Tumango ako. "Sorry sa hassle." I told him.

Oo nga naman. He's here for a reason. Malamang ay may mga kikitain din ito nang bigla ko siyang hilahin patungo sa mga kaibigan ko para ipakilala bilang boyfriend.

Pag-order namin ng pagkain ay balik na naman ang mga kaibigan ko ng pang-gigisa sa amin ni Tobi. And surprisingly, magaling mag-ad lib itong si Tobi. "We bumped into each other sa mall. And I instantly fell in love with her beauty." Sabi pa niya nang tanungin kung saan kami nagkakilala.

Mukha namang paniwalang paniwala ang mga kaibigan ko sa mga bullshit na sinasabi nito tungkol sa aming dalawa. Kilig na kilig pa nga ang mga ito.

I secretly fished out my phone from my bag to send a text to Rachel.

CR.

Iyon lang ang laman ng text ko sakanya.

A few seconds later, she received my message. "I need to pee. Excuse me lang. Addy, samahan mo ko?" Tanong nito sa akin.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon