Chapter 2

5.6K 113 2
                                    

"Congrats Pare!" Natatawang bati ni Janus sa akin.

Katatapos lang kasi na tawagin ang pangalan ko na MVP of Year, idagdag pa na panalo ang koponan namin sa League.

It was an achievement again for me, natitiyak ko na natutuwa ang Papa at Mama pati na din sina Kuya Cairo at Naira base na din sa reaksiyon nila habang nanonood.
Kung nandito lang sana si Giselle, my Girlfriend ay kumpleto na sana ang saya ko kaya lang sumama ito sa mga Magulang nito sa isang charity event na main sponsor ay ang Kumpanya nila.

Nag sorry naman ito sa akin at nangako na next time ay sasama na talaga ito para manood ng laro ko...malamang next year na lang na mangyayari yun, nanalo na ang Team ko.

Champion na nga kami eh...

"Congrats Man!" Nakangising singit naman ni Kevin na ka team ko din.

"Thank you" isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko dito.

Hindi naman kami magkaibigan kundi magka team mate  lang at magkakilala bukod dun ay wala na.

Idagdag pa na naiinis ako sa hambog na lalaki na ito, but hindi ko naman sinasabi dito.

"Uy si Risa my HoneyLoves!" Bigla ay bulalas nito at tinapik ako sa balikat.
"Congrats ulit Pare" anito at mabilis na iniwan ako para puntahan si Risa na may hawak hawak na malaking banner ng Pangalan ko.

Lihim na napaismid ako sa inasta nito.

May Gusto kasi ito kay Risa pero hindi naman nangliligaw kundi puro pagpapalipad ng hangin ang ginagawa kasi nasupalpal na ito dati ng Una ng magtangka na magtapat si Kevin.

Kasi naman Alam nya at alam ng lahat na ako ang Gusto ni Risa, na kahit na alam naman nya na may Girlfriend na ako ay habol pa rin ng habol sa akin.

Wala pa kaming relasyon ni Giselle ay nanliligaw na sa akin si Risa which irritate me dahil isa sa mga pinaka ayoko na ugali ng isang Babae ay ang pagiging agresibo at sya pa mismo ang nagbibigay ng motibo.

Nang sinagot na nga ako ni Giselle at naging kami ay di pa rin huminto sa pagpapadama ng pagkagusto nya sa akin si Risa. which is amused me.

I admired her sa hindi paghinto na I pursued ako at kahit na kinausap ako ni Giselle na kausapin na si Risa na huminto na ay hindi ko ginawa at sa halip ay nagsinungaling ako at sinabi dito na di ko yun kayang gawin dahil baka mas lalo pang magpursige si Risa na kunin ako sa kanya, sinabi ko na lang na hayaan na lang namin ang huli sa gusto nya because harmless naman si Risa at wala naman ginagawa na masama sa amin.


Isa pa nakakadagdag sya ng Ego It was fun having someone like Risa na gusto ka at gagawin ang lahat para ma please ka....kung sana sya na lang si Giselle....

Isang matamis na ngiti ang sumungaw sa labi ko saka tumingin sa gawi ni Risa na kausap na ni Kevin.
Tila naramdaman naman ni Risa na nakatitig ako kaya lumingon ito sa gawi ko at namula ang magkabilang pisngi na gumanti din ng ngiti.

Pumaling agad ang mukha sa gawi ng mga magulang ko na malapit lang kay Risa at naglakad papunta sa kanila.

"Pa, Ma, Kuya Cai, bunso!" Natatawang tawag ko sa kanila.
"Nanalo kami!" Balita ko sa apat.

"Obvious naman Kuya Mairo may trophy kang hawak oh," naka irap na sagot ng nakangiting si Naira.

"Congrats Bro" nag fist bomb kami ni Kuya Cairo.

"Anak congrats!" Ani Mama na niyakap ako.

"Job well done Anak" ani Papa naman na tinapik ako sa balikat.

"Thank you Pa, Ma"

"How about umalis na tayo para makapunta na tayo sa Restaurant na ipinareserve ni Papa?" Singit ni Naira.
"I'm hungry na po" nakalabi pang angal nito na nakapagtawa sa aming apat.

"Sige Ma, Pa, Kuya Cai at ikaw Bunso mauna na kayo sa Kotse at susunod na lang ako magbibihis muna ako" sagot ko sa mga ito.

"Bilisan mo Kuya Mairo ha? Baka may sawa na naman na lumingkis at humarang sa iyo"nakaingos na sabi ni Naira na tinawanan ko lamang at nakangisi na ginulo ang unat na unat na buhok nito.

Alam ko naman na si Risa ang pinatutungkulan nito.

"Kuya Mairo kaka rebond lang ng hair ko!" Maarteng sikmat ni Naira sa akin na tinawanan ko lamang ng malakas saka patakbo nang umalis para magpunta sa may Locker Room.

Nang makapasok na ako sa Room ay agad ko ng ni lock ang Pinto at pinakiramdaman ang paligid kung may iba pang tao at nang walang makita at maramdaman ay nagkibit balikat ako.

"Baka hindi nya ako pupuntahan dahil may humarang na naman sa kanya" asar na naisip ko.

Pagkatapos ay kinuha ko na ang pamalit na damit ko sa Bag saka nagpunta na ako sa Shower para magpalit.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ay may dalawang kamay na agad na yumakap sa akin  mula sa likod ko at pagkatapos ay agad na humilig sa likod ko ang ulo nito.

"Congrats Mahal...nanalo kayo at naging MVP ka pa" wika nito saka naramdaman ko na hinalikan nito ang likod ng balikat ko.

Isang impit na ngiti ang pinakawalan saka pormal na ang mukha na humarap sa pangahas na basta na lamang yumakap sa akin.

Ngumiti ito ng matamis sa akin at mas idinikit ang katawan nito sa katawan ko.

"Why are you here? baka may nakakita sa iyo dito na pumasok?" Tanong ko dito.

Nakangiti na umiling ito.

"Don't worry Mahal ko...siniguro ko na walang makakakita sa akin sa pagpasok ko dito" pabulong na sagot nito at nagulat ako ng bigla nitong pisilin ang kaliwang nipple ko.

"Risa!"  Kunwa'y asar na saway ko dito.
Pero ang totoo ay nakaramdam ako ng kiliti sa ginawa nito.

Pilyang ngumiti ito saka tumingkayad at kinagat kagat nito ang leeg ko.

"Hey.....Mairo let's do make out here...."anyaya nito na hindi ko na dinalawahang isip pa.
Agad na sinakop ng bibig ko ang malambot na labi ni Risa habang ang mga kamay ko ay buong kapangahasan na gumalugad sa makurbang katawan nito.

_________

"Ang tagal natin ah!" Nakangising puna ni Kuya Mairo sa akin ng humihingal na pumasok ako sa sasakyan.

"Sorry na Pa, Kuya Cai habang papunta ako sa Locker Room may mga fans ako na humarap tapos nagpa Autograph sa akin" nakangiting pagdadahilan ko.

"Halata nga Mairo may hickey ka sa left side ng Neck mo oh!" Turo ni Kuya Mairo sa may leeg ko.

"Ha?" Agad na hinaplos ko ang gawi ng tinuro nya na may hickey daw at naisip ko agad na nakagat nga pala ni Risa ito kanina....

"Hala sya" namimilyo ang kislap ng mga mata ni Kuya Cai ganun din ang Papa habang Mama ko naman ay nakasandig na sa balikat ni Papa, mukhang nakatulog na, ganun din si Naira na nakayakap na kay Kuya Mairo, tulo na nga ang laway.

"What? Wala akong malay kung papaano ako nagkaroon nito?" Pagkakaila ko saka muling bumaling kay Kuya Cai.
"Kuya Cai, help me may date kami mam'mya ni Giselle" dagdag ko pa.

"Sus mga palusot ng kapatid ko"anito na iningusan ako.
"Blush on lang saka turtleneck shirt ang katapat nyan Mairo" natatawang sagot  ni Kuya Cai sa akin.

"Or better yet Anak wag ka munang makipagkita kay Giselle ngayon" wika naman ni Papa.

Agad na tumango ako dito at nakahinga ng maluwag dahil nakalusot ako kasi naman wala naman kaming Date ngayon ni Giselle....

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now