Chapter 30 - Home

2.2K 90 16
                                    

#FFYwp
Chapter 30 - Home

Panay ang kuha ko ng picture sa mga dinaraanan namin habang nasa byahe kami mula Suvarnabhumi Airport patungo sa hotel namin.

"Girlfriend ko." Pagtawag ni Tobi sa akin, nilingon ko siya at agad na tumunog ang phone nito takda na kumuha siya ng picture.

Agad ko siyang hinampas sa braso. "Tangi! I wasn't ready!" I scoffed. Kahit kailan ata ay hindi ako masasanay sa mga biglaan at random na pagkuha ni Tobi ng litrato tuwing magbabakasyon kami.

Tumawa ito at hinapit ako para mayakap. "What? You're always picture ready. Have you seen how beautiful you are, Tangi?" Anito at ginawaran ng halik ang tuktok ng ulo ko.

Napanguso ako. "Beautiful? Tapos mukha na naman akong ewan sa picture mo." Sabi ko dito.

I doubt maganda ang kuha nito sa akin. Sa isang daang beses niyang ginawa iyan, at sinabing maganda ang kuha niya, siguro ay bilang na bilang lang sa mga daliri yung talagang masasabi kong magandang kuha.

"Well, to me you are the most beautiful person ever. Kaya kahit ano pang angle yan, maganda parin. Kahit nakanganga pa matulog, maganda parin." Nanunuyang sabi nito.

Wala sa sarili kong nahampas ang dibdib niya. "Stop bringing that up! I hate you!" Pag-angil ko dito.

"You don't." Tumawa ito. "You love me, girlfriend ko. My beautiful Tangi." Naglalambing na sabi nito.

Iyon ang naging eksena namin hanggang makarating kami ng hotel.

Agad na humiga si Tobi paglapag na paglapag namin ng mga gamit namin. "Gusto mo matulog muna tayo?" Tanong ko dito.

Maaga kasi ang flight namin kanina, kaya naman kahit ala-una na kami nakauwi galing sa mini-celebration namin kagabi ay wala kaming choice kung hindi gumising ng alas-tres para maghanda para sa 7AM flight namin. Sa madaling salita, dalawang oras lang pareho ang tulog namin ni Tobi.

Nag-offer si Tito Ashton na private jet nalang daw nila ang gamitin namin para hindi namin kailangan gumising ng maaga at makaalis kami kung anong oras namin gusto pero ay marahan siyang tinanggihan ni Tobi.

We just want a simple vacation, like normal people. Alam kong medyo mahirap iyon dahil boyfriend ko lang naman ang future CEO ng isa sa pinakamalaking kompanya sa Pilipinas, but Tobi, being the simple man that he is, as much as possible ay pinipilit niya na doon kami sa mas simpleng mga bagay. Doon sa walang special treatment.

He groaned. "No. Saglit lang, girlfriend ko. I just need to lie down a bit." Anito.

Umupo ako sa tabi nito at hinaplos ko ang mukha niya. "No worries, get some rest. Maaga pa naman."

At isa pa, mahaba naman ang bakasyon namin ngayon. Unlike our previous trips na dalawa o tatlong araw lang, ngayon ay isang buong linggo kami dito. We'll be staying here in Bangkok for 5 days then we'll be flying to Chiang Mai for another 2 days.

Aalisin ko na sana ang kamay ko sa pag-aakalang nakatulog na ito pero napatili ako ng bigla nitong higitin ang kamay ko. "Tangi!" I screamed.

He let out a chuckle as he pulled me closer to him wrapping his arms around me. His embrace was warm, as always. I had no idea what it feels like to have someone who feels like home until I met him.

"Five minutes, Tangi. Ganito lang tayo, 5 minutes." He said as he buried his face on my neck.

I smiled as I closed my eyes.

Damn, this definitely feels like home. He really is my home.

"Shit!" I hissed. Napabalikwas ako sa kama ng magising ako. "4:30 na, boyfriend ko." Paggising ko kay Tobi.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon