Chapter 9

2.2K 142 7
                                    

***Maya's POV***

Naiwan ako sa tabi ni Mr Claro na kasalukuyang nakikipag-usap kay Mr Zamora, and daddy ni Tristan.

Matanda na si Mr Zamora pero kita pa din ang kakisigan nito. Sa lahat ng magkakasosyo ay ito yata ang pinakamakisig.

Pero mas gwapo pa din ang aking boss dahil lagi itong nakangiti.

Nagpaalam saglit si Mr Zamora kaya sa akin natuon ang pansin ni boss.

"Iha, are you alright? Sorry napabayaan na tuloy kita. Ngayon lang ulit kasi kami nagkasama-sama alam mo na. Hahaha. I feel happy. Para kasing nakompleto ulit ang pamilya. Hope you don't mind."

Kita sa mga mata niya ang kasiyahan. Masaya na rin akong nakikita syang masaya. Madalas kong maalala sa kanya ang aking ama.

"Okay lang po, boss."

"Maiba ako Maya, wala pa akong nababalitaan na may nanliligaw o naghahatid sayo sa office. Don't you have a boyfriend?" tanong niya sakin.

"Hah ah eh..... wala po boss. Walang pong magkamali eh. hehehe." nahihiya kong sagot.

"Aba sa ganda mong yan? Masyado ka sigurong pihikan iha. Di bale darating din ang para sayo kung meron man. Don't close your heart. Sana hindi ka na matulad sakin na naging malungkot ang buhay sa pag-iisa. Sabagay, may mga oras din naman noon na naging masaya ako kahit single. Tulad noong bata pa iyang si Edward.... doon sa Germany ay madalas ko yang kuhanin kapag nagbibisita ako kay Conrad. Hinihiram ko yan at ipinapasyal. Ang cute cute kasi niyan noong bata siya. Irresistible kung baga. Happy pill namin. Hindi mo aakalain na lilipas ang panahon ng ganito. Kayo malalaki na ngayon tapos kami matatanda na." pahayag ni boss.

"Yaan ninyo po.... ituring ninyo na lang po akong anak para hindi na kayo nalulungkot." pag-comfort ko kay Mr Claro.

"Napakabait mong bata ka bukod pa sa napakasipag. Malayo din ang mararating mo iha. Maraming salamat sa malasakit mo sakin at sa kompanya." pahayag niya.

Di kalaunan ay bumalik nga si Tristan sa tabi ko. Madali ko siyang nakagaanan ng loob dahil kalog din siyang tulad ko.

Bigla na lang lalakas ang tawanan namin na ikakagulat naman ng isa, sino pa nga ba?

Napapalingon na lang siya dahil medyo busy din siya kay Denise na halos nakapulupot na ang katawan nito sa kanya.

Kulang na lang isemento ni Denise ang katawan nya kay Edward na tuwang-tuwa naman sa tingin ko.

Yung totoo Maya? Binibigyan mo ng atensiyon?

Natapos din ang party sa wakas. Isa isang nagpaalam ang mga bisita.

Sasabay na sana ako kay boss ngunit nagpumilit si Tristan na ihatid ako. Ipinagpaalam pa ako nito kay boss.

"Tito Rick, I'll be the one to bring her home if you don't mind."

"Take care of my daughter Tristan. And behave please." tugon niya dito.

"Goodnight iha. See you tomorrow. Anything happen, let me know, okay? Sumbong mo sakin itong isang ito kapag di nagbehave." baling sakin ni boss.

"Goodnight din po. Ingat po kayo. See you po sa office." paalam ko na din.

Masayang kasama sa sasakyan si Tristan. Napaka-jolly. Di mo aakalain na ang macho gwapito na ito ay komedyante rin pala.

May kamukha nga syang artista.

Teka! Tama! Si Christopher Reeve! Ang original Superman.

Napakaswerte siguro ng magiging girlfriend nito o baka may girlfriend na nga ito. Di naman malabong mangyari dahil sa taglay na kagwapuhan at kakisigan nito. Di rin siya kakikitaan ng kaartehan kahit na lumaking mayaman.

"We're here. Thank you so much Tristan! So, see you when I see you!" biro ko.

"No way! I'll see you in the office. How about breakfast with you tommorow, beautiful?"

"Nah! I'll jog early tomorrow. Lunch maybe." Sabay smile sa kanya.

Hahaha kala niya magpapakipot ako? Libre yun uy!

"Lunch then! Your treat?" Nagulat ako. "Just kidding! Hahahhaa. See yah tomorrow beautiful!"

"Can you please stop calling me beautiful? I know I already am!" sabay ngiti at taas ng kilay.

"You can't stop me. Choose then! Baby or beautiful?" he said while grinning.

"Adik ka ba? Sige na nga beautiful na lang. Ang haba naman noon kesa sa Maya. Bahala ka diyan. Goodnight then! Take care my friend and thanks again!"

Hinintay kong makalayo ang sasakyan nito bago ko naisipang pumasok ng condo.

Tsk! Grabe ang isang yun! Ngayon lang ako nakatagpo ng ganong kakulit na lalaki  kahit ubod ng yaman.

Sabagay may mga kaya din naman ang mga naging kaibigan ko lalo na si Krishia.

Wait! Si Krishia nakalimutan ko na. Di pa ako na-update kung kailan ang uwi nya.

Dali dali akong nagbihis at pagkatapos ay nagcheck ng aking social media accounts.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon