Chapter 47

1.8K 123 10
                                    

***Lorena's POV***

Pumasok ang sasakyan ni Rick sa malawak na bakuran ng isang mansyon. Eto na siguro ang pag-aari ni Conrad...

Eto ang kapalit ng pag-iwan niya sa akin noon... Bahagyang may kumirot sa puso ko..

Bumaba kami ng sasakyan at sinalubong kami ng isang medyo may edad na ring babae.

"Sir Rick... kayo po pala.... Kakagaling lang po ng doktor dito kanina. Hindi na po kayo nahintay. Wala din po si Edward. Nandoon po iniwan sa mesa sa kwarto iyong number ng doktor... Makitawagan na lang daw po siya agad..."

"Salamat Ninay..."

Pumasok kami sa napakalaking bahay. Samu't saring kaba ang nararamdaman ko. Feeling ko nanghihina na ang mga tuhod ko habang binabagtas ang daan papunta sa kinaroroonan ni Conrad. Tahimik na nakasunod lamang ako kay Rick hangang sa binuksan niya ang pintuan ng isang malaking silid..

Hindi pa man ako nakakalapit ay automatikong naglandas ang aking mga luha nang makita ko siyang nakaratay sa kama.

Iba't ibang tubo ang nakakabit sa katawan niya.

Bakit biglang naging ganito ang itsura niya? Ilang lingo lang kaming hindi nagkita...

Nagpupunas ako ng luha gamit ang likod ng aking kamay habang papalapit sa kanya. Tila payapang siyang natutulog ngayon.

Sumenyas lang si Rick na lalabas muna ng kwarto... Tumango lang ako at ibinalik ang tingin sa nakaka-awang itsura ng lalaking ni minsan ay hindi ko nakalimutan.

Kahit ganito ang itsura niya ay gwapo pa rin siya sa paningin ko... Siya ang pinaka-gwapong lalaking nakilala ko...

Hindi ko napigilang haplusin ang kanyang hapis na mukha... Mahigit dalawang dekada na yata ang nakalipas nang huling gawin ko ito... Madami na rin siyang wrinkles sa noo... Ngunit naroon pa rin ang mahahabang pilikmata nito at matangos na ilong na madalas kong pisilin noon.

Nanlalabo na ang mata ko sa luha nang maramdaman ko ang paggalaw niya.. Nagmulat siya ng kanyang mga mata... Ang mga matang iyon na punong-puno lagi ng emosyon...

Hinawakan niya ang kamay kong nakadantay pa rin sa pisngi niya at hinalikan iyon. Hindi naging hadlang ang dextrose na nakakabit dito. At nakita kong tumulo ang mga luha niya. Walang namutawing salita sa mga labi niya.

"Conrad.... mahal ko.." at hindi ko na napigilang yakapin siya.

"I'm sorry mahal ko... I'm sorry..." hindi na ako nahiyang pumalahaw ng iyak habang yakap-yakap siya...

"Ssshhhh..." ang tanging nasambit niya.

"Patawarin mo ako... tinikis kita noon kasi sobrang nasaktan ako. Inakala kong hindi mo na ako mahal at hindi mo ko hinanap.. Ayoko lang naman malayo sayo noon kaya di ako pumayag sa gusto mo.."

"Sshhh t-tama na.. Ako ang dapat humingi ng tawad saiyo..." At hinaplos niya ang aking buhok habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

Kumawala ako ng yakap at hinawakan ko ang mga kamay niya... Wala na akong nasabi kung hindi puro hikbi na lang.

Masaya ako dahil napalaya ko na ang nararamdaman ko. Hinding-hindi pa rin nagbabago ang damdamin ko para kay Conrad.

Hinaplos haplos ko ang kamay niya.

"Magpagaling ka... Aalagaan kita. Nandito na ako mahal ko... Hindi na kita iiwan... Magiging masaya tayo ulit..."

Kinuha ko ang kamay niya at dinala yun sa mga labi ko. Tumulo na naman ang mga luha ko.

Isang ngiti ang kanyang pinakawalan. Ramdam kong napatawad na namin ang isa't-isa. Niyakap ko ulit siya. Ayoko na yata siyang pakawalan...

"Uh-uhmn!"

Si Rick bumalik na.

"Lorena kumain ka na muna. Siyanga pala tinawagan ko iyong doctor niya. May mga procedures daw na gagawin kay Pare bukas pero kailangan dalhin siya sa hospital... Pwede bang ikaw muna ang sumama sa kanya? Pupunta rin ako doon agad... may kailangan lang akong asikasuhin sa opisina."

"Okay lang sa akin.. Kailangan ko lang umuwi para masabihan ko si Maya..."

"Ipapahatid kita kay Alex mamaya.. Kung pwede sana dito ka na rin muna matulog mamaya?"

"Walang problema, Rick. Ako na ang mag-aasikaso sa kanya..."

"Maraming salamat Lorena. Sana mapabilis ang pagrecover niya... Tingin ko naman bumalik na ang sigla niya kasi nandito ka na."

***Maya's POV***

Wala pa rin si Mama dito sa bahay. May dinalaw daw itong kaibigan. Wala naman akong natatandaang naging kaibigan niya dito sa Maynila. Sabagay baka sa isang dating kakilala siya nagpunta.

Inihanda ko na ang sarili ko para bukas.

New job, new life? Magkahalong lungkot at excitement ang aking nararamdaman. Naisipan kong matulog agad dahil pinapapasok ako ni Mamang ng maaga. May susi naman si Mama ng condo kaya makakapasok pa rin siya kahit na tulog ako.

Naligo lang ako at naidlip na.

"Stop it Maya, just get lost! Go away!!!" puno ng galit ang boses niya..

Hingal na hingal at pawisan akong bumangon.... Napanaginipan ko na naman siya..

Ganon pa rin kaya ang galit niya sa akin?

Alas tres pa lang pala ng madaling araw. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig... Naagaw ang aking pansin ng sulat sa ibabaw ng mesa.

Umuwi si Mama?

Binasa ko ang sulat na galing nga sa kanya. Ilang araw daw siyang mawawala muna, ang sabi sa sulat. May kailangan lang daw siyang asikasuhin. Hindi niya na raw ako ginising.

Saan kaya siya nagpunta?

Sabagay sanay naman si Mama mag-isa. Simula ng mamatay si Papa napaka-independent na nito. Di nga ba't mag-isa lang din ito lagi sa probinsiya.

Bumalik ako ng higaan pagkatapos kong uminom ng tubig. Tatawagan ko na lang si Mama bukas at ipapaalam ko na rin ang paglipat ko ng trabaho.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon