Chapter 2.1

4.4K 97 6
                                    

Puno ng Pagmamalaki na pinagmasdan ko ng maigi ang katatapos ko pa lamang na gawin na potrait.

And it was an achievement for me,
Ang ganap na mailagay sa Canvass ang Guwapong Mukha ng Pinakamamahal ko.

It just proved that how much I love him enough para sa paningin ko ay may emosyon ang ipininta ko.

His Mesmerizing Eyes keep shouting how much love he will ready to Give...

For Me.....I chuckled at that silly thought.

Anyway tamang tama na natapos ko ito two days before his Birthday.

Now I just need to Wrap it in very beautiful style para naman matuwa ang Loko at ikeep ang regalo ko sa kanya.

Sukat sa isipin na yun ay dali dali ko nang inayos ang painting materials ko kasi pupunta pa ako sa Library para sa trabaho ko as Assistant Librarian.

Scholar kasi ako dito sa University na ito, May Sponsor ako at sagot nila ang lahat ng gastos including the Dormitory na tinutuluyan ko at may natatatanggap pa ako na Allowance dahil sa Extra Job ko as Assistant.

Hindi na masama para sa katulad ko na isa nang ulila.
Five years old pa lamang ako ng mamatay ang Tatay ko na isang kargador ng isang Truck ng mga Bigas sa isang aksidente at ang alam ko rin ay hiwalay na ang mga magulang ko kaya nga palagi daw akong kasa kasama ng Tatay ko sa trabaho nya at nung namatay sya ay walang mga kamag anak nya ang gustong kupkupin ako dala ng mahirap sila at di na nila kaya pa na magdagdag ng isa pang palamunin.

So sa isang Bahay Ampunan ako lumaki na ang isa sa main donator ay si Mrs. Elaira Altagracia.
Isa sa mapalad na bata na napili nilang pag aralin ay ako, mula elementary hanggang ito ngang nasa College na ako.

I want to take Fine Arts pero sa huli ay Education na lamang ang kinuha ko kasi masyadong magastos ang kurso na gusto ko at nahihiya na ako kay Mrs. Altagracia na nagpapaaral sa akin.

Kaya naman pinagbubuti ko ang pag aaral ko para balang araw ay masuklian ko ang kabutihan loob nya at maging isang Guro sa Elementary School na pinagtapusan ko.

Isa pa nagpapalapad ako ng papel kay Mrs. Altagracia gawa nga ng na inlove ako sa Pangalawa nyang Anak na si Mairo.

Ewan ko nga ba dito sa siraulong Puso ko bakit sa dinami dami ng lalaki ay dun pa sa lalaking yun na patay na patay sa Girlfriend nya ako na inlove....

Being an Orphan is so lonely it makes me think that...

Life sucks...

Life is unfair...

Pero masayang mabuhay kaya okay na din...

Akmang ibabalot ko na sa Manila Paper ang Painting ng may magsalita sa likod ko.

"Well...Well...Well...what a lovely sight I see here..." sarkastikong wika ng bagong dating na si Giselle together with her Minions.

"Uy Friendship naligaw ka dito" nakangising sagot ko.

Friendship my Ass! Asar talaga ako sa Babaing kaharap ko.
Kasi nasa kanya na lahat ng pinapangarap ko.

Buong Pamilya....

May Papa at Mama mga kapatid...na wala ako...

May Kaya din sa Buhay na di ako pinalad bigyan..
Kumuha din ito ng kursong pangarap ko...Fine Arts...
Tapos nasa kanya pa ang pagmamahal ng Lalaking mahal na mahal ko....

It was unfair but Life is already Unfair since I am small so wala ng bago pa sa akin....

"Wow!" Napapitlag ako ng malakas itong suminghap at ng lingunin ko ito ay lihim na nagpanic ako ng makita ang tinititigan ni Giselle.

Mairo's Potrait....

"Gawa mo?" Nakangiting tanong nito sa akin.

Mapakla akong ngumisi.

"Yeah..."

"I will buy it..." agad na wika nito at dumukot sa shoulder bag nito at bago pa ako makahuma ay kinuha nito ang palad ako at may inilagay na papel.

Alam ko na Pera yun kahit hindi ko na tignan.

"It was not for sale"

"At ano? Pang Regalo mo sa Boyfriend ko na alam ko na patay na patay at laway na laway ka ng tikman" nang uuyam na sabi nito.
Sa likod nito ay nagtatawanan ang mga Minions nya.

Giselle Alcantara, is an bitch inside but a perfect actress outside,
A Perfect example of two face wicked manipulator woman.
Kaya nyang umarte nang pagkabait bait at lahat ay naloloko nya including Mairo.

Nakaramdam ako ng kirot at pagkapahiya sa pagpapamukha nito sa akin ng katotohanan.

Kinuyom ko ang mga kamao ko at pinakalma ang sarili ko na gusto na itong sabunutan.
Pero alam ko na sa gagawin ko ay ako lang ang mapapasama....

Maybe dapat ibigay ko na nga dito ang Painting at baka matuwa pa si Mairo at idisplay pa ang gawa ko sa bahay nila....pabor na rin yun sa akin.

Pumikit ako at muling dumilat para makipagtitigan sa kanya.

"Okay... it is already yours, ikaw na ang magbalot nyan may trabaho pa akong gagawin" pagkasabi nun ay dali dali na akong lumabas ng Art Room at ng may madaan na trash bin ay walang pagdadalawang isip na itinapon ang perang hawak....

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now