Chapter 31

2.1K 144 8
                                    

***Edward's POV***

I couldn't believe what happened. I can see the questioning looks from the three of them. I couldn't say a word either.

"Edward, what was that for?" Tito asked me and I was surprised as this is my first time I heard of him calling me by my first name.

"If this is one of your games, I'm telling you to stop it.... Spare Maya. She's a daughter to me and I won't let anyone hurt her. Not even you...." Tito is scolding me now, in front of Krishia and Madam Claudia. First time!

"Edward? How did you know my bestfriend?" asked Krishia.

"Maya is your bestfriend?"

"She is my bestfriend since childhood. But wait, I'm confused... What was that? Is she your girlfriend?"

"NO!....I mean...." I then received a death glare both from Tito and Krishia.

Krishia left us without a word. I think she's going after Maya.

Tito patted me on the shoulder. "Son, I'm not interferring on any of your relationships but please, not Maya.....if you will just leave her in despair after....then better stop it.... 'Coz I'd be your first enemy ."

He also left me.

Madam Claudia also turned his back and I decided to walk out of the place light-headed.

***Maya's POV***

"Anong palabas iyon? Sarap sana maniwala sa sinabi niya na nami-miss na niya ako. Kasi ako sobrang miss ko na siya. Pero ano iyon....lokohan? May Denise na halos araw-araw kasama? tapos sasabihin nami-miss ako?"

Nagsasalita ako mag-isa sa loob ng kotse habang patuloy na lumuluha.

Natatakot na kasi ako sa nararamdaman ko. Kanina ko lang ito nakumpirma. Sa ilang lingong di namin pagkikita ay mas lumalim pa lalo ang feelings ko para sa kanya. Pero alam ko ang sitwasyon namin. Ang napakasakit na sitwasyon.

Bakit kasi masyadong pa-fall ang lalaking iyon?

Ako naman si tanga at na-fall.

Tapos ngayon malalaman ko pa na kakilala niya si Beshy. Ano na lang ang sasabihin nito? Na pumatol ako sa may karelasyon? Na tulad din ako ng naging babae ng asawa niya? More or less alam niya rin ang namamagitan kila Denise at Edward.

Isa pang ina-alala ko ay ang sasabihin ni Boss sa akin. Inalagaan ko ang anumang respetong ibinibigay niya sa akin.... pero parang mawawala lang yata ito sa isang iglap dahil sa nangyayari. Baka isipin niya rin na papatulan ko si Edward dahil sa mayaman ito. Huwag naman sana.

Masakit pala. Masakit ang umasa.... Umasa sa walang inaasahan....

Namalayan ko na lamang na dina-dial ko na ang number ni Mama.

"Ma? gising ka pa?"

"Hello, Dale? Oh kumusta? Di ba ngayon yung fashion show niyo? Napadala mo na ba ang mga litrato?"

"Kakatapos lang po namin.....Ma..." at di ko na napigilang humikbi.

"Nak, anong nangyayari sayo? Nasan ka ngayon? Bakit ka umiiyak?"

"Ma, bakit ganito? Ba't ang sakit magmahal? Di ba pwedeng masaya lang?" animo bata akong nagsusumbong kay Mama.

"Ma, I need you po... Gusto ko yakapin mo ko... I really need you... Sobrang miss na kita..." at tuloy-tuloy ang luha sa aking pisngi. Sa mga panahong nasasaktan ako, tanging si Mama at si Papa lamang ang nakakapag-tangal nito. I am a strong woman in front of others lalo na kay Krishia, dahil ako naman ang laging tagapag-tangol niya. Only my parents know my weak side of me.

"Dale Nak. Sabihin mo kay Mama. Handa akong makinig. Wag kang aalis dyan kung nasaan ka man. Nandito lang si Mama, Nak. I love you Nak. Kahit anong mangyari andito ako para sayo...Kung ano man yan.. Ilabas mo na para hindi mabigat sa pakiramdam..."

"Ma, ang malas ko naman kasi. First time kong makaramdam ng ganito, sa isang lalaking taken pa. Ang mas mahirap pa dahil boss ko siya Ma.....Siya ang CEO ng pinagtatrabahuhan ko ngayon. Araw-araw na ata akong masasaktan Ma..."

"Nak, gawin mo ang sa tingin mong tama at makabubuti para sayo. Kung sa tingin mong magiging mahirap ang araw-araw na pakikitungo mo sa kanya, pwede ka naman mag-resign. Di ba may offer naman kila Krishia para sayo? Pede ka ding umuwi muna dito at mag-isip. At least magkakasama tayo..."

"Baka yun nga ang gawin ko Ma.. Sige na po, uuwi na muna ako at magpapahinga... Tawagan na lang po ulit kita bukas.."

"Sigurado ka Nak na okay ka lang? Mag-iingat ka dyan. Sige ipahinga mo na muna yan...Balitaan mo ko. Kahit anong oras tawagan mo ko ha... Mahal na mahal kita Nak, tatandaan mo lagi yan."

"I love you too, Ma. Salamat po sa pakikinig. At least gumaan na ang pakiramdam ko... Goodnight po.." at pinatay ko na ang tawag.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon