Chapter 23

4.8K 114 20
                                    

"Are you telling me the truth hijo?" Malambing na tanong ni Mrs. Pascua sa akin matapos na magpaliwanag ako sa kanila kung sino ako sa buhay ni Risa or mas kilala nila sa tawag na Princess....

Their long lost daughter...

"Yes Ma'm, I'm her husband and I am sorry for all the troubles that I give to your family, I'm sorry!"paghingi ko ng paumanhin sa kanila.

"It's okay hijo, our Princess...kailan lang namin sya ulit nakasama at wala kaming alam sa mga nangyari sa kanya nung mga panahon na inakala namin na patay na sya kaya naman ng ibinalik sya amin ng Diyos ng ligtas ay laking pasalamat na namin na kahit pa wala sya maalala sa mga panahon na nawalay sya sa amin at buntis pa sya ng mga panahon na yun ay masaya pa din kami dahil binalik ng Diyos ang panganay namin" naiiyak na wika nito.

Di ko malaman ang isasagot ko pagkat may gumuhit na guilt sa dibdib dahil sa salitang buntis si Risa nun mga panahon na yun.

At mali din ang sapantaha ko dati na kaya di nagpakita sa akin si Risa dati, ay dahil iniwan nya na ako but the truth is ay may nangyaring masama sa kanya but that leads on finding her way on her lost memories and real parents...

Di totoo na ulila na sya bagkus buhay pa talaga ang mga magulang nya at may nga nakakabata pa syang mga kpatid.

And about Deacon....I think I have already grasp of his real identity....

Maybe....no....he...he is my flesh and blood....my son...

Kanina after that ridiculous incident,
Nalaman ko agad kung bakit imbes na ang  nagalit ay si Percy ay ang ama nito ang sumuntok sa akin because he have all the right to do that...

Even me kung sa future magkakaroon ako ng anak, anak namin ni Risa na babae at ganung scenario din ang mangyayari malamang mas grabe pa dun ang gagawin ko.
But yung part na inakala ko na may relasyon sila ni Percy ay di ko na pala sinabi sa kanila mahirap na baka magka black eye na ako may pasa na nga ako sa gilid ng labi ko which is Deacon, my son is touching.

"Mister is this wound ouchy ouchy?" Tanong nito.
Gusto ko sanang tumango but my pride hold me back.
If itong minor injury na ito ay dadamdamin ko ay para na din lumabas na wala akong kakayahan na tumayo at ipaglaban ang karapatan ko sa pamilya ko.

I need to be strong, strong enough para sa aming tatlo nina Risa at Deacon.
Alam ko na pag nagising na ang Asawa ko at malaman na may pamilya pala sya at may anak na naiwan nya ay baka maguluhan sya at baka makasama ito sa kanya at sa second baby namin.
Ganun din sa Part ni Deacon...nandun sa sulok ng isip ko na baka mahirapan ito na mag adjust sa biglang pagdating ko sa buhay nilang mag ina.
Two years na nawalay sila sa isa't isa tapos babalik ang Nanay nya na buntis at may lalaki na di nya kilala...

So who do you think it is fault kung bakit nagkalayo ang mag ina mo?
Kung di mo sinamantala ang sitwasyon na nakalimutan nya na yung time na di kayo magkasama  at ang tanging naaalala nya lang ay yung nakaraan nyong dalawa na agad mong sinunggaban...may pagka Tonta ka talaga Mairo!  Sumbat ng konsensiya ko sa akin.

"Are you sure po Mister?" Muli ay ulit nito na muli ay nakangiting tinanguan ko.

"Sus wag kang maniwala dyan sa Lalaking  yan, walang tao na di nasasaktan pag sinuntok, may mga nagpo post nga sa youtube na mga  nasusuntok tapos iiyak sa harap ng camera mga abnormal talaga, meron pa magpapasuntok tapos iiyak tatawagin pa yung mga resbak nya ang ending rumble na, yung iba magpapaawa pa sa facebook ipopost yun mga mukha nun mga umaway sa kanya kunyari sila yun inagrabyado eh yun pala sila yun nagsimula, tapos eto pa boksingero nga na sinusuntok natitigok pag may maling tinamaan ang kamao ng kalaban nya, sya pa na malapit ng ipa firing squad ni Daddy sa Luneta" nakangising at mahabang litanya ni Percy na kakapasok pa lamang dito sa room.

"Tito Percy!" Agad na sumalubong dito si Deacon at nagpakarga saka inihagis nito sa akin ang isang coldpack.
"Oh idampi mo dyan sa feslak mong sinlapad na ng siopao sa sobrang maga" natatawang dagdag pa nito.

"Thank you..." bukal sa loob ko na pasasalamat dito.
Ewan ko ba pero ng malaman ko na nakakabatang kapatid pala sya ni Risa ay biglang gumaan na lamang ang loob ko sa kanya na tila nakikita ko sya bilang nakakabatang kapatid ko na din

"It's okay, papunta na nga pala Mommy yung mga kamag anak natin kasi tinawagan ko sila at sinabi na may nang api sa Ate Princess natin, Ma, may resbak na tayo" anito sa ina na nawalan ng kulay ang mukha dahil sa sinabi ni Percy.

Sinabi ko ba na magaan na ang loob ko dito sa kapatid ni Risa sa sobrang gaan....gusto ko na syang ihagis sa labas ng bintana...

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now