Chapter 59

1.9K 124 11
                                    

***Lorena's POV***

Isang buwan matapos ang aksidente ay pinayagan na si Edward na makalabas ng hospital...

Simula noon ay napakalaki na ng ipinagbago nito. Naging bugnutin at malungkutin ito at ayaw magpalabas sa kanyang kwarto.. Normal na reaksiyon naman daw ito sabi ng doctor noon dahil nga sa pagsi-self pity nito. Paminsan-minsan ay nasisigawan nito ang mga katulong na pilit siyang pinapakain.

Nawalan na yata ito ng ganang mabuhay... Kahit anong pagkukumbinsi ang ginawa ni Conrad na magtry itong magpa-therapy ay balewala sa kanya. Tila bingi na rin ito sa mga sinasabi namin.

Ako na ang personal na naglilinis sa kanya dahil ayaw niya sa mga katulong. Ang kanyang Yaya Ninay ay iniwan na rin siya dahil hindi nito nakayanan na makita ang kanyang kalagayan, dahilan para lalong madagdagan ang bigat na nararamdaman ni Edward.

Sa ngayon kahit mahirap, pinipilit ni Conrad na bumalik sa kompanya dahil matagal itong napabayaan dahil sa kalagayan ni Edward.

Inihabilin niya kay Ricardo ang mahahalagang bagay sa opisina dahil aalis siya papuntang U.S. at Germany para naman asikasuhin ang mga naiwang negosyo ni Edward doon. Nakipagtulungan naman sa kanya ang kababata ni Edward na si Niel para lang maisalba ang mga negosyo nitong malapit ng magsilugi.

Si Dale naman ay wala pa akong balita hangang ngayon. Paminsan-minsan ay nakikita ko ang mukha niya sa tv, dahilan para mapanatag ako kahit papaano. Ang sabi ni Krishia ang huling show na sinalihan nila ng anak ko ay sa Morocco, pagkatapos noon ay nagresign na siya at bumalik na silang mag-asawa ng Germany. Mas gusto na lang daw niyang maging dakilang maybahay ni Niel.

Hindi na rin nalaman pa ni Dale ang naging kalagayan ni Edward. Pati si Krishia at Niel ay personal na pinakiusapan nito na huwag sabihin sa anak ko... Hindi niya sinabi ang rason at nirespeto ko na lamang iyon.  Di ko na rin napagkikita pa si Denise. Isang beses lang itong dumalaw kay Edward noon sa ospital at di na muling bumalik pa. Sumuko na din siguro ito nang malamang baldado na si Edward.

Lalo akong napalapit kay Edward dahil sa nakaka-awang kalagayan nito. Wala itong sariling magulang na magbibigay sa kanya ng pagmamahal na kailangan nito. Napaka-helpless niya. Ulo lang ang kaya niyang igalaw. Minsan naluluha na lang ako dahil sa awa ngunit hindi ko ito pinapakita sa kanya. Siguro ang pangungulila ko rin kay Dale ay sa kanya ko na lang din ibinuhos...

Araw-araw pagkatapos ko siyang paliguan at pakainin ay ipinapasyal ko   siya sa hardin ng mansyon. Tulak-tulak ko ang kanyang wheelchair habang sumasagap kami ng sariwang hangin...

Ganoon pa din ang mukha niya. Blanko ang ekspresyon. Walang gaanong pinagbago ang itsura nito bukod sa pumayat at sobrang lumungkot ang mga mata.

Minsan ay nahuhuli ko itong lumuluha, pero hindi niya maitago dahil hindi niya ito magawang punasan. Awa at lungkot ang nararamdaman ko para dito. Pinipilit kong ngumiti at magpakatatag sa harap niya para maipadama kong may silbi pa rin ang buhay niya.

Mabigat na pagsubok itong pinagdadaan nina Edward at Conrad... Sana lang ay malagpasan na nila ito. Handa akong tumulong sa abot ng aking makakaya. Napamahal na rin sa akin ang batang ito.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon