Chapter 21.1

3.9K 116 13
                                    

"Kailangan na natin umalis Risa" bulong ni Mairo sa akin.
"Male late na tayo sa flight natin"

"P---pero...." di ko malaman ang isasagot ko kay Mairo kasi mayroon part sa puso ko na ayaw umalis at iwan ang batang nakatulog na sa dibdib ko na di ko sya nakikita na kasama na ang mga magulang nya.
Halos kalahating oras na kami dito sa information desk ay wala pa din lumalapit sa amin para magpakilala na mga magulang ni Deacon.

Humugot ng malalim na buntunghininga si Mairo at hinawakan ang palad ko at pinisil.

"Alam ko ang nararamdaman mo, ayaw ko....din na umalis na d---di ko nakikita na k---kasama nya ang mga magulang nya but we need to go" pangungumbinse nito.
Ewan ko ba pero ramdam ko sa boses ni Mairo ang kaba at panic.
Malamang baka nag aalala ito na malate nga kami sa flight namin.

"Hmm...how about Mairo i cancel muna natin ang flight natin...kasi di talaga ako mapapalagay hangga't walang nagke claim kay Deacon" suhestiyon ko ito.

Pakiramdam ko talaga ay ayaw ko na mawalay sa mga bisig ko si Deacon.
Hindi pa din nawawala ang pakiramdam na parang napakahalaga nya sa akin.

Tuluyan nang lumarawan sa mukha ni Mairo ang pagkabalisa at pagtutol.

"But Risa----"

"Mr. Pascua, heto po yun mga concern citizen na nakakita sa pamangkin nyo" naputol ang sasabihin sana ni Mairo nang biglang dumating ang receptionist at nasa likod nito ang isang teenager na lalaki.

"Thank you Miss" anito sa receptionist at saka bumaling sa amin.
Bumadha sa guwapitong mukha nito ang pagkagulat at pagkasabik ng magtama ang mga mata namin.
Somehow he seems familiar to me just like Deacon.
"Ate Princess is that you?!" Excited na bulalas nito at ako naman ang nagulat ng bigla nito akapin.

"Wait----"

"Kailan ka pa dumating Ate Princess?" Tanong nito sa akin.

"Ha?" Nagugulumihan na nilinga ko si Mairo na tila tinakasan ng kulay ang mukha sa pagtataka ko.

"At kasama mo pa talaga etong anak mo, naku buti na lang at ikaw ang nakakita at nakita mo sya,sorry Ate Princess ha, nag CR lang ako saglit nawaglit na sa paningin ko si Deacon" dagdag pa nito.

Pinagsalikop pa nito ang dalawang palad na tila nanalangin sa akin.

"Tito Pierre?" Bulalas ni Deacon na naalimpungatan na pala at kasalukuyan na nagkukusot ng mata nya.
"Where did you go Tito Pierre? Hinanap po kita but di kita nakita but you know what Tito Pierre?"

Pierre pala ang pangalan nya?

"Hmm ano yun pamangkin" ngumiti ng matamis ang Binatilyo dito.
"Na nakita mo na ang Mommy mo Deacon?" Umiling si Deacon at saka ngumisi.

"No dahil di kita nakita nainis ako at gumawa ako ng joke.... I text your Girl na may kikitain kang ibang Girl tapos Tito Pierre nitext back nya ako na break na kayo" sagot nito.
Namutla ang mukha ng binatilyo at tarantang kinapa ang bulsa nya at nang tila di mahanap ang hinahanap nya ay nag angat ito ng tingin at nakita nya na may hawak na cellphone si Deacon ay dali daling hinablot nito ang cellphone at tinignan ito.
Bumagsak ang magkabilang balikat nito ng tila mabasa ang nasabing text message.

"Umm....I think me and my wife need to go" untag ni Mairo sa amin at hinawakan ang braso ko.
"We need to catch up in our flight Love" anito sa akin.

Akmang sasagot na sana ako ng biglang pumalahaw ng iyak si Deacon.
Tarantang inalo ko ito.

"Darling ba't ka biglang umiyak ha?"malambing na tanong ko dito habang pinupunasan ang luha at uhog nito.

"Oo nga Deacon, wag ka naman ganyan di pa nga ako nagagalit sa ginawang kalokohan mo eh" segunda ni Pierre.

Nakasibing nag angat ng tingin si Deacon pagkatapos ay inirapan si Mairo.

"Mommy wag ka nang umalis, wag mo na akong iwan please dito ka na lang po Mommy" pakiusap ni Deacon na sumubsob sa dibdib ko.

"Ate Princess aalis ka na naman, di pa nga alam nina Daddy at Mommy pati na ni Kuya Percy na andito ka na pala?" Nagtatakang tanong ni Pierre sa akin.

Kanina pa nya ako tinatawag na Ate Princess...kamukha ko ba talaga yun Mommy ni Deacon? Naguguluhan na tanong ko sa isip ko.

"Risa we need to go" ani Mairo na di pa pala binibitiwan ang braso ko.

Nagpalit lipat ako ng tingin sa tatlo pagkat di ko malaman ang gagawin ko at sasabihin at saka naman bigla ay nakaramdam ako ng pagkahilo kasunod nun ay nagdilim na ang paligid ko.

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now