Chapter 12 - Territorial

4.7K 304 53
                                    

#FFYwp
Chapter 12 - Territorial

Hindi ko alam pero parang nagbuhol-buhol lahat ng intestines ko sa sinabi ni Tobi. Pakiramdam ko nagkapalit-palit ang mga organs ko.

Tobi and his sweet words.

Ilang beses akong napalunok bago ako nagkalakas loob tignan si Daddy para malaman ang reaksyon nito.

Nagulat ako ng may sumilay na ngiti sa mga labi ni Daddy. Inabot nito ang kamay niya kay Tobi, and Tobi gladly took his hand. "Welcome to the family. And please, call me Tito." Sabi ni Daddy.

Woah there.

Ganoon lang iyon? Approve na si Tobi kay Mommy at Daddy? Ganoon lang kadali? Konting sweet words lang ni Tobi ay okay na kay Daddy na hindi ko ito dinala sa bahay para manligaw—not that we're a real couple. But still.

Sinuklian ni Tobi ang ngiti ni Daddy. "Salamat po. Wag po kayo mag-alala, makakaasa kayo na hindi ko papaiyakin ang anak ninyo." He said, proudly.

Ngumisi si Mommy sa akin. "Why don't you come join us for dinner? Maaga ka nalang umuwi, Addy. At isama mo si Tobi sa bahay." Sabi ni Mommy sa akin.

Magsasabi na sana ako ng kahit anong excuse na hindi pwede si Tobi pero nauna na itong nagsalita. "Sure po. We'll be there." Aniya at hinapit ang bewang ko palapit sakanya.

Napatiim bagang ako sa sinabi nito. Kinurot ko siya mula sa likuran niya kaya naman napadaing ito. I laughed awkwardly. "Sige po." Sagot ko kay Mommy.

Nang makalayo na sila Mommy ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. "Shit, ang hirap pala pag sa family na tapos may pa-sure sure ka pa. Bwisit." Sabi ko kay Tobi.

Iba yung level ng kaba ngayong nagpanggap kami ni Tobi sa harap ng parents ko sa kaba ko noong pinakilala ko siya sa friends ko.

Ngumiti lang ito ng nakakaloko. "Hindi naman. Tsaka nakakahiya tumanggi ano. Lalo pa, alam kong boto na sa akin ang parents mo." Aniya.

I frowned. "Magaling ka kasi mambola. Siguro ganyan yung galawan mo sa lahat ng parents ng mga ex mo." Pag-aakusa ko dito.

Yeah right. Ganito niya siguro nakukuha ang loob ang loob ng magulang ng mga ex nito.

Mas lumaki pa ang ngisi nito. "What?" I asked him dahil mukhang tuwang tuwa ito sa sinabi ko.

"Wala ang cute mo magselos." He shook his head. "Wala ka naman dapat ikaselos, girlfriend ko. I told you, sayo lang ako naging ganito." Aniya.

"Sayo lang ako naging ganito." Ginaya ko ang paraan ng pagkakasabi niya non. "My ass." I said and rolled my eyes heavenwards.

Iniwan ko na siya doon para tumingin ng iba pang furnitures na kailangan naming bilhin.

Mabilis ako nitong nahabol, at nang maabutan niya ako ay inakbayan niya ako. "Totoo iyon, girlfriend ko." Sabi nito.

Hindi na ako sumagot dito. Bahala siya diyan.

"Hey, look." Aniya at nginuso ang isang black couch. Mula sa pagkakaakbay ay pinadausdos nito ang kamay nito para mahawakan ang kamay ko. "Tignan natin. Mukhang maganda." He said.

Nang marating namin ang couch na tinuro nito ay tsaka lang nito binitawan ang kamay ko. "Ang ganda nito. I think we should get this one." Sabi niya.

Tumango ako. "Maganda nga. But di ba masyadong malaki?" Sabi ko.

Kahit gusto ko ang design nito ay hindi ko sigurado kung kasya ba ito sa unit ko. Pa-L ang shape ng couch na ito, at medyo malaki siya than normal sofas.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon