Chapter 35 - Ready

1.3K 66 7
                                    

#FFYwp
Chapter 35 - Ready

"Are you sure kaya mo na humarap sakanila?" I asked Tobi once again.

He smiled for the first time in two weeks, and I swear even his smile makes my heart ache. Kasi hindi na ganun yung ngiti niya. Something about his smile changed.

"Yes, girlfriend ko." He said for the nth time today.

I sighed. "Okay." I surrendered.

I guess he made up his mind. I mean, I know that this will eventually happen, I just didn't expect it would happen this fast.

Dalawang linggo palang mula ng mawala si Tito Ashton, pero sabi ni Troy ay kailangan na daw magstep in ni Tobi as the new chairman of the board kung hindi ay mag-uumpisa ng mag-agawan sa pwesto ang mga board members. Bukod pa roon ay nag-uumpisa narin bumagsak ang stocks ng kumpanya.

Of course, they would need him to step in and replace his Dad's position. Ang inaalala ko lang ay baka hindi pa nito kaya humarap sa board members. I mean, not this soon.

"I'm fine. I can do this." He reassured me.

I nodded. "Can I stay in your office while you're at the meeting?" Sabi ko dito.

Nag-aalala parin kasi ako na baka bigla itong magbreakdown. It's not that I want to babysit him, but I've seen his random breakdowns and meltdowns over the past two weeks. And it wasn't pretty.

I just want to be there for him if that happens.

Umiling ito. "Kailangan mo na pumunta sa resto mo, Tangi." Aniya.

Napanguso ako sa sinabi nito.

He's right.

Isang beses palang mula nang mailibing si Tito Ashton ako nakadalaw sa resto ko. And it has been a week since.

He cupped my face. "I'll be fine. How about this? I'll call you, palagi, para mapanatag yung loob mo." Pangungumbinsi nito sa akin.

"Tatawag ka pagdating mo sa office?" I asked.

He nodded.

"Bago kayo magmeeting at pagkatapos niyo magmeeting?" Dugtong ko.

He nodded, again. "Every hour pa kung gusto mo, girlfriend ko." He said, smiling.

"Pag ik—" He immediately cut me off by kissing me.

Paghiwalay namin ay agad ko siyang hinila para mayakap. I secretly wiped my tears habang magkayakap kami.

"I love you." I told him.

So much.

God, I love this man. And if I could just take away his pain, I would do it. Fuck, I'd give anything to take his pain away.

Hindi siya sumagot. Katulad ng hindi niya pagsagot two weeks ago, last week, noong isang araw, at kahapon.

I smiled bitterly.

I understand.

"Dinner later?" Sabi ni Tobi.

I nodded. "Sa resto ko o sa bahay?" I asked him.

Hindi naman kasi ito naglalalabas nitong mga nakaraang linggo. Either he'll stay at home or go to the cemetery, that's it.

"Sa resto." He said before leaning in to kiss my forehead. "See you later." Aniya bago ito sumakay sa sasakyan.

Nginitian ako ng dating driver ni Tito Ashton. "Kayo na po bahala kay Tobi." Sabi ko dito.

Kanina ay nagpupumilit si Tobi na kaya na daw niya magmaneho mag-isa, but I doubt it, kaya naman nakiusap ako kay Manong na kung pwede ay siya na muna ang magmaneho para kay Tobi habang hindi pa ito okay, at ako nalang muna ang magpapasweldo sakanya.

Sabi niya ay yun din naman ang bilin sakanya ni Tito Ashton noon pa man. Na kung may mangyari daw sakanya, ay ipagmaneho at alalayan daw nito si Tobi. He also said na may one year advanced payment daw na nakalaan para sakanya si Tito Ashton just in case kaya hindi ko na ito kailangan problemahin.

Mukhang talagang napaghandaan na ni Tito Ashton ang pag-alis niya.

He was ready, but none of us were, specially Tobi.

Habang nagmamaneho ako papuntang La Grâce ay biglang tumunog ang phone ko. Nilingon ko saglit ang screen bago ito sagutin.

"Where are you?" Sagot agad ni Rache sa kabilang linya.

I smiled. I missed my friends, huling kita pa namin ay noong libing ni Tito Ashton. Hindi din kami gaano nakakapagusap dahil kung hindi ako busy mag-alaga kay Tobi, ay kausap ko naman sila Mommy o si Kuya Andrei. They've been constantly checking up on both Tobi and me.

"Hello din sayo." Sabi ko dito.

I can almost see her frowning face from here. "Tsk, nasan ka nga? Hindi ka parin pupunta ng resto? Isang linggo ka na daw hindi pumupunta dito sabi ni Vina, Addy." Mahabang litanya nito.

"Papunta na po, at malapit narin po ako." I told her.

"Faster, tsk." Aniya at binaba na ang tawag.

Attitude talaga minsan ang bestfriend ko na 'yon, pero alam ko naman na concerned lang din siya sa akin—they all are.

Pagdating ko sa office ko ay prente nang nakaupo doon si Rachel. "Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko dito dahil hindi naman ito palaging nagpupunta dito ng weekday ng ganitong umaga.

"Half day. I wanted to check up on you." Tumayo ito para yumakap sa akin. "How are you?"

Agad na nagbagsakan ang mga luha ko pagkayakap na pagkayakap ni Rachel sa akin.

God, I hate this!

Ako lang ba? Ako lang ba yung mas naiiyak tuwing malungkot ako at biglang may yayakap sakin?

Yung pinipilit ko magpakatatag at huwag umiyak pero pag may yumakap sakin, tila nag-uunahan yung mga luha kong lumabas. Tangina.

"Nakakainis ka." Sabi ko at pilit na pinapalis ang luha ko pero sadyang ayaw nila tumigil. Fuck!

Pinaypayan nito ang mukha niya. "Hoy, wag ka ngang umiyak, naiiyak din ako!" Aniya.

"Para ka kasing tanga. Nasira na yung make-up ko tuloy." Natatawang sabi ko.

Nababaliw na ata ako? Walang tigil yung luha, sabay tatawa? Malala ka na, Addy.

Tumawa din ito. "Bakit ka ba kasi umiiyak?!" Panunuya nito sa akin.

"Eh kasi naiiyak ako para kay Tobi. Eh ikaw bat ka umiiyak?" I murmured.

"Eh kasi naiiyak ako for you." Natatawang sabi nito.

Napangiti ako.

Namiss ko 'to.

Ilang oras din kami nagkwentuhan ni Rachel sa office ko bago ito umalis para pumasok sa trabaho niya.

Wala pang isang oras mula nung umalis si Rachel ay siya namang dating ni Kuya Andrei.

"Seriously? Don't you guys have something better to do? Work, maybe?" Natatawang sabi ko pagpasok nito sa office ko.

Tumawa ito. "Bakit? Sino pang galing dito?" Aniya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Ngumuso ako. "Si Rache." I told him.

"Namiss ka lang namin." He said.

I smiled. Namiss ko rin naman sila. Sobra.

I miss my normal self. I miss being here, working. I miss my friends and family. I miss my old Tobi.

Pero naiintindihan ko naman. Hindi biro ang pinagdadaanan ng fiancé ko ngayon.

Napawi ang ngiti ko sa naisip ko.

Fiancé.

Hindi ko na alam kung ano na ang mangyayari sa engagement namin ngayon.

Pero hindi na mahalaga iyon. Gusto ko nalang maging okay si Tobi. Yun lang ang tanging gusto ko ngayon.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon