Chapter 14

2.2K 144 6
                                    

Maya's POV

Nag-iinit na ang buo kong sistema. Nakaka-ilang shots na nga ba ako? I just felt soothed and relaxed after shots. Idagdag mo pa ang nakakabighaning mga kanta ng banda.

Sarap ng ganitong parang wala kang iniisip na problema.

Pero biglang lumakas ang pakiramdam kong tila may nagmamasid sakin.

Nilibot ng aking mga mata ang buong bar pero wala naman akong napansin. Dala lang siguro to ng ininom ko.

Medyo lasing na ang pakiramdam ko dahil biglang gumanda at gumwapo na ang tingin ko sa mga itsura ng mga tao dito. Lihim akong napatawa.

Nagdecide akong mag bill out na dahil medyo nahihilo nako. Sinenyahan ko ang waiter ng bill out .

Lumapit siya sakin at nagulat ako nang sinabi nyang nabayaran na raw lahat ng sakin.

"Sino pong nagbayad?" tanong ko sa waiter.

"Yung lalaki po doon kanina pero umalis na din po ata sya. Anything else, ma'am?" sagot naman nya.

"Wala naman. Thank you."

"Have a good night and thank you for coming, ma'am." magalang na paalam ng waiter.

Sino kaya ang nagbayad ng bill ko?

Medyo hilo na ako habang tinatahak ang papunta sa parking lot. Feeling ko ang gaan ng pakiramdam ko nang mga oras na iyon.

I was about to enter the key of my car nang may humawak sa braso ko.

Sa sobrang pagkagulat ay nabitawan ko ang susi. Mas lalo akong nagulat nang mapagtanto ko kung kaninong kamay iyon.

"Edward? este Mr Smith? Ano pong ginagawa ninyo dito?" gulat na tanong ko sa kanya.

"The same question that I will ask you. Why are you here? And it seems you had a good time, huh?" I can sense sarcasm on his tone.

"Ahh, I always go out naman po. This is my way to relieve my stress at work." sagot ko sa kanyang hindi tumitingin dahil feeling ko hinuhubaran na niya na ako sa mga titig nya.

"Anyway sir, nice to see you here. I'll go ahead na po. Ingat po kayo sa pagda-drive. Wag po masyadong mabilis baka kung mapano po kayo at kawawa din yung mababanga ninyo kung sakali." walang prenong tugon ko sa kanya habang pinupulot ko ang susi.

Nagulat din ako sa sinabi ko. Ewan ko kung naintidihan nya dahil bigla rin syang natigilan.

"No, I'll take you home. You're drunk. It's no longer safe for you to drive. I'll just have your car be taken back to your home."

"No!" napalakas kong tugon sa kanya.

Naiisip ko pa lang kung paano sya magpatakbo ng sasakyan palabas ng parking, feeling ko mapapabilis ang buhay ko.

"Ahm... What I mean sir is, I'm okay and I can manage myself. Thanks for the offer though."

"I insist and I won't take NO for an answer. I'm still your boss. Now come with me and leave your car here. You'll just see it later." sabay hila sa kamay ko papunta sa kung saan nakapark ang magara niyang sasakyan.

He opened the door for me at wala akong imik na sumakay.

Natutulala ako sa mga nangyayari.

Pumasok na din sya at umupo sa driver's seat sa tabi ko. Kaybango ng loob ng sasakyan.

Bigla akong napapikit sa pagsamyo ng amoy ngunit bigla din akong nagulat nag ilagay nya ang kanyang kamay sa kabilang side ko na halos nakadikit at nakayakap na ang kanyang katawan sa akin.

Di ako makahinga ng mga oras na yun. But his masculine smell is soothing my nostrils and I can hear the loud and fast beating of my heart.

I came back to my senses when I heard the click coming from the seat belt he's wearing on me.

Wala kaming imik sa byahe except sa pagtatanong niya ng address ko. My waze app naman ang phone nya sa sasakyan kaya di sya mahihirapan sa paghanap ng condong tinitirahan ko.

Gusto ko nang matapos ang oras na ito dahil sa sobrang awkward at kabang nararamdaman ko.

Ngunit nanadya yata ang isang ito dahil sobrang bagal naman ng takbo ng sasakyan taliwas sa inaasahan ko.

"Relax. I should be extra careful as you've said. I have a beautiful young woman in my car with me." nabasa nya yata ang nasa utak ko.

May pagka-gentleman din naman pala ang mokong na ito kahit papaano.

Nararamdaman ko ang maya't mayang pagtitig nya sakin. I feel so conscious at lalo pa ng in-on niya ang sterio ng sasakyan.

He clicked the play button at narinig ko na naman ang kantang nagpaparambol yata ng aking kaloob-looban, ang Perfect ni Ed Sheeran.

"I know you like that song, too." komento nya.

Natapos ang kanta at nasa tapat na kami ng condo.

"Sir, thank you so much for the ride. Care for uhm... a cup of coffee?" nahihiya kong tanong sa kanya.

"If you'll insist, then yes." agarang sagot niya at pinaderetso ko na lang sa parking lot ang sasakyan.

"Pasensya na po sa kalat, Sir." sabay ligpit ng laptop at bag na gamit ko kanina sa office na nasa ibabaw pa rin ng mesa.

I made two cups of coffee for us.

Naiilang na ibinigay ko sa kanya yung isa. "Thank you." wika nya.

Ngumiti lang ako at sinimulan kong inumin ang akin. Sinulyapan ko siya ng saglit ngunit nakatingin din pala sya sakin. Binawi ko ang aking tingin at ibinalik sa kapeng iniinom ko.

"Uhm, Maya. I-I'll go ahead. It's getting late now. Thanks for this coffee." sabay tayo.

Tumayo na din ako at hinatid siya sa pintuan. "Don't forget to always lock your door. Bye and see you in the office!" paalam nya.

"Thank you din po Sir. Ingat po kayo."

Noong nasilip kong nakasakay na siya sa elevator ay dagli kong sinarado ang pinto at huminga ng malalim.

Yung feeling na natapos na rin ang nakamamatay na kaba.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon