Chapter 38

2.1K 133 4
                                    


***Maya's POV***

Ngayon ang unang araw na papasok ako after noong mahilo ako sa labas ng building.

Sobrang bigat sa pakiramdam ng araw na ito 'coz I decided to tender my immediate resignation sa company.

Nag-usap na kami ni Mama. Ayaw niya rin sana akong magresign but I have my own reasons, too. Damdamin at kinabukasan ko rin ang nakataya dito. Malamang sa malamang ay mauulit di sa akin ang nangyari kay Mama. The only difference is Mr Conrad left Mama for his dreams.... but me? I will be left because he has someone else... Mas masaklap yata iyon.....

Kaya I decided na habang hindi pa ako hulog na hulog kay Edward ay tatapusin ko na ang anumang kaugnayan na meron ako sa kanya. Hitting two birds in one stone. Malalayo din si Mama sa mga taong nagdulot ng sakit sa damdamin niya.

Malungkot ako dahil napamahal na sa akin ang trabahong ito at ang mga tao rito lalo na si boss na itinuring ko na ring parang tatay ko.

Napakadaya naman kasi ng tadhana... Bakit kailangang magkaka-ugnay ang kapalaran namin?

I felt heavy-laden as I pressed the floor number inside the elevator.

Nakapasok na ako sa opisina ko at saglit akong nagulat nang makita kong may dalawang bouquet of flowers sa mesa.

Isang naglalaman ng white roses at ang isa naman ay red roses. Tinignan ko agad kung sino ang sender. Binabasa ko pa lang ang unang linya ng message sa red roses bouquet ay alam ko na agad kung kanino ito nangaling...

"Hello Beautiful, hope you are fine now.." si Tristan agad ang naisip ko at di naman ako nagkamali.

Tinignan ko naman ang sa white roses... "Good day! Hope the flowers will lighten your day. Take care of your health. Eat your food on time and don't stress yourself with too much work. If you need help, you know where to find me."-Edward

Lalo akong nalungkot nang mabasa ko ang message.

"Uy ang anak ko... dalaga na..." nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni boss sa harap ng mesa ko...

"Why the sad face?"

"Ahh.. good morning boss..." at sa di ko rin inaasahan ay bigla na lamang akong naiyak...

"Iha? What's wrong?"

"Boss.... I really need to talk to you... I'm sorry pero kailangan ko pong magpa-alam na. It's not about work and not about you either... It's just that I need to go... I am resigning boss..." at di ko na napigilan ang patuloy na pagpatak ng aking luha. Ang hirap pala ng ganito lalo't kaharap ko iyong taong nakasama ko na ng matagal at nagtiwala sakin ng sobra sobra sa trabaho...

"Boss, you've been my great mentor and you're the one who moulded me to who I am now.. I'll treasure my experience working with you for the rest of my life... Thank you so much for everything boss.. my second Papa..."

"Maya, is this about Lorena?"

Nagulat ako bigla. "How did you know about my mother, boss?"

"Hindi niya ba ako naikwento saiyo? That's quite sad.... Tropa kami dati ng nanay mo... kasama din namin iyong namatay kong kasintahan. Hindi ako makapaniwala na ikaw ang anak ni Lorena.... at matagal ko ng kasama.... You just don't know how we searched for her especially Conrad... He'd been in great misery when he lost your mom and I can attest to that... I know and I truly understand your mom's reason for leaving but you know... they both suffered.... Sabagay may dahilan ang Diyos kung bakit nangyari iyon. Wala ka sana dito sa mundo kung di sila nagkahiwalay noon... So everything has a reason... I know hindi madali ang magpatawad pero iyon lang ang tanging paraan para maayos ang lahat... Pag-isipan mong mabuti ang desisyon mo, iha... Sobrang nalulungkot ako sa nangyayari at kailangan pang humantong sa ganito... You're the only one left to me... you know what I mean, Maya... Itinuring na kitang parang anak ko... So please iha, try to think about it first... I'll give you a week or two so you can decide better... Just... don't do it right it now." hirap na hirap din siyang magsalita.

"Boss, di lang naman po si Mama ang dahilan kung bakit ako aalis dito... Nahihirapan na din po kasi talaga ako... I mean... not about work... I can't explain it... I'm really sorry.."

"May kinalaman ba si Edward dito, anak?"

Natahimik ako bigla. Sukol na sukol ako...

"Sana maintindihan ninyo po...." at naging gripo na yata ng luha ang mata ko..

"Kung anuman yan iha, labas na ako diyan. I can only advise you and your mom to follow your heart. Wag niyong tikisin ang mga sarili ninyo... Okay, ganito na lang. You can file an indefinite leave para makapag-isip... Then from there, kung ano man ang maging desisyon mo, I'll accept it. Hope you will weigh things better... Kaya mo iyan, iha... I'm just here for you... alam mo iyan."

"Okay lang po sainyo na mag-indefinite leave ako? Pano po iyong trabahong maiiwan ko?"

"Ako na ang bahala doon. Ang importante, you'll have time to settle yours and your mom's problem... Paki-kumusta na lang din ako sa kanya.. Sana lang ay hindi siya galit sa akin..."

"Thank you so much po... Makakarating po sa kanya boss... Pasensiya na po talaga... Ang hirap po kasi talaga..." at tuloy-tuloy na naman ang luha ko...

"Sige na iha, i-process mo na muna ang leave mo... Ako na ang bahala rito. Magpahinga ka na. Magbakasyon kayo ng Mama mo para makapag-isip... Goodluck, anak."

"Thank you po.." at di ko na napigilang yakapin siya...

***Krishia's POV***

Nagmamadali ako ngayong pumunta ng Makati. Gustong makipagkita ni Beshy. Mukhang may problema na naman ito. Ang dami ko nang utang sa kanya... Hindi ako nakasama sa pagsundo kay Tita Lorena at lalong hindi ako naka-attend ng suprise birthday party nito na hindi pa naikukwento kung anong nangyari.

Sa Greenbelt kami nagkasundong mag-meet para doon na din maglunch, sabagay alas onse na rin ng tanghali.

"Beshy!"

"Oh Beshy, ba't ganyan ang itsura mo? Para kang namatayan. Anong nangyari? Sorry Beshy... guilty ako na wala na akong time saiyo... ayan tuloy di ko na alam ang mga nangyayari..."

"Okay lang ako ano ka ba. Lika na nga. Kain na muna tayo.. Maya na ako magkukwento.... Salamat pa rin at nakarating ka..."

"Wag ka na magtampo please... yaan mo babawi talaga ako. pati kay Tita... please wag ka na simangot...pleaaathh!"

"Ewan ko sayo.. Lika na nga!" sabay kuha niya ng braso ko at naglakad kaming parang mag-jowa.

"Oh! Look who's here! Small world!" nang biglang may magsalitang hayop, este tao sa harap namin. Kasalubong namin siya at pareho kami ni Beshy na nagulat.

"OMG! You're BFFs? Hahahha! (evil laugh). True, they say, Same feathers flock together.... LOSERS!"

"I'm NOT a loser 'coz we're not done yet Denise!"

"Beshy, mas bagay yata iyong kalbo sa kanya... what yah think?" tanong ni Beshy Maya.

"Naranasan mo na ba Beshy na bunutan ng buhok ng hindi tsani ang gamit?" patuloy niya habang nakatingin siya sa mga mata ni Denise na mas lalo pa yatang lumaki.

***Maya's POV***

Hindi ko na inisip na anak din ng isang boss sa opisinang pinagtatrabahuhan ko ang kaharap ko ngayon. Eh sa nangigigil ako. Ang dami kong pinagdadaanan ngayon at dadagdag pa yata ang isang ito.

Wala na akong pakialam lalo na't naaapi hindi lang ako kung hindi ang kaibigan ko...

Mukhang nadagdagan rin yata ang mga dahilan ko para lisanin na ang kompanya. Kung makaka-engkwentro ko lang naman din araw-araw ang isang babaeng katulad nito ay mas gugustuhin ko pang lumipat na nga ng trabaho...

Pinaghalong gulat at takot ang mukha ni Denise sa tapang na ipinakita ko sa kanya. Dagdag na rin siguro ang nakamamatay na titig galing kay Krisha...

Nagwalk-out ito bigla at naiwan kaming nangigigil.

"She'll pay for everything she did, in time.." ani Beshy.

"Hayyzzz! Whatta day! Lika na nga... Mag-McFreeze na nga lang tayo! Libre ko!"

"Ay nahiya ako sa libre!" at nagkatawanan na lang kami ni Beshy sa nangyari.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon