Chapter 12

2.1K 127 2
                                    

***Maya's POV***

Weekend na ngayon kaya tila lahat ng pagod ay pumasok na sa katawan ko. Di ko muna binisita ang social media. Pagkalapag ko ng bag at laptop sa mesa ay agad akong nahiga sa sofa.

Di ko namalayang nakatulog pala ako ng dalawang oras. Ni hindi pa ako nakakapagbihis.

I decided to take a shower at nagpalit na ako ng damit. As soon as I open my phone ay nakita ko ang text galing kay Mama.

"Kamusta ka na dyan Dale, Nak? Miss na kita di ka na naman nagpaparamdam."

Dale ang tawag sakin ni Mama dahil Maya Dale ang buo kong pangalan.

Maya lang ang nakagawiang itawag sakin ng mga kakilala ko.

Guilty akong nagbasa at agad kong pinindot ang call button. Mabilis na sumagot si Mama sa tawag ko.

"Hi Ma, sorry po medyo busy kami ngayon sa work. Medyo stressful po kasi bago na yung higher management namin. Ikaw po Ma kumusta? Wag ka masyadong magpapagod dyan ha. Bilin po yan ng doctor Ma. Gusto mo po bang dumalaw dito para makapagbakasyon naman po kayo?"

Medyo mas lumambing ako kay Mama simula noong namatay na si Papa.

Papa's girl kasi ako. Nag-iisang anak.

"Gustuhin ko man Nak kaso di ko maiwanan mga tindahan natin dito. Wala din nagbibisita sa mga paupahan ng tatay mo. Pero yaan mo pag nagkalugar bibisitahin kita dyan o kung may oras ka punta ka na lang dito. Wag ka paka-stress masyado. Tumatanda ka ng tignan. Kaya di ka nagkakaboyfriend eh. Sana naman may maipakilala ka na sakin. Tumatanda nako Dale sana magkaroon na din ako ng apo. Nakaka-ingit sina Tita Mylene mo, stress reliever nila ang mga cute na cute na pamangkin mo. Kaya Nak ha, okay lang kung mag-asawa ka na. Malaki tiwala ko sayo na tulad ng papa mo ang hahanapin mo."

Ang drama ng mama ko. Napangiti ako bigla. Kahit gustuhin ko man mag-asawa eh wala namang nag-aalok sakin anong gagawin ko.

"Ma, bata pa naman ako. Darating din po tayo dyan. Wag na po kayo mag-alala. Basta magpahinga ka lagi ah wag ka mgpapagod dyan. Si Aling Delia na pagawin mo ng mga ginagawa mo. I love you Ma. Sorry po talaga kung di nako nakakatawag ng madalas. Basta magtext lang po kayo sakin lagi. Sige na po. Sya nga po pala darating si Krishia dito Ma baka magpasama din yun na bumisita dyan. Next month pa naman po. Di na muna ako mgkukwento matulog na po kayo. Goodnight Ma!"

"Goonight Nak! I love you too." paalam ng mama ko sa kabilang linya.

Simpleng babae lang ang mama ko pero sa kanya ko raw namana ang aking itsura sabi ng mga tiyahin ko.

Madalas daw noon muse ito sa kanilang lugar noong bata pa ito. Pero noong magasawa at magkaanak na ay napakasimple na ang pamumuhay namin kasama si Papa.

Bagamat simple pero napakasaya ng pamilya namin. Nabawasan lang ito nang mamatay na nga si Papa.

Si Mama ay itinuon na lang ang buhay sa pamamahala sa mga naiwang maliliit na negosyo ng tatay ko para maibsan ang kalungkutan nya.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon