Chapter 60

2K 138 23
                                    

***Maya's POV***

Tatlong taon na ang nakalilipas simula ng umalis ako ng Pilipinas.

Ginugol ko ang mga oras ko sa pagtatrabaho. Tiniis kong hindi makibalita tungkol sa mga tao sa Pilipinas kahit na kay Mama. Alam ko naman kasi na nasa maayos itong kalagayan.

Naayos ko na din sa wakas ang residency ko dito sa London. Pinili kong bumili ng property sa parte ng Bromley. Isang medyo malaking bahay na sa ngayon ay ako lang ang nakatira.

Patuloy pa rin ako sa pagmomodelo. Kilala na rin ang pangalan ko sa industriyang ito. Malimit na akong mapanood sa tv lalo sa sa mga fashion channels. Ilang international tv guestings and interviews na din ang aking pinagbigyan... Masasabi kong so far ay masaya na ako sa kinalalagyan ko...

Nandito ako ngayon sa isang cafe. Hindi na yata mawawala ang pagkahilig ko sa kape kahit noong nasa Pilipinas pa ako..

"Hi Sweetheart!" bati ng boyfriend kong si Tyler.

"Hi Hon! I miss you!"

Isa si Tyler sa mga masusugid kong manliligaw simula ng mapadpad ako sa London. Hindi ako nito tinigilan hangang sa ako'y mapasagot.

Ang nakakatuwa lang ay hawig siya ni Tristan, kaya siguro agad na nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi man kasing kulit at kasing lambing ni Tristan ay mabait naman ito. Pareho kaming international model. Ang mahirap sa sitwasyon namin ngayon ay dahil magkakaiba kami ng mga projects kaya bibihirang pagkakataon na kami ay magkasama. Swerte lang ang araw na ito dahil dito rin ang shoot niya sa malapit.

Namasyal lang kami pagkatapos magkape at kalaunan ay umalis na rin siya. Napaka-hectic ng schedules nito.

Si Tristan naman ayon kay Beshy ay nakapag-asawa na ng isang U.S. citizen. Buti pa si Beshy ay nakabalita ng tungkol sa kanya. Siya rin ay nagresign na sa pagmomodelo at bumalik na ng Germany kasama ni Niel. Sa ngayon ay may anak na ang mga ito. Ako ang ninang ngunit wala ako doon nang binyagan si Baby Kyle...

Gusto ko na ding mag-settle down katulad kay Beshy... kumbaga fulfilled na rin ako sa narating ko... kaso nga lang ay hindi pa ako niyayaya ni Tyler... syempre gusto ko na siya ang magyaya sa akin...

Hindi ko pa rin nami-meet ang parents niya dahil sa parehong busy ang schedules namin.

***Lorena's POV***

Sa loob ng mahigit tatlong taon ay nakasanayan ko na rin ang buhay na kasama sina Edward at ang aking mahal na si Conrad.

Si Conrad ay tuluyan ng bumalik sa pagiging CEO ng Smith Industries kahit medyo hirap na ito. Hindi naman nagkulang si Ricardo ng suporta sa kaibigan kaya ng lumaon ay bumalik na rin sa dati ang negosyo nito. Si Niel naman ay tinangap na ang partnership sa mga negosyong naiwan ni Edward. Bale si Conrad at Niel ang kasalukuyang namamahala ng mga ito. Kaya quarterly ang pagpunta ni Conrad ng U.S. at Germany.

Si Edward ay walang ipinagbago bukod sa pagsasalita nito ng napakatipid. Sasagot lang ito ng, "Thank you", "I'm fine.", "I want to rest." at ang mga personal na mga pangangailangan nito.

Bagong gupit ito ngayon dahil pinapunta ko ang kakilala ni Conrad na hairstylist. Ayaw pa sana nitong pumayag sa una pero napapayag din siya kalaunan. Di nawala ang kagwapuhan nito. Mas lumabas pa ang jawline nito dahil sa pagkapayat.

Ngumingiti na rin ito ng tipid paminsan-minsan lalo na kapag nakakain ito ng paborito niyang adobo at sinigang.

May mga katulong na naglilinis at nagliligpit sa kwarto ni Edward. Tanging gawain ko ay personal siyang alagaan. Simula sa paliligo nito, pagkain, pagbihis at pagpapainom ng mga gamot.

Sa ngayon ay nandito kami sa kanyang kwarto habang siya ay nakaupo sa wheelchair na nakaharap sa bintana. Tinatanaw niya ang hardin sa labas ng mansyon.

Napansin kong hindi pa nagliligpit ang mga katulong sa kwarto ni Edward dahil nakakalat pa ang ibang gamit nito. Ayokong isipin na pinapakialaman ng mga ito ang mga gamit ni Edward.

Ibinalik ko ang librong nakakalat sa sahig at inilagay ito sa isang shelf sa ilalim ng tv. Laking gulat ko ng makita ko ang patong-patong na magazines kung saan cover ang anak ko. Ngayon ko lang ito napansin. Tinignan ko ito isa-isa habang sinusulyapan ang nakatalikod na si Edward...

Anong ibig sabihin nito? Bakit marami siya nito?

May pagtingin ba talaga ito sa anak ko? Dahil hindi ito gugugol ng panahon para lang mag-abang at bumili ng mga magazines na ito kung wala...

Kaya ba ayaw niyang ipaalam kay Dale ang kalagayan niya kasi alam niyang kakaawaan siya nito?

Napaluha ako sa aking naisip. Kung sana ay nalaman ko ito noon pa man ay baka may nagawa pa ako.....

Iniharap ko siya sa akin at ipinakita ko sa kanya ang mga magazines....

"How long have you had these things?" Tinignan niya ako.

"Do you love her?" at hindi ko na napigilang umiyak.

Nakita kong tuloy-tuloy na umagos ang kanyang mga luha.

"Yes Tita...." at napayuko itong umiiyak.

"I love her so much..... until now... I'm loving her...... maybe until I die..."

"Bakit di mo sinabi?"

"I was too afraid, Tita..... of her...... and you...."

"Me? Why?"

"Because I've done something stupid.... really stupid... that's maybe why I'm like this right now... this is the price for it..."

"Huh?!"

"Tita, I'm really sorry......"

"Why?"

"I've thought of you and Maya being an opportunists. I did believe Denise that time... She said Tito Lucas knows you..... and that you left Uncle before when he was still poor and miserable..... and that you came back because he has already money.... and that Maya will just use me.... I was really hurt that much Tita...knowing Maya doesn't love me at all.... I was eaten by my pride and anger Tita.... I scared her away... I believe she didn't tell you... She just chose to be far away from me... "

"You and her have it proven otherwise... but it's too late... I lost her... I hurt her that much... I'm really sorry Tita.... I deserve this punishment... to be miserable my whole life..." at tuloy tuloy na siyang umiyak.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko... Magagalit ba ako sa kanya? Naniwala lang naman siya sa Denise na yun. Pero anong naging kapalit? Eto lahat? Pati ang paglayo ng anak ko... Akala ko pangarap lang ang dahilan kung bakit pilit itong lumayo...

Galit ako ngunit mas nangibabaw ang awa ko sa kanya... Wala na rin namang magagawa ang galit ko sa kanya kung sakali... Tatlong taon na siyang nagdurusa sa kalagayan niya....

Napaiyak na lang ako...

"I'm sorry Tita... You can hurt me if you want... I'd rather die than seeing you hate me.... You and Uncle are the only ones I have... I'm really sorry...."

Wala na akong nagawa kung hindi ang yakapin ito...

"Nakung bata ka! You could have confronted me so you'll know the truth... You could have even asked your Uncle about it..." hawak ko siya sa mgkabilang mukha habang pinupunasan ang luha niya..

"Okay na ako. I forgive you now... Sa susunod, if you hear anything about a person... better confront him/her to know the truth, okay? You should hear the side of that person, too.. Hayyy... I guess di mo iyan ginawa sa anak ko..."

"I'm sorry Tita... "

"Okay na ako.. Sa kanya ka na lang mag-sorry... Sayang nga lang at hindi ko na siya macontact ngayon..."

"Thank you so much Tita.... I felt so much relief right now... I love you Tita..."

"I love you too..." at hinalikan ko siya sa noo.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon