Chapter 44

1.8K 127 11
                                    

***********Author's Note: 😂😂😂 Chill lang guys! Sobrang gigil ninyo kay Denise at Edward..😂😂😂 I feel you... Thank you so much for reading... I really appreciate all your comments and votes guys... ❤️❤️❤️***********

***Rick's POV***

Hindi ko napigilang maluha nang masilayan ko si Conrad na nakahiga sa hospital bed. Sobrang laki ng inihulog ng katawan niya. Hapis na hapis ang mukha nito at nanlalalim ang mga mata. He's just done with his operation at ngayon naman ay naghihintay ng mga susunod na therapy. Samo't saring tubo ang nakakabit pa sa katawan nito.

"Pare...." tila hirap na hirap itong magsalita. Hindi ko siya kayang tignan sa ganoong sitwasyon. Sanay na sanay akong nakikita ang isang masigla at matikas na Conrad. Ang nakikita ko ngayon ay tila nakikipaglaban na kay kamatayan.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na daw ba? Ano sabi ng doctor mo?"

"Pre, kaya ko pa ba? Nahihirapan na ako...."

Nakikita ko ang luha sa mga mata niya.. Eto, kalalaki naming tao pero nag-iiyakan na kami.

"Pre naman eh.. laban lang di ba? Naghihintay na doon ang mga mahal mo.. Wag ka namang ganyan.... Daya mo eh!.. Wag mong gagawin ang ginawa ni Thelma please...wag kang susuko..." di ko na naman napigilan ang luha ko. Napakababaw ng luha ko sa mga ganitong sitwasyon. The last time I cried ay noong namatay si Thelma sa sakit din nitong cancer.

"Pre, I wanted to go home... I feel so weak..... Kung mamatay man ako gusto ko doon sa bahay ko. Kinausap ko iyong doctor at pumayag siyang doon na sa Pilipinas ituloy ang iba pang therapy ko... Please...iuwi mo na lang ako..."

"Di ka mamamatay, leche ka! Wag ka ngang ganyan. Nasaan ang doctor mo? Kakausapin ko. If you're safe to go home at assured nila na matutuloy lahat ng medications mo doon, aasikasuhin ko agad ang pag-uwi mo..Right now, kailangan ko munang makasiguro... Wag ka mawalan ng pag-asa please...Pare naman eh.."

Hindi ko alam kung kakayanin kong mawalan ng kabigan. Siya na lang ang natitira kong pamilya. Halos magkakabit na ang bituka namin ng isang ito. Sa lahat ng magkakaibigan, kaming dalawa ang parang magkapatid. Hindi ko siya pwedeng pabayaan ng ganito.

Hindi ako masyadong relehiyoso pero dinala ako ng aking mga paa sa chapel ng hospital. Naki-usap ako sa Kanya na wag na muna.... lately pa lang ako nakakarecover simula ng mawala si Thelma..

Kinagabihan, dinalaw si Conrad ng kanyang doctor at nagkaroon ako ng pagkakataong kausapin ito. Sinabi naman nito na meron na sa Pilipinas ng mga procedures na kailangan pang gawin sa kanya. Pati ang continuing medications nito. Binigyan niya ako ng referral para sa hospital sa Pilipinas na gagawa ng mga iyon.

Inasikaso ko agad ang pag-uwi namin. I decided to call Edward to let him know na iu-uwi ko na ng Pilipinas ang kanyang uncle.

"Hello, son."

"Yes Tito, Are you calling from overseas?"

"Yes. I'm here in Chicago with your uncle.. He's in a bad shape... I'm sorry son, I'll explain it to you when we get home... We'll be home in three days..."

"What happened? Thanks God you found him.. Mica already booked me a flight going there.. Okay then Tito, I'm just gonna wait for you here... There's also a slight problem here.. We'll talk about it here, too. Take care the two of you... I'll cancel my flight then.."

"Okay son!"

***Maya's POV***

Hindi na ako pumasok simula ng insidenteng iyon. Para ano pa? Ayaw niya na akong makita. Kinamumuhian niya ako. Mas pinaniwalaan niya pa si Denise. Ang galing talaga ng babaeng iyon.

Iniyakan ko lang iyon ng buong gabi nang hindi napansin ni Mama. Late na kasi akong umuwi ng araw na iyon..

Nakapag-isip isip na din naman ako. Okay na din siguro ang nangyari, habang maaga nalaman ko ang ugali ni Edward.

Gold digger daw? Kami ng Mama ko? May plan daw ako? What???!!! Di ko kailanman naisip na kaya niya akong pag-isipan ng ganon.. Ganoong klaseng babae ang tingin niya sa akin?

Nakakalungkot lang.

Kung ayaw niya sa akin mas lalong ayaw ko sa kanya. Sa kanya na ang pera niya. Kaya kong mabuhay ng marangal ng hindi umaasa sa iba... Magsama sila ng Denise na yun.

Hindi ko pinaalam ang nangyari kay Mama at wala din akong balak na sabihin ito kay Beshy.

---
Pumunta ako ng office nila Beshy at nadatnan ko lang doon si Mamang. I asked him kung pwede pa akong mag-apply at sobrang laki ng ngiti at nagniningning na mga mata ang isinagot niya sa akin.

"Hay sa wakas at nakapagdecide ka na rin! Ang tagal ko ng hinintay ito Maya. Matutuwa din nito si Krishia for sure. Alam niya na ba?"

"Di pa po Mamang. Isu-surprise ko po sana siya. Hehehe."

"Kayo talagang dalawa oo. Sige you can start next week. Bigyan kita ng time para makapag-prepare ka at kung may mga pendings ka pa doon sa previous company mo asikasuhin mo muna. If you still need time, let me know..."

"Thank you so much Mamang. You just don't know how I truly need this..."

"Anytime iha! Basta ikaw! Sige I have a meeting to attend to. Tawagan mo na lang ako if you have questions.."

"Thanks again, Mamang!"

Nag-print na rin ako ng formal resignation letter para kay boss. Bahala na. Mai-intindihan niya naman ako siguro.... Hihintayin ko na lang ang pagbabalik niya.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon