Chapter 21 - Memory

4.2K 245 15
                                    

#FFYwp
Chapter 21 - Memory

Maaga akong nagising dahil plano kong yayain umalis si Arnold. I remember the last time na nakaalis kami ng Manila ay noong third anniversary pa namin. Halos dalawang buwan mula nung trip namin na iyon dahil hindi kami pareho pinapayagan ng parents namin umalis.

Sabi nila Mommy may pamahiin daw kasi na pag malapit na ang graduation or birthday or anything special, ay mas lapitin ng aksidente.

At ngayong tapos na ang graduation ay ang tanging gusto ko lang gawin ay umalis ng Manila.

Wala naman kaming plano ni Arnold dahil next month ay aalis kami patungo sa Thailand para sa 39th monthsary namin.

But I suddenly want to go somewhere. Kahit sa Batangas lang.

Gusto ko lang magbeach. Pakiramdam ko ay tinatawag na ako ng dagat. The beach is calling the inner Moana in me.

Pagbaba ko ay agad na nanlaki ang mata ko. "Baby?" Gulat na sabi ko ng makita doon si Arnold.

Tipid itong ngumiti. "You're up early." Aniya.

I smiled as I wrapped my arms around him. "Pupuntahan dapat kita. Bakit ang aga mo dito, baby?" Maligayang sabi ko.

"Yayayain sana kita mag-Batangas. You up for it?" Sabi nito.

Napatalon ako sa sinabi nito. "Oh my god! Yayayain din dapat kita kaya maaga ako bumangon. Let's go!" Excited na sabi ko dito.

Nakarinig kami ng tawa mula sa kitchen kaya napalingon kami doon. "Talagang hinintay niyo lang na matapos yung graduation kahapon, para makaalis kayo ngayon, ano?" Natatawang sabi ni Daddy.

"Lovebirds, bago kayo umalis mag-breakfast na muna kayo dito." Sabi ni Mommy.

Umiling ako. "Hindi na, Mom. Sa SLEX nalang po. Mahirap na baka maabutan kami ng rush hour dito sa Manila matraffic pa po kami." Sabi ko at nilapitan sila ni Daddy para mahalikan sila sa pisngi.

"Enjoy, you two." Ani Mommy.

"Sige po, Tita. Tito." Sabi ni Arnold sa parents ko.

Habang nasa byahe ay tahimik sa Arnold, which is unusual pero hindi ko na inusisa. Siguro ay antok palang siya dahil maaga nga siya gumising. Minsan kasi ay pag inaantok ito, tahimik lang at tila walang gana.

"Baby, dapat pala makapagshopping na tayo for our Thailand trip, ano? Next month na pala yun tapos wala pa tayong damit." Sabi ko.

Bahagya itong ngumiti. "Matagal pa naman yun." Aniya.

Ngumuso ako at humilig sa boyfriend kong busy sa pagmamaneho. "Anong matagal? Baby, mabilis nalang ang one month." Paglalambing ko dito.

Nagulat ako ng bigla nitong ihinto ang sasakyan sa kalagitnaan ng SLEX. "Wala na bang gas? Or natirikan ba tayo?" Nagtatakang tanong ko.

Pero imbes na sumagot ay umiling lang ito. "I can't do this anymore." He said, not taking his gaze off the road.

"Alin? Magdrive? Sobrang antok mo ba? Ako nalang magddrive." Sabi ko dito at hinimas ang braso nito pero agad itong umiwas.

"I meant this, us, I can't do this anymore, Addy. I think we need a break. I'm sorry." May pait na sabi nito nang hindi padin ako nililingon.

Nanuyo ang lalamunan ko ng magsink in sa akin ang ginagawa nito.

He's breaking up with me.

I opened my mouth but I can't utter a word, not a single fucking word. Itinikom ko muli ang bibig ko hanggang sa mag-umpisa nang maglabasan ang mga luha ko.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon