Chapter 2

3.7K 156 1
                                    

***Maya's POV***

Nagising ako ng mas maaga ng usual dahil plano kong mag-jogging ngayon sa may Ayala Triangle. Dalawang beses isang lingo ko lang itong nagagawa at kapag tuwing maaga lang akong nakakatulog sa gabi.

Madami-dami ring tao ngayon at karamihan ay mga Koreans. Bakit nga ba ang daming Koreans dito sa Pilipinas lalo na sa Makati? Pati mga kabataan ngayon ay nilamon na ng kanilang sistema. Makikita mo sa mga porma ng mga estudyante, kung ano ang trend sa Korea yun din malimit ang suot nila. Pati pagsasalita at expressions ay nahawaan na.

Mag Barong Tagalog din kaya mga Koreano?

Saglit akong natawa sa isiping yun at naalala ko si Ryan Bang.

Nang mapagod sa pagja-jogging ay dumiretso ako ng 711 para bumili ng energy drink. Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko nang makita ko kung sino ang papasok sa convenience store na yun.

Halata ding galing sa pagdya-jogging ang lalaking to.

"Pag minamalas ka nga naman!"

Parang narinig ng lalaki ang sinabi ko at automatic ang kanyang pagtingin sa banda ko. Nabigla din siya nang mapagtantong ako ang nagsalita.

"Hey, you're the one who fell off the ground, right? Was it yesterday?" he said while grinning.

Sarap sapakin. Ipa-alala pa talaga ang kahihiyan kong kagagawan nya.

Napagpasyahan kong huwag na lang pansinin ang lalaki. I don't want my day to be ruined again. Lumabas ako ng 711 nang hindi sinagot ang tanong nya. Kumunot ang kanyang noo at di makapaniwala sa ginawa ko.

Hayyzzz, Lord ilayo nyo po ako sa disgrasya at kamalasan sa araw na ito.

Dasal ko habang pabalik sa condo.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon