Chapter 32

2.1K 141 8
                                    

***Maya's POV***

Missed Calls (35)
  Beshy(10)
  CEO(22)
  Mr Claro(3)
Messages (5)
  Beshy(4)
  Mr Claro(1)

Eto agad ang lumabas sa screen ng phone ko after ko patayin ang tawag ko kay Mama.

At bakit niya naman ako tatawagan?

Binasa ko ang messages galing kay Krishia. Sobrang nag-aalala na pala ito. Nagulat din ako at pati si boss ay nagtext.

Mr Claro: Maya, where are you? Are you okay? Let me know if you need help, iha. I'm just here to listen.

Na-touch ako sa message ni Boss. Umaasa akong hindi niya ako huhusgahan. Sinagot ko ang kanyang message at sinabi kong okay lang ako at pauwi na. Sinabi ko din na magkikita na lang kami bukas sa office.

Tinawagan ko na lang si Beshy. Buong katawan ko yata ay drained ngayong araw pati na rin utak ko.

"Hello! Beshy! Nasaan ka? Are you okay? Kanina mo pa di sinasagot ang tawag ko. Puntahan kita, nasaan ka?"

"Gabi na Beshy, bukas na lang. Wag ka nang mag-alala, okay ako. Pauwi na ako sa condo. Ikaw nasaan ka? Uwi ka na din, gabi na." malungkot na tugon ko dito.

"Hindi. Kailangan nating mag-usap. Papunta na ako diyan. Give me twenty minutes. Bili lang ako ng pagkain. Hindi pa tayo kumakain. Wait mo ako sa condo mo. Saglit lang ako."

"Okay."

Dumating si Beshy after thirty minutes. Nag drive thru lang yata ito sa McDo. Pero mukhang madaming nabiling pagkain.

"Okay ka lang? Sobrang nag-alala ako saiyo kanina."

"Sorry..."

"Kain muna tayo. Oh paborito mo, spagghetti. May nuggets, fried chicken at fries din diyan. Kuha ka lang. Ikain na lang muna natin kung anuman iyan." Makahulugan ang mga titig niya sa akin.

"At kailan ka pa natutong mag-stress eating? As if wala kang katawang lupang inaalagaan ah." Pilit kong pagbibiro sa kanya.

"O sige na, cheat day na lang to." sabay tawa niya.

"Pero Beshy....." panimula niya ulit... "I deserve an explanation! I need an acceptable reason!" at ginaya niya si Piolo Pascual.

I know she's trying to make the conversation lighter. Pero mabigat nga talaga sa pakiramdam eh. Kahit anong tago ko kay Krishia ay lumalabas sa mukha ko ang lungkot at alam kong ramdam niya iyon.

"I'm sorry Beshy kung itinago ko sayo. Nahihiya kasi talaga ako. Wala naman akong matawag na kami, dahil wala naman talaga. Six years na ako nagtatrabaho sa company nila Edward, ang uncle niya pa dati ang CEO. Wala pang one-year noong pinalitan niya si Mr Conrad."

"Pero ano iyong kanina? Why did he embrace and kiss you? Mutual understanding ba iyon, Beshy?"

"Hindi! Tsaka may girlfriend iyong tao! Iyong babaeng parang higad, Beshy. Kaya alam kong hindi rin niya ako siseryosohin kung sakali... Basta iyon... isang araw na-fall na lang ako.... Nagsimula iyon noong isinama niya akong mag-client meeting... Ayun, ako si tanga, na-fall na kaagad..."

"Teka.... Girlfriend? Really? Sino? Flings, alam ko marami niyan si Edward... Pero girlfriend? Last time I checked bumalik na ex niya sa dati nitong boyfriend. Sinong girlfriend naman niya ang sinasabi mo?"

"Baka kilala mo din iyon. Si Denise, anak ng isang ExeCom din. Sabi ko nga parang higad."

"That fuckin' bitch! No way!" nagulat ako sa reaksyon ni Beshy.

"Bakit? Close kayo?"

"What?! Close?! Over my dead body, Beshy. I would never be close to that demon. Ang liit talaga ng mundo, sheeettt! Alam mo ba na ang demonyong babaeng iyon ang sumira sa relasyon namin ni Niel?"

