Chapter 8

2.3K 144 8
                                    

***Maya's POV***

Nandito kami ngayon sa mansion ng mga Smith.

Hindi nagpapigil si Mr Conrad na magpa-welcome party pa rin formally para sa kanyang anak-anakan. Everyone was invited lalo na ang mga pamilya ng ExeCom.

Isang araw bago ang nasabing party ay pinakiusapan ako ni Mr Claro to personally escort him sa party. I don't know what his real intention is pero dahil boss ko siya at automatic invited naman ang lahat sa party ay pumayag na rin ako.

Kaninang pagdating ay agad ko siyang hinanap and he guided me to our seats.

Nagulat ako saglit dahil lahat ng miyembro ng ExeCom ang naririto pati na ang mga pamilya nito.

Ipinakilala ako ni Mr Claro sa lahat kahit alam kong kilala na rin ako ng ilan sa kanila.

I was stunned when he said, "Let me introduce to you my toughest and most loyal Sales Operations Manager, Maya. She will be my representative since wala akong anak just like you."

Napatingin ang lahat sa akin lalo na ang matandang Mr Smith. Hinanap ng mata ko ang bagong CEO ngunit tila wala pa ito sa grupo.

Napadako ang tingin ko sa isang babaeng kanina pa nakatingin ng madilim sakin.

She seems to be a socialite base na din sa suot nito and the way she projects herself to the crowd.

Di ko lang maintindihan kung bakit tila may galit sakin ang babaeng ito.

Maya't maya pa ay dumating na ang hinihintay ng lahat.

Masigabong palakpakan ang maririnig at isang malapad na ngiti naman ang isinukli ng bagong CEO.

Marunong naman pala itong ngumiti.

Nagsalita siya sa harap ng lahat bilang pasasalamat. He then sat where he's supposed to na katabi ng kanyang Uncle.

Sa di inaaasahang pagkakataon ay sa harap ko siya nakapwesto. Hindi ako makatingin ng diretso sa aking harapan.

I really can't understand what I'm feeling at the moment. Parang natatae ako na ewan. I felt conscious all of a sudden. Ni hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi sa akin ni Mr Claro.

Hindi ko na kinaya ang sitwasyon kaya nag-excuse muna ako sa aking boss at dali-daling pumunta ng restroom.

Doon ko pinakawalan ang hanging tila naipon saking dibdib. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang epekto sakin ngayon ng presensya ng bagong CEO. I really couldn't breath fine when I'm near him.

"So! Ikaw pala ang dinala ni Ninong Rick! Just so you know di ka pwedeng maging parte ng pamilya at samahang ito. You don't belong to us. Isa ka lamang na hamak na empleyado so don't ever dream of being one of the ExeCom of Smith Industries."

Nabigla ako sa dire-deretsong salita ng babae sa akin bago pa man ako lumabas ng pintuan.

"I'm sorry? I didn't get what you're trying to imply Miss." saad ko.

"Well if you don't know me, I'm the only daughter of one of your bosses, Mr Rodriguez. I'm Denise. I hope I won't see you get in the way." makahulugang bangit nito.

"I'm sorry ma'am but... hindi ko po talaga kayo maintindihan. Anyway po nice meeting you. I'm Maya. I need to go na po." magalang kong sagot.

Nakabalik na ako sa table namin pero ang daming katanungan ang biglang naglaro sa utak ko.

"Hi everyone!" malapad ang ngiting binati ni Edward ang lahat ng nasa mesa. Pero nang mapadako kay.. sino na nga ulit yun? Kay Denise pala... ay mas lumapad pa ang kanyang mga ngiti.

"Denise! You are always stunning!" puri ni Edward.

"Thank you! You look even more handsome!" sabay beso naman nito kay Edward.

Awkward! Yun ang sitwasyon ko ngayon. I feel being left out sa pagtitipong ito.

Nang biglang....

"Hi Miss beautiful!" sabay lingon ko sa may-ari ng boses na iyon.

Nabigla ako sa mala-adonis na lalaking nasa gilid ko.

Sa akin ba talaga ito nagpapakilala?

"H-hi!" sagot kong nauutal. Inilahad niya ang kanyang kamay at nahihiyang kinuha ko naman ito.

"I'm Tristan, I'm the son of Lucio Zamora. Maya, right?" pakilala niya.

Wow ang gwapo naman ng anak ni Mr Zamora.... parang international model.

Tumango na lang ako.

"Nice meeting you Maya!" aniya.

"Same here." sagot ko.

Napalingon ako bigla dahil sa naramdaman kong kanina pang may nakatitig sa harap ko.

Nagtama ang aming paningin. I can see nothing in his eyes but.... hate.

Wait! Hate? tanong ko sa isip ko.

Bakit naman ito magagalit?

Binawi ko agad ang aking tingin. Baka namamalikmata lang ako.

"Hey man! What's up? I miss you man!" sabay baling ni Tristan kay Edward at sabay yakap dito.

Di ako sigurado kung napansin nya ang awkward situation na yun.

Gumanti naman ng yakap si Edward.

"Hell yah! Miss you too dude!"

Nag-excuse sa akin si Tristan at niyaya na niya si Edward. "I'll come back in a bit, Maya!" sabay kindat nito.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon