Chapter 34 - Favorite

1.4K 73 19
                                    

#FFYwp
Chapter 34 - Favorite

"Sa condo mo ba muna magsstay si Tobi?" Tanong ni Mommy sa akin.

"I don't know yet, Mom." Sabi ko dito bago ko lingunin si Tobi na nandoon para sa harap ng puntod ni Tito Ashton.

Today is Tito Ashton's funeral. Isang oras na ata ang lumipas nang matapos ang libing ni Tito Ashton pero hindi parin umaalis si Tobi sa tabi ng puntod ni Tito. Nandun lang siya, nakaupo, tulala, umiiyak at walang kinakausap.

Hinagod ni Mommy ang likod ko. I don't know, but there's something about that gesture that always makes my heart warm. "We'll go ahead. Kung gusto mo sa bahay ka na muna magstay para makapagpahinga ka." Concern was written all over my mom's face.

I know why she's concerned. Bakas narin siguro sa mukha ko ang pagod nitong mga nakaraang araw. Halos wala kasi akong tulog magmula noong magpaalam sa amin ni Tito Ashton four days ago.

I've been busy helping out during the wake, and taking care of Tobi at the same time. Halos napabayaan ko na nga ang resto ko nitong mga nakaraang araw dahil hindi ko ito napupuntahan pero hindi ko na muna iyon iniintindi.

What's important right now is Tobi.

I sighed and shook my head. "I'll stay with Tobi muna, mommy. Kung saan niya po gusto magstay, doon na po muna ako. He needs me." Sabi ko dito.

She sighed and hugged me. "Magpahinga ka rin, sweetie, alright? I know Tobi needs you, pero intindihin mo din ang sarili mo. You haven't had a good sleep in over a week." Aniya.

Tumango nalang ako para hindi na makipagtalo sa Mommy ko. Alam ko naman na nag-aalala lang ito sa akin, pero wala na akong lakas para makipagtalo na mas kailangan ako ni Tobi ngayon.

Screw sleep.

Pag-alis nila Mommy ay nagpaalam narin sila Troy at sila Tita Chloe. "Pagod na yung mga bata, Addy. Mauuna narin kami. Please don't let Tobi drive." Sabi ni Troy.

I nodded. I'm not planning on letting him drive anyways.

"Tita Addy. Please take care of Tito Tobi, ayaw niya po magstop magcry." Sabi ni Antonette.

Lumuhod ako para maglebel ang mukha namin. I smiled, bitterly. "He just misses Lolo Ash, baby. But he'll be okay." I hope.

Sana ay malagpasan ito ni Tobi. Sana.

Pag-alis nila Troy ay tsaka ko uli nilapitan si Tobi. Nakatulala parin ito sa puntod ni Tito Ashton at walang tigil ang mga luha nito sa pagbagsak.

"Masaya na siguro si Dad kasama si Tita Harmony." Sabi nito ng maramdaman niya akong tumabi sakanya.

I nodded but I kept mum.

Yumakap ito sa akin at tsaka humagulgol. "Pero bakit masakit? Bakit ang sakit sakit?" He said in between sobs.

Palihim kong pinunasan ang mga luha ko. "Shh." Pag-aalo ko dito.

"Bakit lahat nalang kinukuha sakin? B—Bakit?" Panay ang hikbi nito habang pahigpit ng pahigpit ang yakap niya sakin.

Mas lumakas ang pag-ragasa ng luha ko sa sinabi ni Tobi pero wala akong maisagot dito.

Gustuhin ko mang pagaanin ang loob niya ay wala akong maisagot sa sinabi nito. Siguro dahil alam kong sa oras na 'to, walang kahit anong makakapagpagaan ng loob niya.

He just lost his only family. There's nothing I can do or say that would make him feel better.

I should know better. Tangina, I can't even imagine going through something like this. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin pag may nangyaring hindi maganda sa kahit sino sa pamilya ko.

Pero si Tobi? Dalawang beses na niya pinagdaanan ito. Dalawang beses na niya naranasan mawalan ng mahal sa buhay. Dalawang beses na niya naramdaman ang pakiramdam ng mawalan ng magulang.

I can't even imaging the pain he's going through right now. Oh, God.

May ilang oras pa kami doon bago kami umalis papunta sa bahay ni Tito Ashton. Sabi ni Tobi ay dito muna siya magsstay at kung pwede daw bang samahan ko muna siya.

Kahit naman hindi niya sabihin ay talagang sasamahan mo muna siya kahit saan pa niya gusto. I just know that I have to be there for him.

Kahit gaano katagal. Nandito lang ako sa tabi niya.

Pagdating namin sa dating bahay ni Tito Ashton ay dumeretso agad si Tobi sa kwarto ng daddy niya. Tahimik itong umupo sa kama habang walang tigil ang mga luha nito.

"Kukuha akong tubig, boyfriend ko." I told him.

Hindi ito sumagot kaya nagpasya nalang akong bumaba para kuhanan siya ng tubig dahil baka ma-dehydrate nalang ito kakaiyak.

Pagpasok ko sa kwarto ay wala na si Tobi. Lalabas na sana ako pero nakarinig ako ng mga hikbi.

Sinundan ko ito hanggang marating ko ang walk-in closet ni Tito Ashton.

It was Tobi.

He was holding one of Tito Ashton's polo. Actually, he wasn't just holding it, yakap yakap niya iyon habang umiiyak siya.

I can literally feel my heart ache seeing Tobi like this. He's so vulnerable, and weak, and in so much pain—it makes my heart hurt, too.

Nilingon niya ako. "This is Dad's favorite polo. Kahit medyo naluluma na 'to kakasuot niya dati, sinusuot niya parin papasok lagi kasi sabi niya bigay ko daw 'to kaya paborito niya." Mas humigpit ang yakap niya sa polo ni Tito.

Mabilis kong nilakad ang distansya namin para mayakap ko ito. Pagod nitong isinandal ang ulo niya sa balikat ko pero wala parin itong tigil sa pag-iyak. My poor Tobi. "I'm here. Nandito lang ako." I reassured him.

Pakiramdam ko ay ito lang ang kaya kong gawin para kay Tobi sa ngayon—ang wag umalis sa tabi niya.

He needs to feel he has someone to lean on—that he may have lost someone, but he's not alone.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon