Chapter 17

2.2K 144 9
                                    

***Maya's POV***

Fresh week ngayon. Magana ang lahat na nagtatrabaho at tipong nawala na yung revenue issue. Wala na ding nabangit si Mr Claro about dito noong nagkausap kami kanina.

I have client meetings na naka-schedule this week kaya medyo magiging busy ako.

Bago ako umalis para sa unang client meeting ay may natangap akong email galing kay Edward copying Mr Claro.

RE: Client Meeting on Friday

Ms Maya Dale Entrata,

This is to inform you that we will be having a client meeting this coming Friday. This is a big client that I'm referring to and I want you to facilitate the presentation. Mr Claro will also be joining. Make yourself available tomorrow afternoon to have a discussion on this in my office.

Thank you.

Mr Edward Smith
CEO, Smith Industries

Nagulat ako sa email. Ngayon lang nangyari na makakasama ko ang CEO sa client meeting. Never ko pang nakasama si Mr Conrad noon. Kahit pa nga ang aking boss ay bibihirang sumama sakin. Nagreply na lang ako to acknowledge the email dahil magdidiscuss naman pala ng detalye bukas so doon ko na lang sila tatanungin.

***Rick's (Mr Ricardo Claro) POV***

Nagulat ako sa email na nababasa ko ngayon. Napapangiti at napapailing na lang ako sa mga ikinikilos ni Edward.

Napapansin kong may kakaibang nararamdaman na ito kay Maya simula pa ng gabi ng Welcome party.

Hiningi din nito ang number ni Maya sakin noong nakaraang araw at hindi nako nagtanong pa kung bakit. Ayaw man nitong aminin ay halata naman sa mga kilos nya. Namana ata nito kay Conrad ang pride sa babae.

Biglang nag-flashback sa isip ko ang kabataan namin.

May nag-iisang babaeng minahal si Conrad noon dito sa Maynila habang nag-aaral kami sa kolehiyo. Mahal na mahal niya ito. Kahit gaano siya kabusy dahil sa pagsasabay ng pag-aaral at pagtatrabaho ay nagagawa nitong mabigyan ng oras ang kasintahan.

Naging masaya naman sila katulad namin ni Thelma ngunit nagbago ang lahat ng magkaroon ng opportunity si Conrad na mag-aral at magtrabaho sa Germany.

Nabiyayaan sya ng scholarship dahil sa angking talino. Pinili ni Conrad na tuparin ang kanyang pangarap para sa kanyang nag-iisang kapatid na babae at para na rin sa future family nya kung sakali.

Ngunit hindi ito natangap ng kasintahan ni Conrad. Ayaw nitong malayo sa kanya. Pinaliwanag ni Conrad noon ang sitwasyon sa kasintahan kasama kami ni Thelma habang kumakain sa paborito naming restaurant.

Hindi sumang-ayon ang kasintahan at nakipagkalas sa kanya sa mismong araw na yun.

Doon ko na huling nakita ang kanyang kasintahan. Hinanap ito ni Conrad bago umalis papuntang Germany ngunit may nakapagbalitang nagpakalayo-layo na ito.

Ibinuhos na lang ng aking kaibigan ang oras nya sa pagtatrabaho at pag-aaral.

Nagkaroon sya ng mga karelasyon sa Germany at America ngunit pawang panandalian lamang.

Sa aming lahat ay si Conrad ang lapitin ng mga babae dahil sa taglay na kagwapuhan nito.

Gwapo din naman ako pero nakahihigit si Conrad dahil may lahing mestiza ang kanyang ina. Walang tumagal na babae sa kanya. Marahil ay dahil sa sobrang busy nito o di kaya'y di pa rin makalimutan ang kanyang unang kasintahan.

Ganoon din si Edward sa kasalukuyan. Wala akong nabalitaan na nagtagal na karelasyon nito bukod doon sa kasintahan nyang si Elizabeth na dati'y nakatakda ng ikasal sa kanya. Nalaman na lang namin na nakipagbalikan si Elizabeth sa kanyang dating kasintahan na isa ring sikat na negosyante sa Europa.

Well baka si Maya na nga ang makakapagpabago ng ihip ng hangin. Aaminin kong boto ako kay Maya para kay Edward. Bukod sa likas na masipag at mabait ay napakaganda rin nito. Para itong isang morenang modelo.

Napakagaan ng loob ko sa batang yun at may naaalala ako sa kanya na di ko mawari kung sino.

***Edward's POV***

I received the reply from her. I'm getting myself ready in case she and Tito would ask why do we need to go with her.

Well, honestly I just want to be with her. If I had to use my power then so be it.

I'm missing her already. There were no days and nights that I didn't think of her. "Here I go again." I sighed.

Her image keeps on flashing in my mind even at work.

Her smile and her laugh whenever she's with Tristan, make me envious. That should be me who's painting that happiness on her face.

Fall In Love With Me (COMPLETED)--currently on editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon