Chapter 46

1.8K 132 8
                                    

***Maya's POV***

I went to the office with the resignation letter with me. Kailangang maipasa ko na ito bago ako magsimula kina Mamang. Ayoko din namang magAWOL na lang basta.

I went directly to my boss' office para magpaalam na rin ng pormal. Ngunit ang sabi ng sekratarya nito ay hindi pa raw ito pumapasok.

Ilang araw ng wala si boss, nasa Amerika pa kaya siya?

Gusto ko siyang tawagan pero hindi ako sigurado kung nakauwi na nga siya. Mas gusto ko ring makausap siya ng personal.

I left the resignation letter on top of his table and went straight to the mall. Kailangan kong bumili ng ilang pirasong damit. Iba na ngayon ang magiging trabaho ko so I needed some changes. Bibili na rin siguro ako ng make-up kit at sapatos.

Tinawagan ko muna si Mamang at swerteng hindi siya busy... Inaalam ko lang ang schedule ko for Monday. Ang sinabi lang niya ay pumunta raw ako ng maaga dahil may malaking project siya at kasama kami ni Krishia doon. Agad agad? I thanked her and ended our conversation.

Nagpatuloy ako sa pag-ikot ikot sa mall. Wala naman akong gagawin sa ngayon.

"Hello Beautiful!" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Tristan sa harapan ko.

"Hi Tristan! How are you? Where have you been hiding?"

"I wasn't hiding. I was in Australia last week for some fashion show..." international ramp model nga pala ito.

"I see. I haven't seen you for quite some time that's why.."

"Did you miss me?" as he widely grin..

"Of course, my friend." as I pinched his nose and then both cheeks. Napaka-cute talaga ng lalaking ito.

"I've heard you once joined the MEGA Fashion show, the charity event, right?"

"Yeah. And...." sasabihin ko ba sa kanya?

"And?"

"I'm joining them for good." I feel sadness all of a sudden.

"What? Are you sure? You left the Smith Industries?"

"Just a while ago... I left my letter of resignation sa office ni boss."

"Okay tell me about it while having some coffee... SB?"

"CB is just there." I pointed at the Coffee Bean cafe.

"Ayt, come on."

Ayun sinabi ko sa kanya na I wanted to change career path na kaya I decided to resign.

"Good, but make sure you are happy with your decision. I know you have dedicated your life there already... Tito Rick will surely miss you.."

"Yeah, that's the sad thing... I don't wanna leave him but I have to. He doesn't know yet that I resigned.."

"He'll understand for sure... Tito Rick is a very kind man... But hey, have you heard about Tito Conrad? I haven't had any news about him. My dad was also worried when he learned that he went to the US by himself."

"I don't have either. I think boss Rick is with him. Hope they are fine..."

***Lorena's POV***

Biglang tumunog ang doorbell. Si Dale na siguro ito... Hindi na naman dito kumain ang batang ito.

Nagulat ako nang buksan ko ang pinto at mapagsino ang taong nasa harap ko...

"Lorena..."

"Rick.." saglit na katahimikan ang nangyari dahil hindi ko inasahan na magkikita pa kami nito...

"Pasok ka muna... Kumusta ka na?"

Pumasok siya sa loob at umupo sa sofa.

"Gusto mo ng juice?"

"Water na lang please..."

"Bakit ka napadalaw? Kamusta ka na?"

"Ang daming nangyari simula noong umalis ka.. Nawala na din si Thelma..."

"Sorry... hindi ko na nalaman iyon."

"Anyway... Nakaraan na iyon. Ang importante naman ay iyong ngayon... Nasaan nga pala si Maya?"

"Hindi ba pumasok?"

"Ah baka nasa office nga. Hindi pa kasi ako bumabalik ng opisina simula nang sinundo ko si Conrad sa U.S."

"Nagpunta kayo ng Amerika? Kasama mo siya?"

Tumango siya.

"At iyon ang dahilan kaya ako nandito ako ngayon... Lorena, sana maayos ninyo ng dalawa ang gusot ninyo... Matagal na panahon na iyon. 27? 28 years? Kahit hindi mo sabihin sa akin Lorena.... naniniwala ako na hindi nawala ang pagmamahal mo sa kanya sa loob ng mahabang panahon na iyon..... Dahil ganoon din siya... Saksi ako sa kung anong meron kayo noon.. at alam kong hindi basta basta nabago iyon... kahit dumating pa si Maya sa buhay mo..."

"Rick, hindi ganoon kadali... Oo naamin ko na sa sarili ko na may malaking pagkukulang din ako kaya nangyari lahat ng iyon... pero..."

"Pero ano? Lorena... hindi na tayo mga bata... Konting oras na lang ang itatagal natin sa mundong ito..."

Kilala pa rin ako ni Ricardo. Alam niya  na tinitikis ko lang ang damdamin ko...

"I will get straight to the point Lorena... Conrad is dying...."

Bigla ang pagsikdo ng dibdib ko...

"Ano kamo?"

"Kaya siya pumunta ng Amerika noong mga nakaraang lingo para magpa-opera. May cancer siya, stage 4.... Nagpasundo na lang siya sa akin dahil he is so weak at kung matutuluyan daw siya mas gusto niya sa sarili niyang bahay bawian ng buhay..."

"Nagbibiro ka lang di ba?"

Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak. Hindi ko maisip na mangyayari ito sa kanya...Nawala yata bigla ang lahat ng hinanakit ko sa kanya at napalitan ito ng awa...

"Sana nga biro lang ang lahat... pero hindi Lorena... and he's too weak..."

"Asan siya Rick? Pwede ko ba siyang makita?"

Biglang lumiwanag ang mukha niya.

"Oo Lorena, maraming maraming salamat.... Ikaw lang ang inaantay niya..." Hinawakan niya ang kamay ko at nakita ko ang luha sa mata niya.

Nagtext na lang ako kay Maya na may dadalawin akong kaibigan. Nahihiya akong sabihin sa kanya na kay Conrad ako pupunta....

Kinakabahan akong hindi ko maintindihan...

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon