Chapter 16

4.1K 109 5
                                    

"Oh my Gosh!" Nanlalaki ang mga mata na bulalas ko after na matapos ko ang painting.
"What have I done?" Di makapaniwalang pinasadahan ko ng tingin ang Painting na katatapos ko lang na ipinta.

Kanina pagkagising ko ay dinapuan ako ng kasipagan at inspirations, kaya naman imbes na mag ayos ng sarili at kumain ng almusal ay dinampot ko na ang brush at nagpinta...

And this is the results.

Ang seryosong mukha ni Mairo at ni Deacon na kalong kalong nito habang nakatayo ako sa gilid ni Mairo at nakaakbay dito ay buong buo kong naisalin sa malaking Canvass.

And I think we really look like a real family in this painting....

Gosh my talent is so amasing talaga!

Nanlalatang napaupo ako sa kama habang di mapugnat ang mga paningin ko sa Painting.

Idagdag pa ang malakas na pagkabog ng dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Huminga ako ng malalim habang sapo ko ang nagwawalang dibdib ko.

Ano ba ang pumasok sa utak ko para ipinta ito?

Hindi kaya....Crush ko na yata si Mairo tapos....tapos naisip ko na pwede na sya as Suitable Boyfriend and Father Figure para sa anak ko na si Deacon?

Sukat sa isipin na yun ay nagpagulong gulong ako sa kama,kasi naman nakakahiya yun mga naiisip ko eh,

Saka isa pa hinihintay ko pa ang pagbalik ng mga previous memories ko na nakalimutan ko isa na dun yun Tatay ng anak ko.

......I want to meet him...I also want to know him more at ipaalam na nagkaanak kami at ipakilala si Deacon sa kanya....

So no to Romance at Lovelife muna ako ngayon nuh!
Tumatangong pasya ko sa utak ko...

Saka naman sakto na tumunog ang cellphone ko at ng tignan ko ito ay agad na nataranta ako ng mabasa ko ang pangalan ni Mairo na syang tumatawag.

"Gosh, sasagutin ko ba sya?" Di ko malaman ang gagawin habang dinampot ko na ang cellphone ko pero sa bandang huli ay sinagot ko na rin ito.
Lalo na't nakita ko ang sankaterbang missed nito.

"H--hello?"

"Risa! Buti naman at sumagot ka na, maghapon kitang tinatawagan pero di mo naman sinasagot" agad na bungad nito.

"Ah? Ano....sorry" tinignan ko ang orasan at nakita ko na alas dos na pala ng hapon.
Hinapon na ako sa pagpipinta.
"May tinapos kasi ako na painting... katatapos ko nga lang eh"

"Ganun ba? Kumain ka na ba Risa?" Bakas ang pag aalala sa boses nito na kinatouch ko naman.

"Hindi pa nga eh" napapangiti na sagot ko habang tuluyan na akong nahiga sa kama at titig na titig pa rin sa painting.

"Then....kain tayo sa labas ngayon na sunduin kita ngayon" yaya nito.

"Hmm....okay...sige na nga kumukulo na nga ang tiyan ko sa gutom eh" agad na pagpayag ko.

"Great! Nandiyan na ako in fifteen minutes" sabi nito.

"Ha...yeah hihintayin kita" sagot ko.
Nagmamadaling nag ayos na ako pagkatapos na tapusin ko ang tawag.



_____________

"Thank you sa treat,nabusog ako" pasasalamat ko dito habang naglalakad kaming dalawa ni Mairo sa dalampasigan.

Ngumiti ito sa akin.
"Welcome...anyway natapos mo na ba yung painting?"

"Yes!" Walang kagatul gatol na sagot ko.

"Then can I see it?" Anito na kinataranta ko.

"Ha? Ano....gabi na eh....next day na lang...uhm wag bukas ha" natataranta na paliwanag ko.
Naisip ko kasi yun larawan na tatlo kami nina Mairo at Deacon ang natapos ko pero yun larawan ni Mairo na solo sya ay di ko pa tapos.

"Why" kunot noo na tanong nito.

"Basta!" Ngumuso ako dito at saka umirap.
Natawa ito at nagulat ako ng bigla ay akbayan nya ako.
Ayun na naman ang di maipaliwanag na pagsirko ng puso ko.

Nag angat ako ng tingin at napalunok ako ng magtama ang mga mata namin.
Hindi ko malaman ang gagawin ko hanggang maramdaman ko na lamang na lumapat na ang malambot na labi nito sa labi ko ay tila ako natuod.

"Risa..." anas nito at kinabig ako palapit sa malapad na dibdib nito.

"Nanghahalik ka na naman d'yan" puna ko dito at saka kinurot ang braso nito pero muli ako nitong hinalikan.

"Isang halik kada kurot" nakangising sabi nito ng matapos na ang halik.
Ngumuso ako dito at inirapan ito saka nagmamartsang naglakad papalayo dito.

"Risa wait!" Tumakbo na ito pahabol sa akin.

"Tse!" Binelatan ko ito pero ang hudyo ay malakas lamang na humalakhak.....

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now