"Percy anak!" Natatarantang niyakap ko agad ang Panganay ko ng agad na makita ko ito na nakaupo sa isang bench dito sa hospital.
Nagba bake ako kanina ng Cake ng tumawag ito sa akin at sinabi na may aksidenteng nangyari na kina panic ko.
Just thinking of my Baby Pumpkin na may wounds ay naiiyak na ako and what if he have so many?
Magpa panic na talaga ako!
"Kuya Percy nasan wounds mo?" Mula sa likod ko ay tanong naman ng Bunso ko na si Pierro.
"Wala naman ah!"Ngumuso si Percy at umirap na kahit naiiyak na ako ay natawa na ako.
Kamukhang kamukha talaga nya ang Ama nyang si Jasper na ayaw na ayaw nyang tanggapin dahil ako daw ang kamukha nya talaga."Eh sino ba ang nagsabi na ako yun naaksidente ha? And besides pag ako nga yun never akong tatawag kasi you know may tatawag na doctor or nurses naman para sa akin, tanga lang Pierre?" Suplado talaga ang Panganay ko at may pagka blunt pa.
In the future kawawa ang magiging manugang ko dito....
Anyway matagal pa naman because he was just fifteen years old."My Baby Pumpkin bakit ka ba nandito sa hospital kundi ka naman naaksidente?"
"Eh kasi Mommy ko na ubod ng ganda,you know kanina habang papauwi kami ni Kuya Bart" tukoy nito sa family driver namin.
"May nakita kami na na hit and run na Girl kawawa naman kasi ang dami nyang dugo eh kaya kami na ni Kuya Bart ang nagdala dito sa Hospital" paliwanag nito na kinatuwa ko.Ang Bait talaga ang Baby Pumpkin ko kahit na minsan ay ubod ng pilyo nito....okay madalas ay umiiral ang kapilyuhan nito.
"Good Job Anak" ginulo ko ang buhok nito saka niyakap ito.
"Tama ang ginawa mo""Eh sino ang magbabayad ng bill nung Girl?" Bigla ay singit ni Pierre.
Hindi sumagot si Percy at sa halip ay tumingin sa akin.
Agad na nakuha ko naman ang ibig nitong sabihin."Okay ako nang bahala, anyway how is she?" Tanong ko kay Percy.
Nagkibit balikat ito."I don't know pa po kasi hindi pa lumalabas yung doctor kanina pa nga yun eh" sagot nito.
Ngumiti na lamang ako dito at saka pinaupo na ulit ito at si Pierre."Dito na muna kayo at pupunta muna ako sa counter para ibili kayo ng Pagkain"
"Mommy sama po ako!" Ani Pierre na agad na yumakap sa akin.
"Okay, ahm...Percy?"
"Sige na po Mommy, pakidalian na lang po kasi nauuhaw na nga po ako" sagot nito na agad ko naman na sinunod.
Nang bumalik na kami ay sakto na nakita namin si Percy na may kausap na isang Doctor, marahil ito ang umasikaso sa dinala ni Percy na naaksidente.
Lumapit ako sa dalawa at agad na kinausap ang Doctor.
Pinaliwanag nito na okay na ang Babae pati na yun Baby sa Tiyan nya pero inerekomenda nito na operahan ang kaliwang binti nun pasyente pagkat yun daw ang mas napinsala at na dislocate daw ang buto nito sa tuhod nito.
Nang magpaalam ito ay agad na kaming nagpuntang tatlo dun sa Naaksidenteng Babae para tignan ang lagay nito.Lumapit agad si Pierre sa pasyente at mataman na tinignan.
"Kuya Percy...she looks familiar" anito sa kapatid nya.
"Oo naman kasi nakita na natin sya dati Pierre, remember yun Girl na ipinagluto tayo ng pagkain sa Batangas?" Sagot nito kay Pierre na tumango agad.
"Ah siya pala yun?" Anito.
"At may Baby na pala sya sa tummy nya, buti na lang safe na silang dalawa"dagdag pa nito.Nang lumapit na ako sa pasyente para tignan ito ay natigilan ako pagkakita sa kanya.
Kumabog pa ng malakas ang dibdib ko.She kinda looks familiar to me too,
I wonder why I have this feeling na parang kilala ko sya."And also Pierre medyo may pagkakahawig sya kay Mommy" dagdag pa ni Percy na malakas na kinasinghap ko kasi tama nga ito.
Yun nga yung pakiramdam na she resemble me a lot,
Tinapunan ko ang tingin ang babae na himbing na himbing sa pagtulog nya at sa isip ay nagtatanong kung sino nga talaga ito at bakit malaki ang pagkakahawig namin na dalawa...
Sana gumising na agad ito para matanong ko na agad ito....