Chapter 19

3.8K 96 9
                                    

"Hijo, welcome back!" Bakas ang pananabik at pangungulila sa magandang mukha ng ina ni Mairo ng salubungin nya kaming dalawa.

"Mama...."
Lumapit ito at niyakap ang anak saka bumaling sa akin at tipid na ngumiti.
"Sa iyo rin Hija"

"Thank you po Tita Laira" matamis na ngumiti ako dito.

"Si Papa, Mama nasan po?" Tanong ni Mairo dito saka inakbayan ang Ina habang ipinulupot nito ang isang braso nito sa makitid na bewang ko.

"Nasa Farm, nga pala kumain na ba kayo?"

"Yes Ma, don't bother, kumain na kami ng mag stop over yun driver nyo"

"Ganun ba, gusto nyo ba na magpahinga muna, napaayos ko na ang dating kuwarto mo, at mamaya nga pala uuwi dito si Cairo, Naira pati na si Winona" wika ni Tita Laira.
By the way Winona is Kuya Cairo's Fiancee.

"Sa linggo na pala yun kasal nga pala nina Kuya Cairo at Ate Winona?" anito sa Ina na tumango naman.

"Oh sya maiwan ko muna kayo ha?" Wika ni Tita Laira sa amin ng makapasok na kami sa Mansion nila.

"Thank Ma,lika na Love at magpahinga ka muna" anito at binuhat ako ng pa bridal style habang papaakyat sa ikalawang palapag ng Mansion.

"Mairo!" Impit na napasinghap man ako ay sumubsob na lang ako sa malapad na dibdib ng Machong Asawa ko saka nilanghap ang pamilyar na pabango nito.

__________

"How's the preparations sa wedding nyo ni Winona Cairo?" Nakangiting tanong ng Papa ni Mairo sa Kuya Cairo.

Kasalukuyan na naghahapunan kami ni Mairo kasalo ang Buong Pamilya nito minus si Winona, di ito nakasama kasi may kailangan pa itong tapusin na stint, Ramp Model kasi ang huli, at nauna na daw na natanguan nito yun show bago pa etong family dinner ng pamilya ni Kuya Cairo.
Pero nangako ito na susunod na lamang daw ito.

"Hmm...kung ako yun at pak na pak uunahin ko na maka bonding ang Pamilya ng Asawa ko para maka close ko na agad sila.....well umeepal na nga ako sa kanila pero parang ang COLD nila sa akin lalung lalo na etong si Hipag, susme wala talagang pinagbago etong si Naira, ayaw talaga nito sa akin" naiiling na naisip ko habang tahimik na kumakain.

Pakiramdam ko kasi parang lumayo na ang loob ng mga magulang ni Mairo sa akin, samantalang dati kaybait ng mga ito sa akin....
Dahil kaya ito kay Giselle?

Sukat sa pagkaisip sa babaeng kaagaw ko dati kay Mairo na di ko na alam kung anung nangyari,
Si Mairo kasi ayaw pag usap pa ang tungkol kay Giselle...lagi nitong iniiba ang usapan pag ang  topic ay ang una.

Wala tuloy akong alam sa nangyari dito.

"All set na po lahat Papa, don't worry din sa Business natin na pansamantalang maiiwan dahil sa honeymoon namin ni Winona pagkatapos ng kasal, si Donnie na muna ang bahala dun" tukoy nito sa pinsan nila na assistant ni Cairo.

"Kuya Mairo, magtatagal ka ba dito?" Malambing na tanong ni Naira dito.

Ngumiti dito si Mairo at pinisil ang palad ko na hawak hawak nya pa rin kahit na kanina pa kami kumakain ay di nya talaga binibitiwan.

"Well....as much as I want di pupwede kasi kailangan din na bumalik ako agad para maasikaso yun Business ko sa Las Vegas" sagot nito sa kapatid na ngumuso naman.
Halata sa mukha ang pagtatampo para sa nakakatandang kapatid.

"Hmp! Ganyan ka naman talaga Kuya Mairo eh, di ba nagpaalam ka din dati kay Papa at Kuya Cairo na mag uunwind ka lamang ng mga ilang araw para ma relax ka at pinagbigyan ka nila at si Kuya Cairo na ang sumalo sa mga trabaho mo tapos ang ending lumipad ka pa Amerika at dun nagtayo ng sariling business mo hmp!" Nakaingos na paninita naman ni Naira dito na tinawanan lamang ni Mairo.

"Sorry naman pero sayang kasi talaga yun inaalok ni Tim that time at alam ko na magsisisi ako pag di ko sinunggaban agad ang business na ino offer nya" anito saka bumaling si Mairo sa Ama at Kuya nito.
"Papa, Kuya Cairo sorry ha, lalu na sa iyo kuya kasi ikaw na talaga ang mag isang sumalo dun sa mga responsibilidad ko" hingi nito ng paumanhin sa dalawa.

"It's okay Son"

"Okay lang din bro sa akin, alam ko naman na napaka impulsive mo talagang mag desisyon kaya di na ako nagtataka pa dun sa mga pinaggagawa mo" nakangising sagot naman ng Kuya nito saka nakipag fist bomb pa kay Mairo.

"Naku tama na nga yan at kumain na muna tayo" singit naman ni Tita Laira sa mag aaama nya.

"Hmp, may isang dikya kasi na kapit tuko eh" mahina naman na bulong ni Naira na malinaw ko naman na nadinig kaya wala sa loob na napayuko ako, kasi pakiramdam ko ako yun pinatatamaan nya eh.

"Love, okay ka lang?" Pukaw ni Mairo sa pananahimik ko.

Nakangiting umiling ako dito at akmang sasagot na may isang pamilyar na boses ang pumukaw pa aming lahat.

"Good Evening, huli na ba ako sa family dinner natin?" Tanong ni Giselle na naka todo ang pustora na animo'y sasali sa Miss Universe sa bongga ng Attire.....

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now