Chapter 9

3.6K 86 3
                                    

"Breakfast na tayo?" Nangingiting aya ko kay Mairo na nasa harap ng malaking salamin at inaayos ang kurbata nya.


"Una ka na, susunod agad ako" sagot nito  pero sa halip na sumunod ako sa utos nya ay lumapit ako dito saka pinaharap ito sa akin at ako na mismo ang nag ayos ng kurbata nya.


"Thanks" wika nito ng matapos ako at saka pinisil ang baba ko.

"Welcome, tara na kain na tayo para makaalis na agad ikaw,traffic pa naman" hinila ko na ang kamay nito papunta sa may kumedor kung saan nakahanda na ang Almusal naming dalawa.

_________

Nakapaskil pa rin ang matamis na ngiti sa labi ko habang binabagtas ang hallway papunta sa classroom ko.

Di ko lang kasi mapigilan na di mangiti na parang siraulo kasi masaya ako, masayang masayang sa tinatakbo ng buhay ko ngayon.
Yung dati na pangarap ko na makasama sa iisang bubong ang lalaking mahal na mahal ko na akala ko ay malabong mangyari ngayon ay nagkatotoo na.
Bawat araw na lumilipas ay iniisip ko na baka panaginip lang ang lahat, na magigising din ako na kabaligtaran pala ang magaganap pero sa pagmulat ko sa bawat umaga ay ang guwapong mukha ni Mairo ang nabubungaran ko at nababalot ng saya ang puso ko.

Sana ay wag ng matapos ang lahat ng ito....

Isang malakas na tapik ang pumutol sa pagde daydreaming ko.
Nagtataka na nilingon ko ang bwisit na umistorbo sa akin pero isang malakas na sampal ang lumapat sa pisngi ko na muntik ng makapagpatumba sa akin.

Maang na napatingin na lamang ako sa taong sumampal sa akin na walang iba kundi si Giselle!

"Mang aagaw!" Mahina man ang pagkakasabi nito ay halata naman ang galit sa tinig nito pero hindi yun halata sa luhaang mukha nito.
"Bitch!"

"G---giselle....b---bakit....saka...." nilingap ko ang paligid namin at napansin ko na maraming estudyante ang nakatingin sa amin at nagbubulungan pa habang masama ang mga tingin na pinupukol sa akin.

Binalot ng takot ang dibdib ko lalo pa't tila alam ko na ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Giselle.

Si Mairo....

Pero di ba hiwalay na silang dalawa?

Nakipag break dito si Mairo dahil sa mga post nito sa Instagram ng mga larawan nila na tila katatapos lamang nila na magtalik,

Gusto ko ng lumayo sa mga mapanuri at mapanghusga nilang mga titig.

"Ahm...Giselle please wag kang gumawa ng eksena dito,kung may problema ka sa akin...pupwede naman natin itong pag usapan----"


"I don't want to talk to you, I just want to make things clear to you" putol nito sa pagpapaliwanag ko.

Tignan mo etong bruha na ito, ayaw daw akong kausapin pero may gustong klaruhin, eh di parang kinausap na din nya ako,

Ah Bobo! Natatawang naisip ko na lang kahit pa masakit pa rin ang sampal na pinadapo nya sa malambot kong pisngi.


"Enjoy your remaining days na kasama si Mairo dahil isa sa mga Araw na dadating ay iiwan ka din nya at babalik din sya sa akin" wika nito na may matamis na ngiti ang namutawi sa labi nito at pagkatapos ay hinawakan ang braso ko.
"I'm sorry Risa hindi ko sinasadya"malakas na wika nito na kinataka ko kaya naman marahas na hinawi ko ang kamay nyang nakahawak na sa braso ko at ang Gaga ay tumili at umakting na tila nawalan ng balanse pagkatapos napaupo pa ito sa sahig at pumalahaw ng iyak.


"Nagsorry na nga ako Risa bakit ka pa nanunulak?" Malakas na tanong nito sa akin na naging dahilan para mas lumakas ang bulungan ng mga tao.

Problema nitong loka loka na ito? Naguguluhan na tanong ko sa sarili ko.

"Giselle...."  tinangka ko na itayo ito pero umiwas ito at sa halip ay hinawakan nito ang tiyan nito at luhaan na bumaling sa akin.
"Pag may nangyaring masama sa baby namin ni Mairo mananagot ka sa Boyfriend ko!" Muli ay sigaw nito na tila kinabingi ko.

Baby....

Baby ni Giselle....

Baby nina Giselle at Mairo?


Napasinghap ako ng malakas at ang mga paa ko ay tila may sariling utak at tumakbo palayo kay Giselle pati na sa mga tao at sa mga nang uusig nilang mga tingin...

Basta ang nasa Isip ko ay ang makita si Mairo....

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now