Chapter 21

3.6K 107 8
                                    

"Iwan na lang natin  yang bata sa information desk,I'm sure ipa paging naman ng clerk dun ang tungkol sa kanya" suhestiyon ni Mairo sa akin.
Ayaw kasi ng batang lalaki na humiwalay sa akin kahit na pinaliwanag ko na, na di nga ako ang Mommy nya.

"Are you sure Mairo?"

"That's the right thing to do Love, nawawala ang batang yan and for sure nag aalala na ang mga magulang ng bata na yan" sagot nito.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ng cute na bata sa binti ko.

"No! Dito lang ako sa Mommy ko!" Nakaangil na singit ng batang cute.

Nagkatinginan kami ni Mairo pagkatapos ay huminga ng malalim ang Asawa ko na lumuhod sa harapan ng batang lalaki at saka matamis na ngumiti sa bata.

"Look here kiddo,you see may lakad kami ng Mommy mo, we need to hurry kasi baka mahuli kami sa flight" paliwanag ni Mairo sa bata at saka nakangiti pa rin na nilingon akoat nabasa ko sa kislap ng mga mata nito na nakikiusap ito na umayon ako sa mga sinasabi nya.

Napalunok ako alanganin na ngumiti.


"Y---yeah tama ang Tito Mairo mo....may kailangan kasi kaming puntahan at-----"

"Sasama din po si Deacon! Deacon will never let Mommy go away!" Anito.

Napakunot ako.

"Huh? Sino si Deacon?" Nagtataka na tanong ko sa batang lalaki.

Nag pout ito that makes him cute, gusto ko tuloy na pisilin ang matambok at mamula mulang pisngi nito.

"It's me, I'm Deacon,Deacon Pascua remember Mommy? You said to me po that you named me that kasi po espesyal po ako sa inyo, na Love na love nyo ako nakalimutan nyo na po?" May himig ng pagtatampo ang cute na boses nito.

Tila may eksena na dumaan sa isip ko na tila pamilyar sa akin pero agad din itong nawala na nagpasakit sa ulo ko.
Tuloy ay napahawak ako sa ulo ko.


"Love okay ka lang? " nag aalalang tanong ni Mairo sa akin.
Inalalayan ako nito at maingat na iniupo ako nito sa pinakamalapit na upuan.


"Yeah, don't worry okay na ako" nakangiti na sagot ko dito.


"Mommy are you hurt? Kaya po ba aalis ka po ulit to take your medicine?" Katulad ni Mairo ay bakas ang pag aalala sa mukha ni Deacon.
Wala sa loob na napatitig ako sa dalawa at wala din sa loob na napabulalas ang napuna ko.

"Parang magkamukha kayong dalawa, parang.... mag ama kayo"


"Risa ano ba yang mga pinagsasabi mo?" tila naiilang na wika ni Mairo na umiwas ng tingin.
Lihim na napangisi ako ng mapansin na namumula ang magkabilang tenga nito.

"Yes Mommy, tayo ang magkamukha di yang pangit na lalake po na yan" nakaingos na sagot naman ni Deacon.

"Aba't ang batang ito?" Nanlalaki ang mga mata na nakipagtitigan si Mairo kay Deacon.
"For your information Kiddo, etong mukha na ito ang kinababaliwan at pinagpapantasyahan ng Mommy mo magmula nung mga bata pa kami kahit itanong mo pa sa kanya" anito sabay lingon sa akin na tila sinasabi na ipagtanggol ko sya.

"No, you are so ugly and my Mommy just need my cuteness because Mommy said is cuteness is justice and she just need me... only me!" Taas noo na sagot ni Deacon sabay liyad ang dibdib na turo nito sa sarili.

"Hey, hey Kiddo, stop daydreaming because all my Love's need is my handsomeness at wala ng iba pa!" Nakangisi na sansala ni Mairo dito na kinapout ni Deacon saka nakairap na lumapit sa akin at umupo sa lap ko at pagkatapos ay taas noo na nakipagtitigan kay Mairo na tila dumilim ang mukha sa di ko malaman na dahilan.

Lumapit din ito sa amin at akala ko ay aalisin nito si Deacon sa Lap ko pero nagulat ako ng hinawakan ako nito sa bewang ko at iniupo ako ni Mairo sa Lap nya at pagkatapos ay mabilis na siniil ako sa labi ko.

"Mairo?"

"That's not fair! you kiss Mommy!" Angal ni Deacon pero ngumisi lang dito si Mairo pagkatapos ay ipinatong pa nito ang mukha nya sa leeg ko at niyakap kaming dalawa ni Deacon gamit ang maskuladong mga braso nito.

Napahagikhik tuloy ako kasi ngayon ko lang nalaman na may tinatago palang pagka isip bata si Mairo.






MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now