Chapter 24.1

2.8K 77 3
                                    

"Daddy...." malambing na tawag ni Deacon sa akin.
Namimilog ang mga mata nito, tila nagniningning sa sobrang tuwa habang  nakayakap ang dalawang mumunti nyang braso sa leeg ko.
Kasalukuyan na lulan kaming tatlo sa sasakyan ko papauwi sa Batangas,

After one week ay pinalabas na si Risa sa hospital.
Dun muna kami tumuloy sa Bahay ng Pamilya ni Risa para maka bonding nya ang pamilya nya.

At halata sa mukha ng Asawa ko na talagang masaya sya na makasama ang pamilya nya.

Nag stay kami sa kanila ng isang linggo  at ngayon ay kailangan na bumalik na kami sa Batangas para na din sa kalusugan ni Risa.
Pinayuhan kasi kami ng Doktor na kailangan ni Risa na pumirme sa lugar na sariwa ang hangin at kumain ng mga sariwang gulay, at prutas at dagling naisip ko ang Private Resthouse na binili ko six years ago na malapit sa tabing dagat dun din sa Probinsya ko.

Kaya ng inirekomenda ng mga magulang ni Risa yun Beach Resort nila sa Laguna ay agad na sinabi ko na meron din akong bahay na malapit sa tabing dagat at para na din mapakinabangan ko yung property namin na yun.
Nakatengga lang naman yun, at ginagawa lang guesthouse ni Naira pag may mga dinadala syang kaibigan nya at dun nya pinapatuloy.
Nakahinga ako ng maluwag ng agad na pumayag ang mga magulang ni Risa, gusto pa ngang sumama ni Percy pero dahil may mga kailangan pa syang tapusin ay susunod na lang daw sila...

Sila, which means may mga kasama sya...pero mukhang matagal pa naman yun.
Kaya naman masaya ako pagkat masosolo ko ang mag ina ko,kasi nun nasa kanila kami hinahayaan ko sila na  magkaroon ng Bonding Time na pamilya kasi kasalanan ko naman kung bakit nawalay na naman ulit si Risa sa kanila.
Kaya naman ngayon na kaming tatlo na ang magkakasama ay gagawin ko talaga ang lahat para mapalapit sa anak namin na si Deacon at maalagaan si Risa pati na ang second baby namin sa tummy nya.

"Yes Baby?"

"It is true na makikilala ko na po yung second Lolo at Lola ko po Daddy?" Tanong nito sa akin.

Napangiti ako sa tanong saka tumango.

"Yes, Baby" sagot ko dito.
Tinext ko na ang mga magulang ko na hindi kami natuloy ni Risa sa Las Vegas at uuwi kami sa Bahay pero di ko na binanggit pa na may kasama kaming bata at anak naming dalawa ni Risa.

Gusto ko kasing sorpresahin ang pamilya ko kaya naman pag uwi na namin tatlo ko na lamang sasabihin sa kanila ang tungkol kay Deacon.

"Will they like me?" Tanong ulit ni Deacon.
Nagkatingin kami ni Risa at kapwa kami napangiti.
Pagkuwa'y kapwa kami napatango ni Risa.

"Oo naman!"

"Of course Baby"

"Are you two sure?" Di pa din naniniwala na muling tanong ni Deacon.

"If they don't like you sweetie who cares, you have us...we love you" malambing na sagot ni Risa dito.
Nakangiti din na tumango ako sa Mahal na Asawa ko bilang pagsang ayon sa tinuran nito.

Tama naman kasi si Risa.
Kung hindi magugustuhan ng pamilya ko si Deacon, which I doubt if is ever happen, ay walang pag aatubili na iiwan ko sila at ang mag ina ko ang pipiliin ko just like that time that I cancel my wedding with Giselle kahit pa buntis sya that time sa anak namin na dalawa dahil na realised ko na kahit pa niloko ako noon ni Risa na nabuntis ko sya ay mas masaya ako na harapin ang buhay may asawa na sya at ang anak ang kasama ko, na ayoko na tumingin sya sa ibang lalaki, na may magustuhan sya na ibang lalaki, umalis at tuluyang nang maglaho sa buhay ko.

Kaya naman kahit pa malaking eskandalo ang nagawa ko, kahit pa gawa ng desisyon ko na yun ay nakunan si Giselle sa anak namin ay wala akong naramdaman ni kaunting guilt man lang,
Naisip ko pa nga nun na baka isa nga akong walang kwenta, makasarili at walang pusong tao gaya ng bintang ni Giselle sa akin,

Pero nagkamali ako kasi nang umuwi ako ng condo at wala akong nadatnan na Risa duon ay parang huminto ang oras sa paligid ko.
Naghintay ako ng matagal...umabot ng isa, dalawa, tatlong araw, linggo, buwan pero dumaan ang isang taon saka ko lang napagtanto na iniwan ako ni Risa.

Hindi ko yun matanggap at matagal na hinanap ko sya at nun natagpuan ko naman sya ay dapat na mas inungkat ko kung anung nangyari at nawala syang bigla pagkatapos ay napunta sa inakala ko na bago nyang pamilya, eh di sana ay matagal ko nang nakilala at nakasama si Deacon....

"Oh well, if they don't like me, it's okay, Tito Percy said that I just have to act like a pitiful cutie baby and everybody will never resist my cuteness" kibit balikat na nakangising sagot ni Deacon na kinatawa ni Risa pati na rin ako.

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now