Chapter 32 - Hurting

2.5K 97 22
                                    

#FFYwp
Chapter 32 - Hurting

"Hey, mom." Sabi ko nang sagutin ni Mommy ang tawag ko.

"Hi, how's Thailand? Nasa Bangkok pa ba kayo o sa Chiang Mai na?" Tila excited na sabi nito.

I sighed. "Nasa Manila na po kami." Sabi ko at nilingon si Tobi na ngayon ay nasa loob ng ICU. Hawak nito ang kamay ni Tito Ashton.

"Manila? Why? What happened?" Nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses ni Mommy.

Parang biglang gusto kong umiyak, gusto kong humagulgol at ikwento kay Mommy ang nadatnan namin dito sa Manila. Gusto kong sabihin kung gaano ako nasasaktan makita si Tobi na ganito, pero kailangan kong magpakatatag.

I need to be strong—for Tobi.

I cleared my throat. "Si Tito Ashton po. We're here in St. Lukes BGC. If you have time today, please do come by." Sabi ko.

"We'll make time. Tatawagin ko lang ang dad mo sa meeting tapos ay pupunta na kami dyan." She paused. "Is Tobi okay?" Dagdag nito.

I wiped my tears away. "No, mom. He's not okay." I said truthfully.

Nilingon ko muli si Tobi. Magang maga ang mata nito kakaiyak. Hindi parin ito nagsalita mula ng sabihin sa amin ni Troy na may cancer si Tito Ashton. He's nowhere near the word okay—we all are.

Pero ay siya ang pinakaapektado dito. Siya ang pinakanasasaktan.

That's his dad right there. Tito Ashton might not be his real father, but he sure as hell treated Tobi like his own. He loved him like his own—they both did.

"We'll be there, okay? I know it's hard but you have to be strong for Tobi. Can you do that, sweetie? No, I don't have to ask 'cause I know you can. You're a strong woman." Anito.

Mas lalong gusto kong maiyak sa sinabi ni Mommy dahil alam ko naman. Alam kong kailangan kong maging matatag para kay Tobi. Pero hindi ko alam kung kaya ko.

And hearing those words of encouragement from my mom warms my heart in ways even I can't explain.

Pagkababa ng tawag ay dahan dahan akong pumasok sa ICU para masamahan si Tobi. I gently touched his shoulders.

Hindi ako nito nilingon pero ay isinandal niya ang ulo niya sa kamay kong nakahawak sa balikat niya. "Hindi ko kayang mawala si Daddy." Those were his first words after knowing Tito Ashton's condition.

Lumuhod ako sa harap nito at hinawakan ang isang kamay niya. "We'll get through this, okay? Together. Gigising si Tito, at tatlo tayong lalaban sa sakit niya." I told him.

Niyakap ako nito. "Please don't leave me. Dito ka lang sa tabi ko." He said, and cried, like a baby.

I've never seen Tobi so weak. So fragile. And it pains me to see him like this.

"I'm here. I'm not going anywhere." I reassured him.

Nang makaidlip si Tobi ay iniwan ko muna siya saglit para bumili ng makakain namin. Pagbalik ko ay saktong dating naman nila Mommy.

Pagkayakap na pagkayakap ko kay Mommy ay doon na nag-umpisang maglabasan ang mga luha ko. "Shh." She caressed my back.

"It's hard seeing him like this, Mom." I cried.

"I know, sweetie. Shh. I know." Pagpapakalma ni Mommy sa akin. "You just have to stay beside him, and be strong for him. He'll need someone to be his support system, and that has to be you." Anito.

Mas ibinaon ko pa ang mukha ko sa leeg ni Mommy. "It's hard seeing Tito Ashton like that, too." Sabi ko.

Alam kong para akong batang nagsusumbong sa magulang niya, but this is the only place I know where I can be vulnerable—in my mom's arms.

Alam kong kailangan kong magpakatatag para kay Tobi, pero dito, sa oras na ito, I can be vulnerable. I can cry. I can be weak.

Kahit ngayon lang. Kahit sandali lang.

Kasi kanina ko pa gusto magbreakdown, but I've been holding back 'cause I can't be weak in front of Tobi. Not today, no.

Naramdaman ko ring ang paghagod ni Daddy sa likod ko. "He'll be fine, sweetie. They both will." Sabi ni Daddy.

Hindi narin nagtagal sila Mommy. They wanted to stay but ayaw nilang istorbohin si Tobi. He has been crying for hours, at ngayon lang ito nakapagpahinga, hindi pa maayos dahil sa tabi lang ito ng kama ni Tito nakatulog.

They said they'll be back tomorrow para dalhan kami ng pagkain at ng mga gamit. Bago sila umalis ay biglang dating naman ni Troy galing Stratford Inc.

"Mira." Pagtawag ni Troy kay Mommy.

Yup, they knew each other. In fact, Troy was my mom's ex. Laking gulat ko din ng malaman ko iyon noong minsang nagpang-abot sila sa resto ko.

Akala ko ay magiging problema iyon para sa amin ni Tobi pero hindi. They were cool. I guess they have made their peace, years back.

"Adam." Troy shook my Dad's hand.

"Paalis narin kami. Bukas na kami babalik para makapagpahinga din si Tobi." Ani Daddy.

Nagpaalam lang sila Mommy sa akin bago sila umalis ng ospital.

"Kamusta na si Tobi?" Ani Troy nang wala na sila Mommu at tsaka sinilip si Tobi.

Bumuntong hininga ako. "He's hurting." Dalawa kaming dumungaw sa kinauupuan ni Tobi. Nakayukyok ito ngayon sa gilid ng kama ni Tito Ashton.

"We all are. Ang hirap, no?" Nilingon ako ni Troy.

I nodded. He's right, we're all hurting. "But Tobi, siya yung pinakaapektado." Sabi ko dito.

He nodded. "Poor Tobi. I can only imagine how hard it must've been for him, losing both his biological parents, and now this." Aniya.

Nanikip ang puso ko sa sinabi ni Troy.

"Please don't leave Tobi's side." Nagulat ako nang may magsalita sa likod namin. It was his Tita Chloe.

Lumapit kami ni Troy para yumakap kay Tita Chloe. "Tita." Mahinang sabi ko.

She tapped my back. "He'll need you now more than ever." Aniya.

I nodded. "Yes, Tita." I told her.

Naging mabait narin sakin si Tita Chloe after the first few months na lumalabas labas kami ni Tobi. And she eventually treated me like family after that.

Tobi's right, mabait si Tita Chloe, pero ay sa piling tao lang nito pinapakita ang kabaitan niya.

Sabay kaming lumapit sa glass window ng ICU para silipin si Tito Ashton at Tobi. Nagulat ako nang marinig ko ang mahinang hikbi ni Tita Chloe.

"He's so stubborn—my brother." Umiiyak na sabi nito.

I rubbed her back. "He'll get through this, Tita." I said, trying to comfort her.

I hope he will.

Hindi ko alam kung magiging okay ba si Tito Ashton. No one is sure of anything at this point. But I atleast want to lift them up. Because at this point, hindi lang ako ang kailangan magpakatatag. We all have to stay strong—for Tobi, and especially for Tito Ashton.

We can't give up just yet.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon