Chapter 5.1

3.7K 109 3
                                    

"Mama Ganda ko.....Papa Pogi ko....." wala sa loob na akmang tatawid ako para puntahan ang dalawang tao na nakita ko dahil sa pakiramdam na parang kilala ko sila ng may biglang humawak sa braso ko.

"Huh?" Namalikmata ako at maang na nilinga ang pangahas na basta na lamang humawak sa braso ko.

"M--mairo?" Di makapaniwalang bulalas ko ng mapagsino ito.

Kumunot ang noo ni Mairo pero pagkaraan ay ngumiti ito ng tipid.

"Where are you going?" Nagtatakang tanong nito.

"Ha....ahm ano tatawid sana...." muli ay binalingan ko sina Percy at Pierre pati na ang tila mga magulang ng mga ito pero nadismaya ako ng umalis na marahil ang mga ito,
Wala na din ang sasakyan ng mga ito kaya marahil nakalayo na ang sasakyan nila.

Napahawak ako sa dibdib ko kasi parang kumirot ito.
At ayun na naman ang pakiramdam na parang batang naiwan ako at tangka ko sanang hahabulin ang mga magulang ko pero wala na sila?

Well...Hindi na naman bago sa akin ang pakiramdam na ito,

Yung hungkag at parang may nawawala at nakakalimutan akong importante... pero ten times more naman ngayon ang nakakainis at nakakabalisa na pakiramdam na ito.

"Risa?" Untag ni Mairo sa akin at pagkatapos ay inakbayan ako nito na kinapitlag at kinatalon ng puso ko na baliw na baliw sa lalaking ito....

"H---ha? Ano yun?" Ramdam ko ang pagririgodon ng dibdib ko na nag angat ako ng tingin para titigan ang guwapong mukha nito.
"At bakit ka nga pala nandito ngayon...di ba may date kamo kayo ni Gisell" sumakit ang puso ko kasi nagselos na naman ito.
Talaga yatang di na magiging manhid pa ang puso ko kasi sa simple at pakaswal na pagkasabi ko sa pangalan ni Giselle ay may pait akong nalasahan sa bibig ko.

Bitter lang ang peg ko....

Lagi naman eh! Anung bago?

"Pinadevelop ko na ang mga pictures natin and I want you to see them kaya nandito ako" kunot noo na sagot nito sabay pakita sa akin ng mga hawak nitong litrato.

Agad na bumadha ang excitement sa dibdib.

Another souvenier ko na kasama si Mairo.

"Talaga patingin!" Excited na tumingin ako sa mga larawan na hawak hawak ni Mairo.

"Wow.....ang pangit ko naman dito" natatawang angal ko dito.
Paano ba naman kasi puro pala putik ang katawan pati mukha namin na na capture ng camera.
"Pero infairness Guwapo ka pa din Mahal ko" nakangisi na puri ko dito.

Ngumisi din ito saka pinisil ang baba ko.

"Thank you sa pagsasabi ng tapat pero matagal ko ng alam yan....well how about treat me bilang bayad sa pagod ko sa pagpapa develop nitong mga pictures natin na request mo" may pagdidiin na ungot nito sa akin na mas nagpangiti lalo sa akin.

"Sure ikaw pa!" agad na sagot ko at kumindat pa dito.

Nag iwas ito ng mukha na kinataka ko saka hinila ang kamay ko at pumunta kami sa kubling bahagi ng tindahan namin pero sa halip na tanungin ito kung bakit ay agad naman na naisip ko na baka may nakita na kakilala at umiwas na agad bago pa sya makita na kasama ko.

Because He Love Giselle, that's why!

"I change my mind" bigla ay sabi nito.

"Huh?" Nanlata naman agad ang pakiramdam ko kasi ayun na oh, masosolo ko na naman ang atensiyon ng Mahal ko tapos kamukat mukat ko,

he change his mind na naman!

Napaka angas! Sya na talaga!

"Instead of treating me, how about we walk and see the sun set and afterwards we eat dinner but this time my treat" nakangising suhestiyon nito dahilan para mawalan ng lakas ang mga tuhod ko.

"Reverse eh?" Napangisi na din ako saka tumingala para matitigan ko ng malapitan ang Napakagwapong mukha nito.

Muli ay pinisil nito ang baba ko na kinangiti ko lalo.
Ang Puso ko ay halos magwala sa kaligayahan sa atensiyon na ibinibigay nito sa akin.

Nang nagbaba ito ng mukha papalapit sa akin ay pinikit ko ang mga mata ko at sabik na hinintay ang paglapat ng malambot na labi nya sa labi ko na di naman nya binigo pagkat pagkaraan lamang ng ilang sandali ay pinagsaluhan na namin ang isang mainit na halik.

Okay na sa akin ang ganito, patago palagi ang pag amot sa kaligayahan na tinatamasa at katangahan man na at idagdag pa na parang kinakalantari ko si Mairo na may Girlfriend na....pero wala naman akong plano na makasira sa relasyon nito....

Kung Iiwasan na ako ni Mairo....kung nagsawa na sya akin ay tatangapin ko pagkat alam ko naman sa sarili ko na wala akong pag asa na mahalin ng lalaking mahal ko pagkat may mahal nga syang iba.....

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now