Chapter 14.1

4.1K 138 11
                                    

"Ah, this is life!" Nangingiting bulalas ko habang nakahiga sa lounge chair at nagsa sunbathing dito sa Beach Resort na inerekomenda ni Cindy.

Gusto ko sana na isama si Baby Deacon pero nag aaral ito so prospone muna ang Vacation Bonding namin na Mag ina.

Kinuha ko ang Ice Tea ko na nasa mesita at saka mabilis na uminom sa baso pagkatapos ay tumayo ako at naglakad papunta sa dagat at nagsimula ng lumangoy.

Nang matapos akong maglunoy sa tubig ay umahon na ako at umupo sa batuhan at pinagmasdan ang papalubog ng araw.

What a nice and breathtaking view....but I don't fine myself to draw this scene...I want more...some addition to this scene...something....someone----agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang matangkad na lalaking nakapamulsa sa pantalon nya at nakatingin din sa papalubog na araw.

Mas pinakatitigan ko ang Lalaki para mas tumatak sa utak ko ang hitsura nya....pero sa ginawa ko ay kumabog ng malakas ang puso ko na kinataka ko kaya naman naguguluhan na napahawak ako sa dibdib ko.

"Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?
Parang....parang ay ewan!" tinapik tapik ko ang magkabilang pisngi ko saka pumikit ng mariin at huminga ng malalim at dahan dahan na muling dumilat para lamang muling magkabuhul buhol ang paghinga ko ng bumungad sa akin ang guwapong mukha ng lalaking kanina lamang ay lihim kong tinatanaw na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin.

Sa gulat ko ay bahagya akong napaatras kaya naman muntik na akong mawalan ng balanse pero buti na lang at nahawakan agad ako ng lalaki sa bewang ko.

Kunot ang noo nito na tinitigan ako at tumiim pa ang mga bagang habang ang dalawang mata nito ay may nakapaloob na mga emosyon na nagpapasikdo sa puso ko na hindi na nga mapakali gawa ng presensiya nito.

"Ahm...." bahagya akong gumalaw para makawala sa pagkakahawak nya sa bewang ko pero walang nangyari pagkat tila magnet ang dalawang braso nito na nakadikit na sa bewang ko.
"O---okay na ako....thank you" ngumiti ako ng matamis dito saka hinawakan ang isa nitong kamay para tuluyan na akong makawala sa hawak nya.

"Careful...you might fall again" anito sa baritonong tono na muling nagpapitlag sa puso ko na hindi pa makarecover.

"I....I will thank you" sagot ko dito at tumalikod na saka dahan dahan na bumaba sa batuhan.
Nang ganap na akong makababa ay nilingon ko ulit ito.

Mataman pa rin itong nakatingin sa akin na kinalunok ko ng makadalawang beses.
Pinaglaro ko ang mga daliri ko sa kamay at saka nakayuko na muling lumapit dito.

"Ah....thank you again uhm...."

Kumunot ang noo nito at tila saglit na dumilim ang mukha na tila may kinagalit ito kaya naman kinabahan ako.
"Mairo....Mairo Altagracia" sagot nito.

"Mairo...."binasa ko ng dila ko ang nanunuyo kong labi.
"Ahm...can you be my model?" Kinakabahan na tanong ko dito.

Muli ay kumunot ang noo nito.

"Model?"

"Ahm...yes...I'm a painter, abstract, landscape, potrait lahat pinipinta ko and I..." muli ay napalunok ako.
"I want to have your service, be my model please!" Muli ay pakiusap ko dito.

Hindi ito sumagot at sa halip ay bumaba ang mga mata nito sa mga daliri ko partikular sa palasingsingan ko kung saan suot ko ang singsing na regalo ng Anak kong si Deacon.

"Sure" malamyang sagot nito na kinatuwa ko.

"Really? Thank you, thank you!" Di magkandatuto na pasasalamat ko sa kanya.

Ngumisi ito at hinawakan ang kaliwang kamay ko.
"Yes....but first let me throw this garbage in the ocean" pagkasabi nito ay nagulat ako ng agad na hubarin nito ang suot kong singsing at itinapon sa dagat na kinagulat ko.

"No!" Nagpapanic na napatili ako at akmang pupunta sa dagat para hanapin ang singsing ng saklitin ng isang braso lang nito ang bewang ko.
Nanlalaki ang mga mata na galit na tumingin sa pangahas na lalaki.
"Why the hell did you do that?!" Galit na tanong ko dito pero ang hudyo ay nagkibit balikat lang saka ngumisi sa akin.

"Because I want to" sagot nito.

"Jerk! Sana may mawala din sa iyo na importante para malaman mo ang laki ng kasalanan na nagawa mo at tatawanan kita" Ngumisi lang lalo ito at saka pinisil ang baba ko at inilapit nito ang mukha nya sa mukha ko na kinakaba ko lalo.

"Yeah...matagal na" mahinang anas nito at nanlaki ang mga mata ko ng walang pasintabi na siniil ako nito ng halik.

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now