So tama pala ang hinala ko.

"She wanted to ruin me and she succeeded. And that's all because of Edward."

"Ha?! Paanong nasali si Edward?"

"She's more than obsessed of Edward. Baliw na siya Beshy, gagawin niya ang lahat kapag gusto ka niya sirain. She finds me as a big threat to her.... Na kesyo aagaw daw kay Edward... Kaya ang ginawa niya.... inakit niya ang asawa ko! Unfortunately bumigay naman..... And now I'm here, pained and ruined!"

Ngayon ay nangagalaiti na sa galit ang mukha ni Beshy.

I was not ready with her revelations.

So si Denise nga ang sumira sa kanila. Ang love of the life ni Edward? Pero bakit ang alam ni Krishia ay walang girlfriend si Edward? Di kaya di lang nainform si Beshy?

"Beshy, tingin ko naman may relasyon nga sila and not just a simple fling. Araw-araw sila magkasama at ang sweet sweet nila. Balita ko pa nga ipapakasal siya ng daddy niya kay Edward." ayan na tuloy ang luha ko nagbabadya na naman.

"I don't think so. Kilala naming mag-asawa si Edward. He's Neil's bestfriend, by the way. I don't think na pasisilo siya sa isang katulad ni Denise na ingrata at oportunista."

Aasa na naman ba ako?

"Kailangan mong mag-ingat Beshy. Baka ikaw ang isunod niya kapag nalamang nakiki-pag mabutihan ka kay Edward. She's a leech! Ayaw niyang may kaagaw kay Edward. Super obsessed. As in baliw! As much as possible iwasan mo siya. Di pa ako nakaka-ganti sa babaeng iyon. Ngayon mas nadagdagan pa ang ngitngit ko sa kanya. Grrrr! Sarap i-pa giling ang baboy niyang katawan at gawing pataba sa lupa. At least doon may silbi siya." bakas sa mukha nito ang sobrang pangigigil.

"A--Anong gagawin ko Beshy? One-sided love lang ito. Ayoko ng masaktan. Ngayon pa nga lang ang sakit sakit na...."

"Sorry Beshy kung nasasaktan ka ngayon. Wala man lang akong nagawa. Di ka rin kasi nagkukwento. Sabagay, minsan ganyan talaga ang love. Unfair. Walang pipigil saiyo na magmahal, pero nasa saiyo kung hangang saan ang kaya mo. Basta eto na lang ang isipin mo Beshy, nandito lang kaming nagmamahal sayo. Di ka namin iiwan. Kahit iwanan ka pa ng buong mundo. Ako, di kita iiwan." madramang pahayag ni Krishia sabay yakap at halik sa akin.

"Malalagot din yan sa akin si Edward pag ibinilang ka niya sa mga flings niya. You don't deserve it, Beshy. Kung magka-ganon man, better stay away from him na lang habang maaga pa. Ayokong saktan ka ni Denise. Di ako papayag. Baka mapatay ko na ang bruhang yun." patuloy niya.

Inabot kami ni Krishia ng madaling araw pero umuwi pa din ito ng Ortigas.

Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako kinabukasan. Pero kailangan kong bumangon dahil may mga naka-schedule akong client meetings hangang Biyernes. Maganda nga iyon dahil at least nasa labas ako at posibleng di kami magkita ni Edward. Mag-la-login lang siguro ako mamaya doon tapos babalik ulit ako para mag-log-out.

***Edward's POV***

She didn't answer my calls. I'm pretty sure my number is saved on her phone. Maybe she just doesn't want to talk to me. What have I done? I scared her away.

I don't have the guts to ask Tito with updates about her. I know he's kind of mad at me. He really loves Maya as her own daughter.

I also couldn't believe that she and Krishia are bestfriends? I thought she doesn't have friends....

It's a small world, indeed.

I didn't sleep at all. I just thought of everything.... About her, about the situation... How would I go about it... The bottle of rum I'm drinking is almost empty. Like me, I feel so empty now... I must admit that it's not just lust that I have for her. It's now deeper than that. But I'm afraid to take risks as I don't want to have the same fate like that of my previous relationships.... I'm tired of being fooled.... Money was all they wanted from me... They really can't love me as me.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon