Chapter 21

2.2K 142 9
                                    

Maya's POV

Same as usual pa rin ang araw ko ngayon. Di naging dahilan ang nangyari kahapon sa office ni Edward para di ko gawin ang trabaho ko. Ayoko nang masyadong isipin iyon dahil hangat dito ako nagtatrabaho sa kompanyang ay di maiiwasan yun. Sasanayin ko na lang siguro ang sarili ko.

Ngayon ay naghahanda na ako ng draft ng presentation base doon sa usb file na binigay niya sakin.

After three hours ay natapos ko rin ang draft pero kailangang kong i-check ng maigi dahil ayokong may masabi si Edward. Mapapahiya din ang aking boss kung sakaling pumalpak ako.

Agad kong nisend sa email ni Edward ang draft at maghihintay na lang ako ng reply niya. Buti na lang at wala na akong masyadong naka-schedule na client meeting sa labas.

Nagpasya akong mag-break muna habang hinihintay ang kanyang response.

Habang palabas ako ng lobby ng building ay namataan kong papasok naman si Denise na nakasuot ng sobrang igsing palda na kapag siguro tumuwad ito ay kita na ang di dapat makita. Nakasuot din siya ng high heels para magmukha siyang matangkad. Nakafitted blouse din ito na medyo nakaluwa pa ang ang cleavage.

Siya na ang may cleavage....

Napatingin din ako sa dibdib ko ng may panlulumo.

Pinilit kong umiwas kay Denise at nagkunyari akong di siya nakita.

As much as possible ay ayokong maka-engkwentro ang babaeng ito. Gusto ko ng tahimik na buhay. Sa office ni Edward ang deretso nito, malamang.

"Hayyzz mukhang matatagalan na naman ang pagreply sakin. May pagkaka-busy-han na naman. Tss!" bulong ko habang tinitignan kong sumakay si Denise ng elevator.

Nagtagal ako ng mga 30 minutes sa fast food dahil alam kong wala pa akong mari-receive na reply. Yun lang naman ang kailangan ko ngayon. Natapos ko na rin kasi kahapon ang iba ko pang mga gagawin.

Bumalik na ako sa opisina at binuksan ang email, hoping na may sagot na.

Kahit expected ko na na matatagalan talaga ang pagsagot nya ay umasa pa din ako.

It made me feel a bit frustrated ng makita kong wala nga.

Mas priority niya nga ang babaeng yun. Tsk! Sino nga ba naman ako para unahin niya?

Nalungkot ako ng slight.

Slight nga ba?

Medyo hindi nag-aagree ang aking right brain.

Nakatunganga lang ako sa aking mesa habang naghihintay ng email. Ang dami tuloy pumapasok sa utak ko.

Sila na nga kaya? Sabagay halata naman sa kilos nila. Eh ano ngayon? Hayyzz nakakabaliw.

Sayang, wala akong phone number ni Tristan, sana may kausap man lang ako ngayon.

Natapos ang araw na wala akong nareceive na kahit na anong email galing kay Edward.

I decided to go home instead. Pasado alas-singko na din naman. Dalawang araw pa bago ang meeting namin with Armstrong Corp. Need ko din paghandaan ang pagpipresent. Sa akin nakasalalay ang business deal ng company.

Nagtsi-check ako ng aking social media accounts nang makita ko ang message galing kay Krishia.

Krishia: Beshy, sorry ulit. Nagbago ang sched pero good news kasi napaaga. Next Thursday na ang flight ko kaya by Friday night nandyan nako. Sunduin mo ko sa airport please... Dyan muna ako sayo makiki-istorbo habang nag-aayos ng binili kong unit sa Ortigas. I signed a contract nga pala with Mega Magazine para kahit papano may trabaho ako dyan. I'll be a resident model there. Sayang Beshy sana kasama kita doon. Mag-resign ka na kaya diyan. Hehehe. Sige na po. I'll just give you my flight details next week. Can't wait to see you! Miss you much! Mwah! mwah!

Napaisip din ako sa sinabi ni Krishia.

Ano kaya kung bumalik ako sa pagmomodelo?

Wala din naman masyadong kailangan i-improve sa katawan ko. So far I still have this slim figure and my curves are still in right places. Kaya ko pa naman mag-project ng maayos katulad ng dati. Nakatingin ako ngayon sa sarili kong reflection sa life-size mirror sa kwarto.

Hmmnn, okay naman ang aking waistline, butt, legs..

habang sinusuri ko ang katawan ko.

Biglang napunta sa bandang dibdib ang aking mata at bigla na naman akong nanlumo.

Bakit kasi hindi ako nabiyayaan ng ganoong kalaking boobsie..? Sabi nila ito daw ang pang-attract sa mga guys. Pero in fairness sakto lang naman ang sakin. Siguro kung may extra size boobsie ako, mag-audition ako sa Baywatch.

pakunswelo ko na lang sa aking sarili.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon