Last

5.9K 130 26
                                    

"T---triplets?" Kapwa nabulalas namin kapwa ni Mairo ng sabihin ng OB Gyne ko ang magandang balita na yun.

Nakangiting tumango ito.

"Yes, kaya dapat doble ingat ka sa mga galaw mo lalo pa't tatlo ang dinadala mo, anyway resetahan muna kita ng vitamins mo Misis" anito at saka nagsimula ng magsulat ng reseta.

Another sets of vitamins na naman bukod pa sa mga naunang inireseta ni Doc.

Nilingon ko si Mairo na nakatitig din pala sa akin nang hindi ko alam.

"Mairo,do you hear that?" Excited na tanong ko dito.

Tumango ito at saka hinagkan ang noo ko.

"Yeah...thank you Love for giving me again a wonderful gift" bulong nito.

Impit na napahagikhik ako.
"Silly...That was triple wonderful gift that I will given to you" ganting bulong ko dito.

"Thank you...." kapwa kami napangiti na tila may pinag usapan kami na di dapat malaman ng ibang tao.

Nang matapos ang check up ko ay umuwi na kami sa Bahay ng mga Magulang ko.

Napaluwas kasi kami dito sa Manila dahil Wedding Anniversary ng Papa at Mama ko at hindi pupwede na di ako aatend kesehodang seven months na ang mga babies sa tummy ko.

Ngayon ko pa nga lang nakakasama ang Pamilya ko kahit pa nga nakasama ko na sila ng limang taon bago ulit ako nawalan ng alaala ay gusto ko pa din na makasama sila.

It is my only wish na natupad na kaya naman, I cherish every moment, every brand new memories that I gained, that I finally know how it feels to be belong in a loving family, and after my long time waiting finally it is really happening now....

And about sa lost memory ko ay nagpapagamot na ako.
Isang beses kada linggo ay may sessions kami ni Mairo sa psychiatrist ko.

Gusto ko kasing maalaala kundi man lahat ay paunti unti na bumalik na ang mga nawalang alaala ko.
At ang nakaka touch ay laging nandun si Mairo na nakaalalay sa akin.
Madalas nga na niloloko ko sya na bumalik na yun memory ko pero pinagtataasan lang nya ako kilay, tapos ngingisi pa mukha syang Aso sa totoo... pero love ko pa rin sya kahit naaalibadbaran na ako sa pagmumukha nya.
Later on ay nalaman ko na lang kung bakit ganun ang asta nya.
Ipinakita kasi ni Percy yung Painting na ginawa ko bago ako pumunta sa Paris.
Nandun lang naman ang Family Portrait namin nina Mairo at Deacon na ginawa ko at madalas na asarin pa ako ng damuhong kapatid ko na patay na patay daw ako sa Mairo na yun, which means kahit pa mawalan ako nang alaala at bumalik yun Princess Pascua na kilala nila ay mananatili pa rin ang Fact na may Gusto ako kay Mairo maski na maging si Risa or Princess pa ako!

Ang Swerte naman ni Mairo,
Walang kahirap hirap na nakuha yun isa dyan...yun ang madalas na tukso sa akin ni Percy at minsan talaga pakiramdam ko ay  malapit na talaga akong maasar sa kapatid ko na yun.
Pero kahit ganun ay hindi ko pa din magawang mainis sa kanya at madalas ay si Mairo ang pinagbubuntunan ko ng inis ko.
Mabuti na lamang at mahaba ang pasensiya nito.

Isa pa naaawa din ako dito sa Asawa ko na ito kasi madalas binu bully din ni Percy sya at kahit pa gusto na syang patulan ni Mairo ay di nya magawa gawa ng mas matalino at mas magaling si Percy sa kanya.
Naalala ko pa nga one time ay inaaya kami ni Percy na mamasyal ni Deacon pero umayaw si Mairo kasi nga mahina pa nga daw ang katawan ko, nagkalagnat kasi ako dahil naligo ako sa dagat at pagdating ng gabi ay nagkasinat na ako pero si Percy ay ayaw magpatalo at inasar ba naman ni Percy si Mairo at sinabi na di naman daw kami legal na mag asawa nito kasi fake name ko daw ang ginamit ni Mairo at ipinasa sa judge.
Kaya naman daw walang habol si Mairo sa akin, kay Deacon pati na dun sa triplets kasi wala daw Risa na name sa birth certificate ni Deacon and wala din name ng Tatay na nakalagay.

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now