Chapter 61

2.1K 132 19
                                    

*****Autor's note(singit)-----Masyado kayong atat... 😂😂😂 pero sige na nga dahil mahal ko kayo... I dedicate this 2nd or 3rd to the last chapter(depende) sa aking mga voters at mahihilig mag-comments.. kay @dickay20 , at sa iba pa... alam niyo na kung sino kayo...basta love ko lahat ng nagbasa nito...❤️❤️❤️*******

***Lorena's POV***

Naging mas masigla na si Edward simula ng pangyayaring iyon. Madalas na itong magyaya sa hardin.

Ngayon ay nagyaya naman itong manood ng tv. Sa palagay ko ngayon lang ulit siya makakapanood ng TV pagkatapos ng aksidente.

In-ON ko ang remote at pumunta ako sa favorite channels niya... Laking gulat ko dahil yung Fashion Channel ang nasa priority list nito.

Tinignan ko siya at ngumiti lang siya... Bakas sa mukha nito ang excitement... Dahil ba makikita niya si Dale dito?

Hindi ako nagkamali dahil ilang sandali lang ay ang anak ko na ang nakita ko sa TV.... rumarampa ito para sa Louis Vuitton. Ang saya saya kong masilayan ulit ang anak ko.

Ngunit mas napangiti ako nang makita ko ang kanyang reaksyon. Nakangiti itong lumuluha...

"God! I miss her so much Tita!" habang patuloy pa din sa panonood.

"Ako din."

"Hope she's happy where she is..."

"Do you want to see her?"

"O--Of course."

"Then you should start taking the therapy..."

Bigla siyang natigilan.

"Tita there's no guarantee on that... the doctor said it, right?"

"So you're giving up?"

"No.... but... I don't know Tita..."

"You won't like her seeing you in that situation, right?"

Napatango lang siya..

"I'll consider that as your approval.. Wait, just stay here... I'm going to call your Uncle..."

Agad kong tinawagan si Conrad at tuwang-tuwa ito... Ang sabi niya ay magpapa-schedule daw agad siya sa kakilala niya... Iyon nga lang dahil sa amerika pa ito mangyayari... Malamang sa malamang din ay kasama ako nito...

Binalikan ko siya ulit..

"It's settled. But the procedure will be in the U.S. because they have modern equipments there... Don't worry I'll go with you... So prepare youself, anak.."

Naguguluhan pa din siyang tumango.

***Maya's POV***

Sa dalawang taong pagiging magkasintahan namin ni Tyler ay hindi ko pa din lubos maramdaman ang pagmamahal nito... Siguro nga pareho kaming busy pero nagagawa ko namang magtext sa kanya kahit papaano....

Yung hinihiling kong ma-meet ang parents niya ay hindi pa din nangyayari. Masyado nga ba akong nagmamadali?

Sa ngayon ay may TV guesting kami ng sabay... Alam ng lokal na publiko dito na magkasintahan kami.. di ko lang sigurado kung pati sa ibang panig ng mundo.... Ang pag-uusapan sa program na ito ay kung pano kami naging magkasintahan... at kung ano ang lagay ng aming relasyon...

Napansin ko na extra sweet siya sa akin sa harap ng camera.... Maya't maya ay nakaholding hands ito at hinahalikan pa ang mga kamay ko na nagpapakilig naman sa mga audience... Nawala ang kasiyahan ko nang hindi ko na maramdaman iyon sa kanya pagkatapos ng program..

Inihatid lang ako nito sa bahay at nagpaalam na dahil may shoot pa daw siyang susunod... Nasasaktan ako sa mga nangyayari... O masyado lang akong nagiging demanding...

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pagtatrabaho gaya ng nakagawian. Ayokong i-stress ang sarili ko... Baka busy lang talaga ito kaya ganoon.

Lumipas ang mga buwan at ganoon kami lagi... Kung pwede nga lang ako na ang magyayang magpakasal ay ginawa ko na... Pero hindi ko na din alam kung sapat ba ang pagmamahal na iyon para gawin ko ang bagay na iyon.

Dumating ang 3rd year anniversay namin... Gusto ko siyang sorpresahin dahil baka ito na ang panahon na yayain niya na akong magpakasal...

Alam kong wala siyang schedule ngayon dahil tinawagan ko ang opisina nila... Nagpa-ayos pa ako ng buhok at nagpaganda ng bonga.

I even had that........brazillian wax....yes.....because I'm finally ready to give myself to him.. Dahil sa loob ng tatlong taon na iyon ay panay kissing at making-out lang kami...

Sobra akong nai-excite habang nagda-drive papunta sa bahay nito...

Laking ngiti ko nang makitang nakapark ang sasakyan niya... Hindi na ako nag-atubiling pumasok dahil gusto ko na siyang masorpresa....

Bukas ang pinto... wala siya sa sala...

Baka sa kusina... Tip toe ang ginawa ko na animo'y magnanakaw....

Nang bigla akong makarinig ng kakaiba..... kakaibang tunog ngunit pamilyar sa pandinig ko dahil minsan ay nagawa ko na ito...

Biglang dumagundong ang dibdib ko sa kaba...

"Sana Lord hindi.... sana po hindi..."
dasal ko habang palapit ako sa lugar kung saan galing ang tunog na iyon...

Halos panawan ako ng ulirat ng makumpirma ko ang aking hinala... hindi dininig ng Diyos ang dasal ko.....

Bakit?

Dala ng galit at hinanakit ay pinili ko pa rin siyang komprontahin.... Pabalibag kong binuksan ang dati ng nakabukas na pinto ng kwarto ni Tyler...

Laking gulat niya at ng babaeng nakapatong sa kanya...

"Why?!!!" ang tangi kong nasabi dahil ubod na ng bigat ang aking dibdib...

"Sweetheart... wait...let me explain..."

"Explain your face!" hindi lang sampal ang binigay ko sa kanya kung hindi isang suntok na nakapagpabalik dito sa kama.

Nahintakutan din ang nakahubad na babae at sumiksik ito sa sulok.

Iniwan ko ang lugar na iyon.... Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi ng bahay...

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon