Chapter 3

3.1K 160 5
                                    

***Maya's POV***

Panibagong lingo.

Madaming pagbabago at sorpresa sa opisina. May nagbago sa Executive Committee. Napalitan na ang ibang miyembro ng Exe-Com lalo na ang CEO. Nag-retire na si Mr. Conrad Smith dahil sa medyo may edad na ito.

Ang balita ko ay ang nag-iisang pamangkin nya raw ang pumalit dito at take note... medyo bata pa raw at isang sought-after bachelor?

Care ko? Hahaha.

Mamaya na mangyayari ang formal announcement at meet and greet.

Walang may idea kung ano ang mangyayari at lahat kami ay medyo kabado. Pinagbihis pa lahat ng empleyado ng medyo mas pormal na office attire  para ma-impress daw namin ang new boss.

Kadarating ko lang ng office at nagmamadali akong pumindot ng elevator papunta sa 18th floor.

Pagkalapag ko ng bag sa aking mesa ay agad kong binuksan ang aking laptop.

Oh my God! Thirty minutes na lang at meeting na.

Nagretouch muna ako at sabay inayos ko ang damit kong medyo may pag-kasexy.

Madalas kong makuhang compliment sa ibang tao na mukha daw akong modelo.

Hmmnnn..

Sabay kumpirma sa salamin.

Pwede! Pak!

Pwede ko ng maging friend si Tyra Banks. Di ko nga lang alam bakit kahit ganito ang itsura ko ay wala naman akong ka-amor-amor sa mga lalaki.

It's true! Di naman ako lesbian. Ako'y certified NBSB! Ssshhh! Di nila alam.

Ang akala nga ng iba ay may pagka-bitch-era ako kasi minsan din nila akong nakikita sa mga bars. Wala lang... eh sa wala akong mga friends dito sa Maynila kaya minsan alak na lang din ang napagti-trip-an ko. One way to unwind. A temporary escape from all the stress I have in life.....

May mga kaibigan din ako pero lahat sila ay nasa abroad na at may mga kanya-kanya ng pamilya. Hindi lang din siguro yun ang fate ko... ang maging pamilyado.

Minsan ko lang din nakaka-usap ang mga kaibigan ko, kapag may okasyon lang o kapag umuuwi sila ng Pinas. They're all successful people now. Happily married kaya lagi na lang ako napagdidiskitahan pag nagkakasama-sama kami.

"Darating tayo dyan!" Yun lang ang lagi kong sagot sa kanila kapag 'asawa' at 'pamilya' na ang pinag-uusapan.

Na-ireto na nga rin nila ako sa mga iba nilang friends karamihan ay mga foreigners pa pero wala talaga....

Hindi pa yata ipinapanganak ang magpapatibok ng bumbunan ko... este ng puso pala. Kaya work work work na lang muna ang peg ko.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon