Chapter 1

6.2K 189 2
                                    

***Maya's POV***

This is a very busy day as usual. Lalo na't galing lang ako sa limang araw na vacation leave dahil sa nakaraang family reunion sa probinsya.

Pagdating sa office ay agad kong binuksan ang aking laptop at nagsimulang basahin ang sangkaterbang emails. Limang araw lang akong nawala pero goodluck naman! Umabot na sa mahigit isanlibong emails ang nakatambak sa inbox ko. Ni minsan ay hindi ko binigyan ng pansin ang mga ito noong nasa bakasyon ako.

Bakasyon nga di ba? Kalimutan muna ang trabaho. Inuna ko na lang iyong sa tingin ko'y mga importante at pagkatapos nito ay sinimulan ko na ang usual na routine ko sa trabaho.

Anim na taon na rin akong Sales Operations Manager sa kompanyang ito at sanay na sanay na ako sa araw-araw na nangyayari sa opisina. I should join at least 5 meetings each day.

Pagpatak ng lunch time ay agad na lumabas ako ng opisina at nasalubong ko ang mga empleyadong palabas din para mag lunch. Kaliwa't kanang pagbati ang aking natangap.

"Hi ma'am. Musta po bakasyon?"

"Ayos naman. Bitin nga eh.", sagot ko naman.

"Maam baka may pasalubong tayo dyan. hehehehe?" tanong sa akin ng isa sa mga tao ko sa departamento.

Ngiti lang ang iginanti ko sa kanila. Bukod kasi sa hindi talaga ako nakikipag-usap masyado sa kanila ay nawalan naman talaga ako ng oras bumili ng mga pasalubong. Maraming kaibigan at kamag-anak ang nagpunta sa bahay sa probinsya at hindi na ako nakagala man lang.

Kakatapos ko lang kumain mag-isa sa isang fast food nang magpasyahan kong maglakad-lakad para bumaba kahit papaano ang kinain ko.

Dire-diretso akong naglakad papunta sa may smoking area ng building kahit hindi naman ako naninigarilyo....

.....nang biglang may bumanga sakin!

Laglag ako sa sahig!

Mabuti na lang at naka-maong na pantalon ako ngayon dahil kung hindi ay baka nasilipan na ako sa itsura ng pagkakatumba kong nakabukaka.

"Arraaouchhh!", bulalas ko.

Napalakas yata ang tama ng puwetan ko.

"Hahaha! Miss, are you okay? I'm sorry I didn't see you. Come on." sabay alay ng kamay nya para makatayo ako.

Tinignan ko lang siya ng masama dahil naging off ang dating sa akin ng tawa niya.

"Salamat ng marami ha." sarcastic kong sagot sa kanya nang di ko kinukuha ang kamay nya.

Di ko na sya tinignan at nagtuloy-tuloy na akong bumalik sa opisina ng nakabusangot. Bad trip na ang araw ko ng dahil sa nangyari.

Yabang ng lalaking yun, may patawa tawa pang nalalaman. Antipatiko. Gosh, nakakahiya!

Alam kong natawa siya sa itsura ko kanina... Lalong uminit ang mukha ko sa inis at kahihiyan dahil sa andaming empleyadong nakakita.

Hello, baka di nya ako kilala? Kung makatawa wagas. Grrr. Kainis..

Umuwi na ako sa tinutuluyan kong condo ng nanakit ang sintido. Sa sobrang pagod at sakit ng ulo ay nakatulog agad ako.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon