Chapter 18

2.1K 139 6
                                    

***Maya's POV***

Nagmamadali akong bumalik sa office pagkagaling ko sa client meeting.

Ngayon nga pala ang meeting namin ni Edward about doon sa Client Meeting din sa Friday. Di bale mag-a-ala una pa lang naman.

Ngunit naalala kong di pa pala ako nagla-lunch.

Dumiretso na ako sa office niya na ngayon ay nalipat na sa pinakatuktok ng building.

Kinakabahang kumatok ako ng tatlong beses bago ipinasyang buksan ang pinto.

"Sana pala ay dumaan muna ako kay Boss at least may kakampi ako kung sakali. Sana andito siya." bulong ko habang pinipihit ang knob.

"Good after---"

Nagulat ako nang makita kong kausap ni Edward si Denise.

"Sorry, good afternoon po."

Tinuloy ko pa din ang pagbati sa kanila. Tila personal ang pinag-uusapan ng dalawa dahil abot tenga ang ngiti ni Denise habang si Edward ang nagsasalita.

Natigil lamang ito nang marinig ang pagbigay-galang ko.

"Oh Maya! I'm sorry I think I have to re-sched our meeting later at 4pm. I didn't know that Denise was coming over." paliwanag nito.

"Hmmp. Dumating lang ang babaeng to ni-resched na ang meeting? Masyado atang importante ha. Kaloka. Nagmamadali pa naman ako kanina." Di ko mapigilang mapabulong.

"Are you saying something?" tanong ni Denise. Napakalakas naman yata ng radar nito.

"Nothing ma'am. Sir, I'll be back by 4pm then." baling ko kay Edward na nakatingin na naman sakin.

"Bakit ba ang hilig nitong tumitig? Nakaka-conscious. Madumi ba mukha ko?" bulong ko ulit.

"Ah yeah. We'll do it at 4pm." sabi pa nito.

Palabas nako ng pinto nang..

"Ahm, Maya? Could you please make us some coffee first?" nagulat ako sa sinabi ni Edward.

Hanep din naman isang ito. Walang bang sekretarya at ako ang magtitimpla? Iba din.

"Sure Sir. Black or with cream?" tanong ko na nakatingin lamang kay Edward.

"I would like to have the same one you made nights ago." sagot naman nito.

Bakas sa pagkagulat ang mukha ni Denise.

Nagtatanong ang mga mata nito ngunit walang nakuhang sagot mula kay Edward.

"Alright then. In a bit Sir." nakangiti kong sagot.

Dali dali akong nagpunta sa maliit na pantry sa loob ng office nito at nagtimpla ng 2 tasa ng kape.

Sarap sigurong lagyan ang mga ito ng betsin. Tss!

Kalma Maya, kalma lang!

Paglabas ko ng pantry ay nagulat ulit ako dahil naroon na si Tristan.

"Hey you're here!" bati ko sa kanya.

"I was looking for you in your office but you weren't there so I went to Tito Rick and he told me that you're here." paliwanag naman niya.

"Oh, are those cups of coffee for them? I'd like to have one too, please?" puppy eyes na naman si Tristan.

"I'll make one for you later, I promise. But you have to join me first since I haven't eaten my lunch yet.." nakangiti kong sagot kay Tristan.

"My pleasure, beautiful!" tugon naman niya.

Nakatingin na lang samin sina Edward at Denise sa bilis ng pangyayari. Si Denise na may nakakalokong ngiti at si Edward na tila may nagaapoy na mga mata?

"Bye Bro, bye Denise. See yah!" paalam ni Tristan sa kanila.

"Sir? I'll be back later. Enjoy your coffee." nakangiti kong sabi.

Si Edward ay tila nagising naman sa pagkagulat. "Ah yeah. Sure. Thanks for the coffee."

Lumabas na kami ni Tristan ng opisina ni Edward at nakita ko si Mica, ang kanyang butihing secretary.

"Hi Ms Maya. Hi Sir." nakangiting bati samin ni Mica.

"Hello Mica." sagot ko naman sa kanya sabay ngiti din ni Tristan.

Napagpasyahan namin na pumunta sa Greenbelt para doon mag-lunch.

Wala kaming masyadong pinag-usapan kung hindi pawang kakulitan. Maliban sa nalaman ko na international model nga talaga si Tristan pero at the same time ay binibigyan niya ng priority ang businesses niya dito sa Pilipinas.

Ikinuwento ko rin sa kanya si Krishia at ang pagmomodelo namin noong university days.

Madami nga raw kaming pinagkakasunduang mga bagay-bagay. Nag-agree naman ako sa sinabi niya dahil mabilis ko siyang nakagaanan ng loob.

Unlike before na hindi ako pala-lapit sa ibang tao lalo na sa mga lalaki. Ngayon ay kaya ko nang makipag-kulitan sa iba bukod sa mga kaibigan ko. Pero si Tristan pa nga lang yun.

Si Edward, kailan kaya makikipagkulitan sakin? wala sa sariling tanong ko sa isip ko.

Mahigit isang oras kaming nasa labas. Pagkabalik namin sa office ay ipinagtimpla ko pa din ng coffee si Tristan, as promised.

Tuwang-tuwa naman siya at tila sarap na sarap sa kape.

"This is way better than Starbuck's coffee." pambobola nito.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon